Computer got wrecked, hehe just got it a few hours ago hehe.
Wow tama ata yung sinabi sa kin ni Catey Castillo dati, ang bestfriend ko yung computer ko wahaha. Ewan siguro masyado lang ako maraming ginagawa dito sa computer na to kaya "namimiss" ko siya pag nasira hehe.
Nakakaaliw lang na nasira siya kung kelan marami akong bagay ang gustong itype dito sa blog na to hehe. Sige eto na simula sabado...
Saturday
Well NSTP. Hehe nagkataon na yung mga nakasama ko dun sa jeep mga walang dalang pagkain. Hehe medyo parang consolation na lang namin yung mga hirit na "at least di tayo nataihan wahaha"
Pero ayun narealize ko na ang pagkanta pala ay nakakabusog. Dinaan na lang namin sa tugtog ng gitara ni Chris/Miah/Ralph at kanta ang kumakalam na sikmura hehe. Kung ano anong versions at kanya kanyang renditions ng mga kanta ang pinaggagawa namin hehe. Takaw-pansin pa nga dahil ang ingay namin hehe. Tinitignan tuloy kami nung mga ibang tao sa jeep.
Ayun hehe gutom ako pero masaya pagdating ko sa bahay. Kaso nalaman ko na nasira ni Tricia yung computer so ayun naging gutom na lang tuloy ako... At dahil sira ang computer parang alas diyes palang ata nakatulog na ako wahaha.
Sunday
At dahil nga 10 pa lang tulog na ako, nagising ako ng sobrang aga mga 3am ata...
Ayun dahil maaga naman nagawa kong magsimba sa simbahan ehehe. Lagi na lang kasing mall at ayun narealize ko na andami palang mga rituals ang hindi ko na nasasaksihan.
Pagkatapos ng misa, kumain ako sa mcdo. Hindi naman talaga dahil gutom ako pero dahil gusto ko ng rabbit na laruan ehehe. Ayun dapat sausage mcmuffin lang kaso hindi ko ata maatim na mas mahal pa ang laruan ko kaysa pagkain kaya naging big breakfast na hehe.
After breakfast. Went to gilmore para icheck kung open yung PC express kapag Sundays bukas siya so paguwi ko aantayin ko na lang pala si Daddy.
Ayun sobrang tagal dumating ni Daddy, buti na lang nakausap ko pa si Faye sa phone kaya hindi ganon kaboring yung pagaantay ehehe. Mga 4:00 na nung nagbihis ako at ayun sa wakas dumating si Daddy.
Rarr pinaiwan yung computer wahaha, Ok lang isipin ko na lang na swerte yun kasi midterms week na sa school wahaha.
Ayun pagkatapos nun fone na lang ulit. Uhm wala lang
I just want to hear your voice before I go to sleep
For some reason sobrang natouch ako ng line na yan. Tipong kahit di na ata ako kakain nang buong linggo basta maalala ko na may nagsabi sa kin niyan (at siyempre na siya ang nagsabi sa akin niyan) ok na hehe. Masaya na ako.
Monday
Ayun normal school day na ehehehe.
Math ay halos nonsense na para sa akin. Wala nang pumapasok sa isip ko, patay ilang araw na lang midterms na tapos ganito ang mindset ko rawr.
Free cut ang english kaya naglibrary na lang ako ahaha. Tapos ayun lit hehe makulit siya as usual pero ewan ahh basta ahaha. Tapos ES na natulugan ko dahil medyo pagod ata ako at sabog ang reports.
Tapos nun nagbasketball muna ako bago mag Pe101. Andami kong sablay pero ayos lang hehe, sarap pala maglaro muli ng basketball.
Pe101 na, Ayun nakita ko ang report nung group 1 hehe ayos lang. Buti na lang pala gumawa ako ng outline ng report namin kahit na handwritten. At least tinanggap ni Ma'm hehe pasalamat na lang mga groupmates ko at may naitulong ako sa kanila wahaha.
Tapos nagsight seeing kami ni Luigi bago magreview. hehe ganda ng tanawin. Isang maputi at makinis na pangitain wahaha.
Review for math 19 midterms was ok, medyo ang kulit nung ibang techniques pero feeling ko makakatulong. Tumataas ulit ang confidence level ko ehehe.
Tapos siguro sa sobrang pagod at boredom nakatulog ako ng 8:30, hehe nagising ako ng 12:19 pero naisip ko na matulog na lang muli. Nagising ulit ako ng 3:38 pero natulog ulit ako. Tapos nagising nang 5:25 dahil sa alarm clock, tinatamad ako kaya pinindot ko yung snooze hehe, ayun nagising ako ng 5:30.
Tuesday
Salamat sa tulong ni Richmond Fang, nakuha ko na ang computer ko! hehehe nagawa ko na yung ES homework hehe pagkatapos ng Nba Live promise aral na ako sa math...
Currently Listening to:
Gin Blossoms - Until I Fall Away.