Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have her. To feel that I have lost her.
To hear the immense night, still more immense without her. And the verse falls to the soul like dew to the pasture.
- from Pablo Neruda's Tonight I can Write...
I'm un-alright. Hindi ko naman talaga alam kung bakit pero ewan wasak ang emosyon ko ngayon.
Siguro kagabi nagsinungaling ako, sinabi kong Ok ako, pero ang totoo medyo ayun nga nasasaktan ako. Hindi ko kasi maintindihan ang mga bagay bagay. Hindi ko maintindihan ang circumstances about someone and why she did or why she will do what she said...
I really like you, that's why I have to back away...
Ewan isa lang siyang pangunugusap. pero yan ay isang pangungusap na hanggang ngayon ay nanatiling nasa isipan ko. Hindi ko kasi maintindihan talaga kung ano ang tunay niyang kahulugan nang nasabi sa akin yang mga salitang iyan. Naguguluhan kasi ako parang hanggaqng ngayon hindi ko pa rin makuha yung context nung pangungusap na iyan. Siguro sobrang kitid lang talaga ng utak ko kaya hindi ko maintindihan yan. Oh well.
Sabog na sabog na ako. Sa totoo lang halos wala pa akong tulog (maliban na lang nung ES). Pero ayos lang. Ngayon ko tuloy nalaman yung kahalagahan ng isang matalik na kaibigan. PInuntahan kasi ako ni James sa ateneo para lang makinig sa mga saloobin ko. Ewan malaking bagay na yung isang oras at kalahati na yun. Kahit papano medyo may napagbuhusan ako ng damdamin...
May test ako bukas. Math, Kampante talaga ako na maipapasa ko naman iyun. Siguro sinasabi ko to para lang makumbinse ko ang aking sarili na hindi ako naapektuhan (at least sa studies ko) pero peke. Walang epekto sigurado ako na pagkatapos ng exam ko (dun sa 3 hour break) malulungkot nanaman ako... ewan
Currently Listening to:
Blessed Union of Souls - I Believe
No comments:
Post a Comment