Monday, January 10, 2005

Sky

Poetry class made me think about some useless stuff...

While the class was discussing the poem Mt. Mayon by Simeon Dumdum Jr., my mind was slowly flying away from the room...

It was when the poem talked about clouds, sheeps, and lambs suckin on the blue nipple (which was Mt. Mayon) when I looked out of the window and noticed the sky above us. I remember I saw some formations that I thought were cats, ostriches, thrones hehe varied stuff really.

Then I remembered something that Mr. Remoto said about how we should be like the sky when it pertains to relationships. Something like we should see how the clouds interact with the sky. Everything is fleeting,yes even love is transcient. No permanent place, no permanent shape, no permanent position for the cloud.

(Time out may gagawin lang ako sandali)

Ewan, naisip ko tuloy. ang sagwa siguro kung ang magiging relasyon ko ay parang ulap at isang bahagi ng langit. Yung tipong kahit anong gusto kong gawin upang manatiling kasama ang bahagi ng langit na yun hindi ko magagawa. Talagang kakailanganing umandar, kakailanganing iwan ang aking bahagi ng langit...

Naisip ko, siguro kaya merong mga ulap na sobrang nipis.... Siguro sila yung mga may karelasyon sa mga bahagi ng langit. Sila yung sumubok humawak. Sumubok na manatili kapiling yung kanilang kasintahang langit. Kaya siguro numipis ng ganon kasi binanat niya ng sobra hanggang ayun numipis at tila nasira na ang pagkaulap niya...

Ewan kung ako man, mas gusto ko ata yung ganon, yung kahit na mapunit ako at numipis ng todo pero makakasama ko naman yung kasintahan ko... wala lang siyempre ang idealistic nanaman ahaha, ganon naman ata talaga kapag di pa nararanasan yung tunay na emosyon...

Yun lang, sabi ko sa inyo useless eh :P

Currently Listening to:
SIAM SHADE - Love

No comments: