Wala lang nakuha ko yung line na yan sa pelikulang "The Beach"
Although di ko pa napapanood yung pelikulang yun, aliw na aliw ako sa linyang yan. Naimprint na ata sa utak ko yung scene kung saan nagwawala si Leonardo Dicaprio (tama ba spelling?) habang humihiyaw nang "I will not Die Today! (2x)".
Kaninang filipino natanggap ko ang paper ko. Yun yung sinulat ko tungkol sa Lam-Ang. Hehe ayun isang malaking F ang score ko. Medyo shocking nung una pero ewan napagisip isip ko rin naman na noong mga panahong ginagawa ko yun, hindi ako sigurado sa topic, hindi ako sigurado sa tanong na sasagutin. Kaya ewan feeling ko tuloy karapat-dapat lang ang F na natanggap ko.
Hehe oo medyo mapait tanggapinyung F, pero ayun nga nung inisip ko yung mga panahong ginawa ko siya( last christmas break) hindi ko nga talaga sigurado kung ano yung sinusulat ko. Oh well, isang pagkakadapa lang yan. Naniniwala naman ako na kaya ko siyang bawiin sa mga susunod pang mga sulatin para sa Filipino. Hindi ako mamamatay dahil lang sa isang F na yan hehe (para atang kinukumbinsi ko ang sarili ko ehehe). At least ngayon alam ko na yung mga shortcomings ko pagdating sa pagsulat :)
Tapos kanina habang pauwi na kami ni Miah, nilapitan siya ng 1 lalaki. Ewan di ko kasi napansin na nilapitan siya kaya hindi ko na narinig yung usapan nila. Tapos ayun hehe biglang kinabahan ako at naghanda ang defense mode hehe. Pero ayos lang magaling naman magpalusot si Miah kaya ayun nakalsuot hehe. Wala lang di ko kasi narinig yung usapan kaya malay ko ba kung magtatanong lang ng direksiyon ang mga yun, magrerecruit sa isang gang o anuman hehe ewan.
Pero yun nga hindi maalis yung katotohanang kinbahan kami ni Miah wahaha. Pero ang totoo lang medyo handa na akong makipaglaban nun wahaha. Takot oo pero hindi ata ako aatras o tatakbo nung mga panahong iyon. Ewan ahaha siguro matapang ako kasi may kasama ako na mas matangkad (si Miah) at mas malaki sa akin kaya ayun ok lang makipaglaban wahaha. wahaha nakikita ko na lumalaban ako habang sumisigaw ng "I will not die today!" waahaha at least di ba cinematic :P
Naisip ko tuloy na kahit gaano pa ka-developed ang isang lugar, kung may gulong mangyayari ay mangyayari talaga (err tama ba yun).
Currently Listening to:
Hajime no Ippo - Yuuzora no Kamihikouki
No comments:
Post a Comment