Tuesday, January 11, 2005

Journal Entry...

Wala lang, nasulat ko to nung November 11,2004 for my Filipino Class hehe Nakakuha ako ng B+ kaya masaya ako dito :P (although mas masaya kung A hehe)

Gusto ko mapraktis ang typing skills ko kaya itatype ko siya ehehe...

So here goes:
Bulong
Umpisang tono pa lang ng kanta alam na kaagad ng karamihan kung ano iyon. Ang unang birit pa lang ng (tenenen ten tenenen) masasabing tunog "nughtclub" na. kapag narinig ang kantang iyon, halos sigurado na ang pagpasok ng mga imahe ng mga boe ng beer, mga lasenggo at mga babeng feeling seksi na gumigiling sa poste. Ang awiting tinutukoy ko ay ang kantang Careless Whisper na orihinal ata ni George Michael. At sa isang hindi ko talagang maipaliwanag na dahilan, ang kantang ito ay tila nakaukit na sa aking isipan.

Nagsimulang maging kantang "LSS" sa akin ang Careless Whisper noong mga Marso, mga huling araw bago ako "grumadweyt" sa LSGH. Nakahiligan ko na kasi ang mga kantang hapon at koreano. Nagkataon na "nagdodownload" ako ng mga kanta ng aking makuha ang Careless Whisper na kinanta ng isang sikat na mangaawit na hapon. Pinakinggan ko ito, naaliw sa sabog na boes ng hapon na "trying hard" mag-ingles at pagkatpos ay kinalimutan. hindi ko naman siya kinahiligan kaya paminsa-minsan ko na lang ito naririnig, kapag natapat sa kanya ang "random plau" ng aking Winamp. Hindi ko tuloy maisip kung bakit eto ngayon ang naging "soundtrack" ng buhay ko.

Biglaan kung tumugtog ang awiting ito sa aking isip. Minsan sa umpisa (sa "tenenen ten tenenen") minsan sa first line ("I feel so unsure...") at malimit sa "chorus" (Isang todo hiyaw ng "I'm never gonna dance again..."). Walang pinipiling lugar o oras. Pwedeng sa panahong naglalakad ako papuntang eskwela, nakahiga bago matulog, o kahit habang nagaantay ng klase. Minsan sa utak ko lang siya tumutugtog pero madalas ay napapakanta na rin ako. Ang aking pagkanta nito ay paiba-iba rin, minsan isang mahinang pabulong na paraan at minsan naman todo hiyaw, kasama na ang pagtanggal ng belt (kung may suot nang panahong iyon), pag angat ng t-shirt at ang todo-bigay na paggiling. Saksi ang ibang "blockmates" sa aking palabas. Ang palabas na walang pinipiling audience; babae, lalake, matanda, bata, basta andun ka, show na!

Ngayon ko lang naisip ang isang posibleng dahilan ng pagka"LSS" ko sa kantang ito. Maaring ito ay dahil sa ang bahay ko ay nakatabi ng isang nightclub. Isang nightclub na nagngangalang kulasisi. Habang sinusulat ko ito ay ang linaw ng pag-alala ko sa gusaling iyon, Puting "building" na may malaking pares ng labi at may "cursive" na kulasisi. Kapag gabi ito ay naiilawan ng pulang neon lights. Ngayon ko rin lang naisip na una kong narinig ang tonong "Careless Whisper" sa labas ng gusaling iyon. Naalala ko rin na sobrang curious akong makapasok doon. Kaso hindi pa nga ako umaabot sa legal age na 18 (17 pa lang ako) ay matagal nang wasak yung gusali at pinalitan na ng Cubao station ng MRT3, ng isang lotto stnad at isang karitela na bentahan ng tokneneng at gulaman.

Siguro kaya laging tumutugtog ang awiting iyon ay dahil sa kagustuhan kong makapasok sa mga bars at nightclubs. Hindi ko sinasabing gusto ko ng mga kahalayan ngunit talagang "curious" ako sa mga nangyayari sa lugar na iyon. At habang dumarami ang nagkwekwento tungkol sa mga clubs, bars at nightspots, parang mas lumalakas ang kanta sa aking isipan at habang inaantay ko ang isa pang taon, wala na kong ibang magagawa kundi ituloy ang "I'm never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm..."

Ayun tapos ang journal entry. May mga sinulat si Sir Yol tungkol dun sa kapalpakan nito pero next time na yun ehehe. Basta B+ siya hehe next time na gagawa ako ng journal entry susubukan ko na siyang gawing A.

Currently Listening to:
Hyde - Careless Whisper

No comments: