Friday, January 28, 2005

Kailangan?

Oo, tama ang oras ng blog ko 5:55 am (parang sardinas).

Nawindang ata ako ng todo dun sa nangyari kaninang madaling araw. Pagkatapos malaman na mahal ka rin ng isang taong tinuturing mong minamahal, saka mo malalaman na iyon na ang huli niyong paguusap.

Nakatulog pa naman ako pagkatapos nun. Pero hehe isang oras lang ata, ewan hehe, pinalipas ko na lang yung oras sa pakikipagstaring match sa kisame (talo ako, napaluha ako ng kisame...). Tapos biglang naisip ko na medyo senselss and useless ang ganon naisip ko na lang na.... magblog (nyak)

Umabot ang 5:25, kahit na nanlalata ako at nalulungkot bumangon ako, nagpatay ng alarm sa celfone at naligo. May pasok kaya kailangan

Nagsipilyo ako. Magsasalita, hihinga at basta bubukas ang bibig koko mamaya kaya kailangan.

Nagsuot ng contact lens. titingin ako sa mga sinulat ng prof mamaya kaya kailangan

Natapos ang pagligo, nagbihis ako. Nagbrief, nagmedyas, nagpantalon. Naniniwala ako sa freedom of expression pero hindi decent ang hindi magbihis kaya kailangan.

Sinabi ko na mahal ko siya. Kailangan?

Sinabi niya sa akin na mahal rin niya ako. Kailangan?

Dahil mahal niya ako kailangan niyang lumisan. Kailangan?

Hindi na daw muna kami maguusap. Kailangan?

Sinabi niya sa akin na wag ko na daw siyang antayin. Kailangan?

Susuwaiyin ko siya at aantayin ko pa rin. Kailangan?

...Oo, dahil para sa akin, karapat-dapat siyang antayin

It's been 4 hours since I last heard her voice.
I'm un-alright
I'm still waiting...
I love her.