Sunday, January 09, 2005

Reblogging...

Hehe tinamad ako magblog so eto yung aking blog backlog hehe...

Thursday:
Wala naman masyadong gawain so ayun nagrelax ako. After math nagpunta ako ng library at nagbasa ng mga libro (something by Tony Perez), doon ko napansin na may punit yung t-shirt ko. Pagtingin ko sa orasan mga 9:30 pa lang so Umuwi muna ako para magpalit ng shirt. Hehe pagdating sa bahay nagpalit ako ng shirt, nagprint ng bagong filipino homework tapos ayun bumalik na ako sa school hehe buti naman at hindi ako late :)

After class I was supposed to have a meeting at 4:30 for the ACTM devalentine project. Kaso dinismiss kami 1:00 hassle aantay ako ng 3 hours and 30 minutes buti na lang nagyaya si Chris na mageastwood ahahah. Patay nanaman ba ang allowance ko at savings?

Well hindi naman todo todo pero bawas pa rin, pagdating sa eastwood ps2 lang at isang laro ng initial d hehe...

Tapos nakabalik ako sa ateneo before 3 rarr hassle to... So buti na lang nakita ko si Anj and we chatted for an hour and 30 minutes hehe (dumating din si Pj kaso anak nmg pusa nung dumating siya halos 4:30 na so ayun useless kasi may meeting ako dratz...)

Meeting ayos lang steady lang ahaha, kung ano anong devalentine stuff ang pinagusapan at para akong isang malaking decoration na walang naitulong wahahah nu ba yun ahahaha oh welpz...

Pagdating sa bahay ayun chat/laro/ tapos kinausap si fone ahaha. Pero productive ang fone chat ko dahil nagawa ko yung Literature thingie ko with the help of my FB. (Fone Buddy tsk tsk wag masama isip).

Friday:
Hmm continued to kasi inumaga ako sa pagtype nung literature na yun hehe alas tres na ata ako nakatulog kaya ayun ngarag ako...

Math ko halos makatulog na ako, buti na lang medyo ayos pa yung will to learn ko ahahaha kaya hindi ako nakatulog...

English ayun bumagsak ang will ko. Knockout pagdating nung Second Round(reporter) pero nakabawi nung dulo nagising tapos nung 3rd round (reporter nga) knockout muli ahahaa...

Literature - Ayos at least maisasubmit ko na yung pinagpuyatan namin nung FB ko (Fone Buddy rarr) ayun wala rin lang yang free cut ahaha kaasar. Wasted ang puyat effort ko wahaha.

May free time ako kaya pumunta ako ng library para matulog pero useless dahil nagbasa na lang ako ng bob ong writings (Ang paboritong libro ni hudas) so di rin ako nakatulog hehe.

ES- patay. Napagusapan kasi ang pollution. tapos napadpad sa silent springs, anong malay ko na yung spring pala yung season na spring yung (winter,spring,summer,fall) akala ko yung Spring na body of water leche hehe kaya nung nagtanong si Ma'm sa klase kung may spring ba sa Pilipinas, proud pa ako sa pagsagot ng Ma'm meron sa Laguna! hot springs pa nga di ba? wahaha leche! Sabing ngarag ako eh.

Tapos ayun pagdating sa bahay natulog ako! ahaha Tapos pagkagising nag IRC ako ayos lang may nakachat ako tapos masayang usapan hehe.

Saturday:
Hmm wala naman masyadong nangyayari sa mga weekend ng buhay ko ahaha

Celadon Amazing Race nanaman. Wow nung Una grabe ang pagkaOp ko ahahaha pero ayos lang masaya yung race 3rd kami out of 5 ahaha leche pagawin ba naman kami ng puzzle na kulang ang pieces wahaha kaya naman pala (actually mabagal lang kami kasi yung nagfirst place 3:00 natapos eh halos 3:45-3:50 ata kami nakarating sa finish hehe).

Tapos ayun hehe, sa house wala usap ulit kami nung FB ko ahaha kakaaliw lang iisa lang pala yung kachat ko sa Irc at si Fb wahaha (btw update lang willpower: 0)

Sunday:
Hmm nagpunta ako sa megamall para bumili ng beerkada t-shirt hehe kaso walang shirt

Astig yung G2 Show (games and gadget show) nakita ko si Lyndon Gregorio (ang creator ng beerkada) at ginawan niya ako ng Southpark style caricature (to be uploaded soon) tapos ayun hehe. Nakakita ako ng mga nagcocosplay at aliw may nakilalang bagong tao ahaha. Astig nakita ko rin yung mtv ng blurry eyes ng L'Arc~en~ciel, siguro mas mapapadalas na ang pagattend ko sa mga ANime Stuff hehe...

Shoot ang ganda nung isang cosplayer hehe astigidig na rin kasi nakausap ko siya) kaso sira yung Skyblade cd na nabigay sa kin lecheness hehehe ay nakalimutan ko nagkita pala kami ni Jonats sa pila nung show.

Tapos ayun nag mass na ako sa megamall astigidig ang lamig nung aircon ahaha at nakaupo na rin ako after a long while. Hehe si Ralph Mendoza nga pala ang nagturo sa aking kung saan yung Mass hehe.

Tapos bumalik ako sa cosplay convention para tumingin ng tao ayun may magaganda pa ring tao na nagcosplay ahaha.

Bumaba ako sa Timezone para maginitial D, leche di ko pa rin matalo yung isang guy dun ahaha pero ok lang kasi naimprove din naman kahit papano yung car ko (nalagyan na ng spoiler).

Tapos ayun bahay na ahaha. Usap ulit sa fone hehe oh my gulai ang willpower ko ay negative na ata waahahaha... Mahirap ata talaga mag let go kapag ineenjoy mo ang isang bagay.

Currently Listening to:
Rejoice theme - Walang Sabit

No comments: