Gumagalaw nga ba talaga ang oras?
Wala lang naisip ko lang, kasi minsan parang mas mahaba (o mas maikli) yung mga ibang pangyayari sa buhay, pero kapag tinignan mo ang orasan, makikita mo na pareho lang naman ang oras na lumipas.
Dahil nga oras ang pinaguusapan uhm ewan wahaha lalagyan ko na lang ng timestamps yung mga pangyayari. Hindi ko nga pala inimbento ang mga oras na nakalagay diyan, talagang may pagka weirdo ako at tinitignan ang aking relo ng madalas.
(All times in this post are based on Ateneo Time)
[5:34] Nagising ako, bad trip kasi hindi siya kasing aga ng inaasahang 5:25. Oh well, tapos pagpunta ko ng CR para maligo, nandun pa si Tita kaya ayun nagaantay na lang ako wahaha lecheness..
[6:58]Nakababa na ako sa Megatren. Nasalubong ko si Mich at naglalakad na papuntang Ateneo (ako) at papuntang sakayan ng tricycle (si Mich). Nung nasa may mini stop na kami biglang tinuro ni Mich sa akin yung Rainbow. Wow ang ganda wahaha siyempre dahil abnormal ako, inalala ko na 6:58 nangyari yung rainbow.
Naisip ko rin na mabuti rin palang late ako, since kung napaaga ako ng gising, hindi ko makakasalubong si Mich at hindi niya maituturo sa akin yung rainbow at hindi magiging ganon kaganda ang umpisa ng araw ko.
Tapos dumaan ang break, english, literature at isa pang break. Dahil medyo boring sila (maliban siguro ang literature) parang naka slow motion ang panahon. Ang 4 hours na lumipas ay tila isang buong araw (no kidding wahaha).
[12:30] ES na. Ibig sabihin may presentation.Walanjo naman parang ang bagal ng panahon nung nagrereport yung unang group (hehe gusto ko kasi mabilis lumipas ang oras para hindi na ako magreport) Parang nung panahon ko na para magreport hiniling ko na gumuho yung building, o magbrown-out o maihi man lang si Ma'm at kailanganing magcr sa ES department kaso hindi show time talaga. Oh well, ewan nagawa ko naman ata ng maayos yung reporting ko wahaha oh welps...
[1:38]Oo, talagang ewan pero tinitignan ko talaga yung relo ko niyan. Naisip ko na dahil 2:00 pa ang Pe class ko pwede pa akong magbasketball. Aba ang bilis pala ng oras kapag nagbabasketball ka wahaha. Ang bilis lumipas ng 20 minutes. (ewan ko lang talaga kung bakit sa tunay na basketball yung last two minutes ay minsan katumbas ng isang buong quarter).
[2:00] Show time nanaman. PE 101 test. Patay nanaman. Siguro kahit papano nakakuha ako ng maayos na marka hehe. Sabi ni Ma'm kaya daw tapusin yung test sa loob ng 20 minutes. Siguro dahil sa sobrang katangahan ko (puro hula na lang mga isinasagot ko) natapos ko yung test sa loob ng 15 minutes (kasi lumabas ako ng room mga 12:20, eh tumayo pa ako noon, nagayos ng bag,tapos nagdasal pa si Chris)
[2:25] Basketball nanaman, hehe 3:00 pa naman kasi yung ITM testing, ayun parang ang bilis nanaman ng 20 minutes hehe. Ayos na rin kasi nakakashoot naman ako kahit papano wahaha. (ayos pala maglaro ng pressure sa three point area)
[2:56]Pumasok ako sa CTC114 para mag ITM test. Ayun patay binigyan kami ng 1 hour 30 minutes para gumawa ng halo halong excel,powerpoint at word. leche nalaman ko na kapag pressured ka ang 1 hour and 30 minutesay parang 10 minutes na lang. Oh well see you sa summer na lang :)
Pagkatapos noon ay umuwi na ako at wala nang maalala tungkol sa oras.
Basta nasalubong ko si Kamyl at ayun usap usap lang kami. Tapos baba sa Cubao Station na may headache.
[5:12] Di ko nakaya ang headache kaya natulog na lang ako. Ayun lechugas na tulog yan hindi tuloy ako nakapaglaro ng Nba live (at gising pa tuloy ako hanggang ngayon)
[7:33] Nagising ako, Check mail at yahoo chat lang wahaha. Wala naman akong kailangang gawin bukas kaya sige carry lang chat lang ng chat hanggang mga 9:37. Pagdating kasi noon ay nakipagusap na lang ako sa telepono...
[9:37] Ayan fone conversation na, Kung ano ano nanaman ang pinaguusapan, hindi ko na rin tuloy napansin na ang oras ay tumatakbo. Parang pinatigil na kasi ng utak ko yung kanyang sense of time, siguro dahil naaliw ako sa kausap ko, kaya ayun hindi ko na rin napansin. Kaya biglang boom [12:15am] na pala at kailangan na niyang matulog.
[1:08am] Tapos na ang blog ko na inumpisahan ko nang 12:55 hehe mahaba pala yun wahaha.
Currently Listening to:
Sohpie B. Hawkins - As I Lay Me Down
No comments:
Post a Comment