Ayun pumasok ako... kailangan eh...
Sa math ayos lang, carry lang naman. Naintindihan ko naman kahit papano yung mga sinasabi ni Sir Muga. I guess maganda rin na umpisa ng 2nd half ng math. New slate, i guess I should build on the good start that I had nung 1st sem.
Tapos english ewan. Kakaaliw lang, hehe sinamahan ko si Nix sa car niya para kunin yung report niya. Pagdating namin dun sa car niya hindi na niya makita yung visuals niya. So pabalik nagrarant na si Nix, hehe sa classroom ayun nasa bag na pala niya yung report wahaha. Ayos lang at least may exercise.
Then literature. Potakte sentihan to. Tama ba naman na magplay si Sir Danton ng Pablo Neruda cd sa panahong sabog ang emosyon ko. Ewan, tonight I can write nanaman ba ito? hayy...
Es Lecture ayun career mode on sa recitation. Medyo sabog pero sige recite lang ng recite. I think maganda naman ang performance eh ehehe. Sa laboratory naman reporting ayun I guesss we did well (maraming maraming salamat kay Hans sa todo-todong sacrifice na ginawa niya para sa group). Nasabi ko na we did well dahil sabi ni Ma'm she liked our presentation hehe yeahboi!
Pizza hut time. Free Pizza thanks to the January Birthday People. Thank you Kathy and James.
After that pumunta ako ng Up. Onting lakad lang sa sunken, tapos nagkita kami ni James. Nakisabay ako para makapunta sa Lsgh. Ayun lsgh... Shoot ganda na nung SJA (actually SJ theater na rarr). Kaaliw yung mga professor ko, medyo weird lang at wala si Miss Fay hehe pero ayos na rin sulit na ang 300.
Habang nanonood kami ni James dumating si Iking at si Gijo so ayun hehe reunion of some sorts (nak ng pusa reunion ng 4 leche-ness). Ayun pagkatapos ng thingie nagpunta kami ng greenhills para kumain. Dun kami sa hotshots at ayun bonding session lang. Aliw lang napapalibutan ako ng mga taga-UP . At lalong aliw na nagdrive si Gijo.
Nung nagkahiwalay na nagpunta kami ni James sa Timezone. Bwiset version 2 lang initial d nila rarr oh well. Hehe sige laru pa rin ako kahit na hindi na talaga para magbuild up ng stats. Ayun pagkatapos sinundo na kami nung kuya ni James.
Pagdating ko sa bahay ang sakit ng ulo ko. Potakte parang may hangover kahit na di pa ako umiinom lecheness.
Ironic:
-na naiintindihan ko ang mga lessons at mga sinasabi ng guro ko, pero ang sarili kong damdamin hindi...
-na nasasamahan ko sa mga lugar ang mga english blockmates ko, pero ang taong tinuturing kong mahal hindi...
-na nagagawa kong maintindihan kung san nangagaling ang kalungkutan ng mga ibang tula ngunit ang sarili kong kalungkutan hindi...
-na alam ko ang mga kasagutan sa mga tanong sa ES at naipapahayag ko ang mga ito sa isang maayos na paraan ngunit ang nararamdaman ko hindi...
-na nasasama ako sa mga masasayang salo salo pero ako ay malungkot...
-na maaaring sa wakas ay nagkasama na kami sa iisang lugar ngunit parang mas lalo kaming lumayo...
-na napapalibutan ako ng mga tagaUp pero wala dun ang taong talagang gusto kong makasama...
Currently Listening to:
Rivermaya - You'll Be Safe Here
No comments:
Post a Comment