Sunday, January 30, 2005

Week 1

Ayan 2 weeks daw eh...

Well went to megamall to hear mass. I was late coz I didn't know that the mass was being held at the path in front of Jollibee instead of megatrade hall 3 hehe. Well there, after the mass I went to Timezone to play hehe. Initial D again, but I really really suck at this wehehe damn.

At home I just typed my three seasons thingie, hehe after that I went online...

Hmm chatted with her... And yun medyo nabasag ang 2 weeks since nagusap kami wahaha. I miss her naman kaya I'm happy that I was able to talk to her... And yun at least I start the two weeks on a happy note :)

Tomorrow is school day hehe, hassle to... I'm feeling so lazy wahaha...

Currently Listening to:
17:28 and Heart Evangelista - Last Love Song

17 minutes...

Hmm wala lang Hindi na ako ganon kalungkot...

Ang pinakamahabang 17 minutes ng buhay ko ay naganap kanina. At sa loob ng 17 minutes na yon, mas naintindihan ko ang mga bagay bagay...

Mga ilang bagay na narealize ko...
Na hindi ko magawang magalit sa isang sitwasyon kapag kasama ka...
Na effective weapon pala ang luha laban sa akin...
Na kahit na wala pang 24 oras ang lumilipas, maari mong mamiss ang isang tao...
Na pwede mo talagang mahalin ang isang taong hindi mo pa nakikita...

Sige 2 weeks, kaya yan...

(I just don't want to miss you tonight)

Hmm tapos ayun nanuod nga pala ako sa Up film center ng Pelikulang three seasons. Hmm astigidig yung mga scenes niya ang lupit ng mga ibang images dun hehe kakaaliw...

Para makapunta sa film center uhm inisip ko na magjeep kahit na di ko alam kung san yun. Yun pala kailangan ko lang pumunta ng Mcdo at sumabay kay Khristian ehehe.

Tapos uhm a line from that film:
"Don't make me feel something that I'm not capable of"

Currently Listening to:
Sugarfree - The allan song

Saturday, January 29, 2005

Ironic...

Ayun pumasok ako... kailangan eh...

Sa math ayos lang, carry lang naman. Naintindihan ko naman kahit papano yung mga sinasabi ni Sir Muga. I guess maganda rin na umpisa ng 2nd half ng math. New slate, i guess I should build on the good start that I had nung 1st sem.

Tapos english ewan. Kakaaliw lang, hehe sinamahan ko si Nix sa car niya para kunin yung report niya. Pagdating namin dun sa car niya hindi na niya makita yung visuals niya. So pabalik nagrarant na si Nix, hehe sa classroom ayun nasa bag na pala niya yung report wahaha. Ayos lang at least may exercise.

Then literature. Potakte sentihan to. Tama ba naman na magplay si Sir Danton ng Pablo Neruda cd sa panahong sabog ang emosyon ko. Ewan, tonight I can write nanaman ba ito? hayy...

Es Lecture ayun career mode on sa recitation. Medyo sabog pero sige recite lang ng recite. I think maganda naman ang performance eh ehehe. Sa laboratory naman reporting ayun I guesss we did well (maraming maraming salamat kay Hans sa todo-todong sacrifice na ginawa niya para sa group). Nasabi ko na we did well dahil sabi ni Ma'm she liked our presentation hehe yeahboi!

Pizza hut time. Free Pizza thanks to the January Birthday People. Thank you Kathy and James.

After that pumunta ako ng Up. Onting lakad lang sa sunken, tapos nagkita kami ni James. Nakisabay ako para makapunta sa Lsgh. Ayun lsgh... Shoot ganda na nung SJA (actually SJ theater na rarr). Kaaliw yung mga professor ko, medyo weird lang at wala si Miss Fay hehe pero ayos na rin sulit na ang 300.

Habang nanonood kami ni James dumating si Iking at si Gijo so ayun hehe reunion of some sorts (nak ng pusa reunion ng 4 leche-ness). Ayun pagkatapos ng thingie nagpunta kami ng greenhills para kumain. Dun kami sa hotshots at ayun bonding session lang. Aliw lang napapalibutan ako ng mga taga-UP . At lalong aliw na nagdrive si Gijo.

Nung nagkahiwalay na nagpunta kami ni James sa Timezone. Bwiset version 2 lang initial d nila rarr oh well. Hehe sige laru pa rin ako kahit na hindi na talaga para magbuild up ng stats. Ayun pagkatapos sinundo na kami nung kuya ni James.

Pagdating ko sa bahay ang sakit ng ulo ko. Potakte parang may hangover kahit na di pa ako umiinom lecheness.

Ironic:

-na naiintindihan ko ang mga lessons at mga sinasabi ng guro ko, pero ang sarili kong damdamin hindi...
-na nasasamahan ko sa mga lugar ang mga english blockmates ko, pero ang taong tinuturing kong mahal hindi...
-na nagagawa kong maintindihan kung san nangagaling ang kalungkutan ng mga ibang tula ngunit ang sarili kong kalungkutan hindi...
-na alam ko ang mga kasagutan sa mga tanong sa ES at naipapahayag ko ang mga ito sa isang maayos na paraan ngunit ang nararamdaman ko hindi...
-na nasasama ako sa mga masasayang salo salo pero ako ay malungkot...
-na maaaring sa wakas ay nagkasama na kami sa iisang lugar ngunit parang mas lalo kaming lumayo...
-na napapalibutan ako ng mga tagaUp pero wala dun ang taong talagang gusto kong makasama...

Currently Listening to:
Rivermaya - You'll Be Safe Here

Friday, January 28, 2005

Kailangan?

Oo, tama ang oras ng blog ko 5:55 am (parang sardinas).

Nawindang ata ako ng todo dun sa nangyari kaninang madaling araw. Pagkatapos malaman na mahal ka rin ng isang taong tinuturing mong minamahal, saka mo malalaman na iyon na ang huli niyong paguusap.

Nakatulog pa naman ako pagkatapos nun. Pero hehe isang oras lang ata, ewan hehe, pinalipas ko na lang yung oras sa pakikipagstaring match sa kisame (talo ako, napaluha ako ng kisame...). Tapos biglang naisip ko na medyo senselss and useless ang ganon naisip ko na lang na.... magblog (nyak)

Umabot ang 5:25, kahit na nanlalata ako at nalulungkot bumangon ako, nagpatay ng alarm sa celfone at naligo. May pasok kaya kailangan

Nagsipilyo ako. Magsasalita, hihinga at basta bubukas ang bibig koko mamaya kaya kailangan.

Nagsuot ng contact lens. titingin ako sa mga sinulat ng prof mamaya kaya kailangan

Natapos ang pagligo, nagbihis ako. Nagbrief, nagmedyas, nagpantalon. Naniniwala ako sa freedom of expression pero hindi decent ang hindi magbihis kaya kailangan.

Sinabi ko na mahal ko siya. Kailangan?

Sinabi niya sa akin na mahal rin niya ako. Kailangan?

Dahil mahal niya ako kailangan niyang lumisan. Kailangan?

Hindi na daw muna kami maguusap. Kailangan?

Sinabi niya sa akin na wag ko na daw siyang antayin. Kailangan?

Susuwaiyin ko siya at aantayin ko pa rin. Kailangan?

...Oo, dahil para sa akin, karapat-dapat siyang antayin

It's been 4 hours since I last heard her voice.
I'm un-alright
I'm still waiting...
I love her.

Tuesday, January 25, 2005

True...

I won't talk
I won't breathe
I won't move till you finally see
That you belong with me

You might think I don't look
But deep inside the corner of my mind
I'm attatched to you
mmmm

I'm weak, it's true
Cause I'm afraid to know the answer
Do you want me too?
Cause my heart keeps falling faster

I've waited all my life to cross this line
To the only thing that's true
So I will not hide
It's time to try anything to be with you
All my life I've waited
This is true

You don't know what you do
Everytime you walk into the room
I'm afraid to move
I'm weak, it's true

I'm just scared to know the ending
Do you see me too?
Do you even know you met me?

I know when I go
I'll be on my way to you
The way that's true

Ewan ahaha, hmm medyo nakakarelate na hindi hehe

Currently Listening to:
Ryan Cabrera - True

Back!

Computer got wrecked, hehe just got it a few hours ago hehe.

Wow tama ata yung sinabi sa kin ni Catey Castillo dati, ang bestfriend ko yung computer ko wahaha. Ewan siguro masyado lang ako maraming ginagawa dito sa computer na to kaya "namimiss" ko siya pag nasira hehe.

Nakakaaliw lang na nasira siya kung kelan marami akong bagay ang gustong itype dito sa blog na to hehe. Sige eto na simula sabado...

Saturday
Well NSTP. Hehe nagkataon na yung mga nakasama ko dun sa jeep mga walang dalang pagkain. Hehe medyo parang consolation na lang namin yung mga hirit na "at least di tayo nataihan wahaha"

Pero ayun narealize ko na ang pagkanta pala ay nakakabusog. Dinaan na lang namin sa tugtog ng gitara ni Chris/Miah/Ralph at kanta ang kumakalam na sikmura hehe. Kung ano anong versions at kanya kanyang renditions ng mga kanta ang pinaggagawa namin hehe. Takaw-pansin pa nga dahil ang ingay namin hehe. Tinitignan tuloy kami nung mga ibang tao sa jeep.

Ayun hehe gutom ako pero masaya pagdating ko sa bahay. Kaso nalaman ko na nasira ni Tricia yung computer so ayun naging gutom na lang tuloy ako... At dahil sira ang computer parang alas diyes palang ata nakatulog na ako wahaha.

Sunday
At dahil nga 10 pa lang tulog na ako, nagising ako ng sobrang aga mga 3am ata...

Ayun dahil maaga naman nagawa kong magsimba sa simbahan ehehe. Lagi na lang kasing mall at ayun narealize ko na andami palang mga rituals ang hindi ko na nasasaksihan.

Pagkatapos ng misa, kumain ako sa mcdo. Hindi naman talaga dahil gutom ako pero dahil gusto ko ng rabbit na laruan ehehe. Ayun dapat sausage mcmuffin lang kaso hindi ko ata maatim na mas mahal pa ang laruan ko kaysa pagkain kaya naging big breakfast na hehe.

After breakfast. Went to gilmore para icheck kung open yung PC express kapag Sundays bukas siya so paguwi ko aantayin ko na lang pala si Daddy.

Ayun sobrang tagal dumating ni Daddy, buti na lang nakausap ko pa si Faye sa phone kaya hindi ganon kaboring yung pagaantay ehehe. Mga 4:00 na nung nagbihis ako at ayun sa wakas dumating si Daddy.

Rarr pinaiwan yung computer wahaha, Ok lang isipin ko na lang na swerte yun kasi midterms week na sa school wahaha.

Ayun pagkatapos nun fone na lang ulit. Uhm wala lang

I just want to hear your voice before I go to sleep

For some reason sobrang natouch ako ng line na yan. Tipong kahit di na ata ako kakain nang buong linggo basta maalala ko na may nagsabi sa kin niyan (at siyempre na siya ang nagsabi sa akin niyan) ok na hehe. Masaya na ako.

Monday
Ayun normal school day na ehehehe.

Math ay halos nonsense na para sa akin. Wala nang pumapasok sa isip ko, patay ilang araw na lang midterms na tapos ganito ang mindset ko rawr.

Free cut ang english kaya naglibrary na lang ako ahaha. Tapos ayun lit hehe makulit siya as usual pero ewan ahh basta ahaha. Tapos ES na natulugan ko dahil medyo pagod ata ako at sabog ang reports.

Tapos nun nagbasketball muna ako bago mag Pe101. Andami kong sablay pero ayos lang hehe, sarap pala maglaro muli ng basketball.

Pe101 na, Ayun nakita ko ang report nung group 1 hehe ayos lang. Buti na lang pala gumawa ako ng outline ng report namin kahit na handwritten. At least tinanggap ni Ma'm hehe pasalamat na lang mga groupmates ko at may naitulong ako sa kanila wahaha.

Tapos nagsight seeing kami ni Luigi bago magreview. hehe ganda ng tanawin. Isang maputi at makinis na pangitain wahaha.

Review for math 19 midterms was ok, medyo ang kulit nung ibang techniques pero feeling ko makakatulong. Tumataas ulit ang confidence level ko ehehe.

Tapos siguro sa sobrang pagod at boredom nakatulog ako ng 8:30, hehe nagising ako ng 12:19 pero naisip ko na matulog na lang muli. Nagising ulit ako ng 3:38 pero natulog ulit ako. Tapos nagising nang 5:25 dahil sa alarm clock, tinatamad ako kaya pinindot ko yung snooze hehe, ayun nagising ako ng 5:30.

Tuesday
Salamat sa tulong ni Richmond Fang, nakuha ko na ang computer ko! hehehe nagawa ko na yung ES homework hehe pagkatapos ng Nba Live promise aral na ako sa math...

Currently Listening to:
Gin Blossoms - Until I Fall Away.

Saturday, January 22, 2005

Breakdown!

Sira ang pc ko.

Sinira ng kapatid ko yung pc ko hehe bad3p. Ayan wala akong ym and other shit hehe. Oh well

Im using my first pc hehe. Pero ewan di na ako sanay na gamitin ito. So di na rin ako magtatagal gusto ko lang isulat na yun nga wasak ang pc ko hehe. Next time na yung mga other stuff.

Rarr bad3p wala pang 2 months to eh.

Currently Listening to:
Wala wala akong mp3 dito kaasar!

Thursday, January 20, 2005

As if in a dream...

That's how to describe my life for the past few weeks.

Uhm, ewan I guess napakaonti ng masamang nangyari talaga sa akin nung mga nakaraang Lingo. Yun bang tipong hindi mo maisip na magalit o maasar sa buhay dahil napaka ganda ng takbo nito.

Kahit saang aspeto tignan. Mapa school, social, family, even financial maganda siya. Talagang mga panahon na pakiramdam ko kahit anong pasukin ko, maganda ang kakalabasan.

Ayun ganun ang buhay ko, parang panaginip.

Pero ewan minsan hinahabol ka ng reyalidad. Parang bigla na lang sasabihin sayo na, Hey Boy play time's over. Feeling ko nagumpisa siya sa F ko sa Filipino. Tapos ngayon dito na sa math test ko na pinagaralan ko kaso ewan di ko alam kung bakit ako babagsak. Nak ng pusa, Nagaral talaga ako...

Pero at least school stuff lang yun. Hehe masaya pa rin ako dahil ayos pa ang buhay ko pagdating sa mga kaibigan (hehe yun na lang ayaw ko munang magexpound baka biglang majinx).

Ewan siguro magandang awakening sa kin yung F ko at yung ibabagsak kong math test. Parang sinasabi na Hoy Mico! hindi ka super genius, it's time to do something, it's time to work harder. Mga ganong tipo ba. Pero yun nga naaasar ako na kailangan pa nang isang mapait na paraan para makita ko ito.

Currently Listening to:
Rivermaya - You'll be safe here

Wednesday, January 19, 2005

Shattered...

Tonight I can write the saddest lines.
To think that I do not have her. To feel that I have lost her.

To hear the immense night, still more immense without her. And the verse falls to the soul like dew to the pasture.
- from Pablo Neruda's Tonight I can Write...


I'm un-alright. Hindi ko naman talaga alam kung bakit pero ewan wasak ang emosyon ko ngayon.

Siguro kagabi nagsinungaling ako, sinabi kong Ok ako, pero ang totoo medyo ayun nga nasasaktan ako. Hindi ko kasi maintindihan ang mga bagay bagay. Hindi ko maintindihan ang circumstances about someone and why she did or why she will do what she said...

I really like you, that's why I have to back away...

Ewan isa lang siyang pangunugusap. pero yan ay isang pangungusap na hanggang ngayon ay nanatiling nasa isipan ko. Hindi ko kasi maintindihan talaga kung ano ang tunay niyang kahulugan nang nasabi sa akin yang mga salitang iyan. Naguguluhan kasi ako parang hanggaqng ngayon hindi ko pa rin makuha yung context nung pangungusap na iyan. Siguro sobrang kitid lang talaga ng utak ko kaya hindi ko maintindihan yan. Oh well.

Sabog na sabog na ako. Sa totoo lang halos wala pa akong tulog (maliban na lang nung ES). Pero ayos lang. Ngayon ko tuloy nalaman yung kahalagahan ng isang matalik na kaibigan. PInuntahan kasi ako ni James sa ateneo para lang makinig sa mga saloobin ko. Ewan malaking bagay na yung isang oras at kalahati na yun. Kahit papano medyo may napagbuhusan ako ng damdamin...

May test ako bukas. Math, Kampante talaga ako na maipapasa ko naman iyun. Siguro sinasabi ko to para lang makumbinse ko ang aking sarili na hindi ako naapektuhan (at least sa studies ko) pero peke. Walang epekto sigurado ako na pagkatapos ng exam ko (dun sa 3 hour break) malulungkot nanaman ako... ewan

Currently Listening to:
Blessed Union of Souls - I Believe

Tuesday, January 18, 2005

I will not die today

Wala lang nakuha ko yung line na yan sa pelikulang "The Beach"

Although di ko pa napapanood yung pelikulang yun, aliw na aliw ako sa linyang yan. Naimprint na ata sa utak ko yung scene kung saan nagwawala si Leonardo Dicaprio (tama ba spelling?) habang humihiyaw nang "I will not Die Today! (2x)".

Kaninang filipino natanggap ko ang paper ko. Yun yung sinulat ko tungkol sa Lam-Ang. Hehe ayun isang malaking F ang score ko. Medyo shocking nung una pero ewan napagisip isip ko rin naman na noong mga panahong ginagawa ko yun, hindi ako sigurado sa topic, hindi ako sigurado sa tanong na sasagutin. Kaya ewan feeling ko tuloy karapat-dapat lang ang F na natanggap ko.

Hehe oo medyo mapait tanggapinyung F, pero ayun nga nung inisip ko yung mga panahong ginawa ko siya( last christmas break) hindi ko nga talaga sigurado kung ano yung sinusulat ko. Oh well, isang pagkakadapa lang yan. Naniniwala naman ako na kaya ko siyang bawiin sa mga susunod pang mga sulatin para sa Filipino. Hindi ako mamamatay dahil lang sa isang F na yan hehe (para atang kinukumbinsi ko ang sarili ko ehehe). At least ngayon alam ko na yung mga shortcomings ko pagdating sa pagsulat :)

Tapos kanina habang pauwi na kami ni Miah, nilapitan siya ng 1 lalaki. Ewan di ko kasi napansin na nilapitan siya kaya hindi ko na narinig yung usapan nila. Tapos ayun hehe biglang kinabahan ako at naghanda ang defense mode hehe. Pero ayos lang magaling naman magpalusot si Miah kaya ayun nakalsuot hehe. Wala lang di ko kasi narinig yung usapan kaya malay ko ba kung magtatanong lang ng direksiyon ang mga yun, magrerecruit sa isang gang o anuman hehe ewan.

Pero yun nga hindi maalis yung katotohanang kinbahan kami ni Miah wahaha. Pero ang totoo lang medyo handa na akong makipaglaban nun wahaha. Takot oo pero hindi ata ako aatras o tatakbo nung mga panahong iyon. Ewan ahaha siguro matapang ako kasi may kasama ako na mas matangkad (si Miah) at mas malaki sa akin kaya ayun ok lang makipaglaban wahaha. wahaha nakikita ko na lumalaban ako habang sumisigaw ng "I will not die today!" waahaha at least di ba cinematic :P

Naisip ko tuloy na kahit gaano pa ka-developed ang isang lugar, kung may gulong mangyayari ay mangyayari talaga (err tama ba yun).

Currently Listening to:
Hajime no Ippo - Yuuzora no Kamihikouki

Time

Gumagalaw nga ba talaga ang oras?

Wala lang naisip ko lang, kasi minsan parang mas mahaba (o mas maikli) yung mga ibang pangyayari sa buhay, pero kapag tinignan mo ang orasan, makikita mo na pareho lang naman ang oras na lumipas.

Dahil nga oras ang pinaguusapan uhm ewan wahaha lalagyan ko na lang ng timestamps yung mga pangyayari. Hindi ko nga pala inimbento ang mga oras na nakalagay diyan, talagang may pagka weirdo ako at tinitignan ang aking relo ng madalas.

(All times in this post are based on Ateneo Time)

[5:34] Nagising ako, bad trip kasi hindi siya kasing aga ng inaasahang 5:25. Oh well, tapos pagpunta ko ng CR para maligo, nandun pa si Tita kaya ayun nagaantay na lang ako wahaha lecheness..

[6:58]Nakababa na ako sa Megatren. Nasalubong ko si Mich at naglalakad na papuntang Ateneo (ako) at papuntang sakayan ng tricycle (si Mich). Nung nasa may mini stop na kami biglang tinuro ni Mich sa akin yung Rainbow. Wow ang ganda wahaha siyempre dahil abnormal ako, inalala ko na 6:58 nangyari yung rainbow.

Naisip ko rin na mabuti rin palang late ako, since kung napaaga ako ng gising, hindi ko makakasalubong si Mich at hindi niya maituturo sa akin yung rainbow at hindi magiging ganon kaganda ang umpisa ng araw ko.

Tapos dumaan ang break, english, literature at isa pang break. Dahil medyo boring sila (maliban siguro ang literature) parang naka slow motion ang panahon. Ang 4 hours na lumipas ay tila isang buong araw (no kidding wahaha).

[12:30] ES na. Ibig sabihin may presentation.Walanjo naman parang ang bagal ng panahon nung nagrereport yung unang group (hehe gusto ko kasi mabilis lumipas ang oras para hindi na ako magreport) Parang nung panahon ko na para magreport hiniling ko na gumuho yung building, o magbrown-out o maihi man lang si Ma'm at kailanganing magcr sa ES department kaso hindi show time talaga. Oh well, ewan nagawa ko naman ata ng maayos yung reporting ko wahaha oh welps...

[1:38]Oo, talagang ewan pero tinitignan ko talaga yung relo ko niyan. Naisip ko na dahil 2:00 pa ang Pe class ko pwede pa akong magbasketball. Aba ang bilis pala ng oras kapag nagbabasketball ka wahaha. Ang bilis lumipas ng 20 minutes. (ewan ko lang talaga kung bakit sa tunay na basketball yung last two minutes ay minsan katumbas ng isang buong quarter).

[2:00] Show time nanaman. PE 101 test. Patay nanaman. Siguro kahit papano nakakuha ako ng maayos na marka hehe. Sabi ni Ma'm kaya daw tapusin yung test sa loob ng 20 minutes. Siguro dahil sa sobrang katangahan ko (puro hula na lang mga isinasagot ko) natapos ko yung test sa loob ng 15 minutes (kasi lumabas ako ng room mga 12:20, eh tumayo pa ako noon, nagayos ng bag,tapos nagdasal pa si Chris)

[2:25] Basketball nanaman, hehe 3:00 pa naman kasi yung ITM testing, ayun parang ang bilis nanaman ng 20 minutes hehe. Ayos na rin kasi nakakashoot naman ako kahit papano wahaha. (ayos pala maglaro ng pressure sa three point area)

[2:56]Pumasok ako sa CTC114 para mag ITM test. Ayun patay binigyan kami ng 1 hour 30 minutes para gumawa ng halo halong excel,powerpoint at word. leche nalaman ko na kapag pressured ka ang 1 hour and 30 minutesay parang 10 minutes na lang. Oh well see you sa summer na lang :)

Pagkatapos noon ay umuwi na ako at wala nang maalala tungkol sa oras.

Basta nasalubong ko si Kamyl at ayun usap usap lang kami. Tapos baba sa Cubao Station na may headache.

[5:12] Di ko nakaya ang headache kaya natulog na lang ako. Ayun lechugas na tulog yan hindi tuloy ako nakapaglaro ng Nba live (at gising pa tuloy ako hanggang ngayon)

[7:33] Nagising ako, Check mail at yahoo chat lang wahaha. Wala naman akong kailangang gawin bukas kaya sige carry lang chat lang ng chat hanggang mga 9:37. Pagdating kasi noon ay nakipagusap na lang ako sa telepono...

[9:37] Ayan fone conversation na, Kung ano ano nanaman ang pinaguusapan, hindi ko na rin tuloy napansin na ang oras ay tumatakbo. Parang pinatigil na kasi ng utak ko yung kanyang sense of time, siguro dahil naaliw ako sa kausap ko, kaya ayun hindi ko na rin napansin. Kaya biglang boom [12:15am] na pala at kailangan na niyang matulog.

[1:08am] Tapos na ang blog ko na inumpisahan ko nang 12:55 hehe mahaba pala yun wahaha.

Currently Listening to:
Sohpie B. Hawkins - As I Lay Me Down

Sunday, January 16, 2005

under the glow of the satellite...

Wasn't able to blog yesterday so eto pahabol

So ayun ubos oras lang sa school ahaha, wala medyo mahina ako kahapon, inaantok kahit na tama lang naman ang tulog. Hehe hirap tuloy mag ES. Buti na lang nakagawa pa ako ng mga onting bagay dun sa lab kahit na medyo wasted ako.

ayun astigidigidig hehe nanalo ako sa raffle ng ACTM, hehe kala ko nung und DVD player na ang napanalunan ko hehe pero yun pala Bossini Gift Cetificates worth 1,00 pesos ahaha nice na rin!

Tapos ayun sa house... hmm ewan to summarize what happened nuing gabi eto na lang:

"I have been waiting for you all night, under the glow of the satellite..."

Tapos saturday ayun punta pa rin ng ateneo for NSTP

leche mas matagal yung travel time namin kaysa sa area work,. Kasi naman ang unorganized wala pa lang gagawin sa area hassleness naman oh!

Tapos ayun bahay na usap usap lang...

Currently Listening to:
X Japan - Say Anything

Thursday, January 13, 2005

Windstruck...

Watched the movie Windstruck a while ago...

Siguro nagkataon lang na todo senti ako ngayon kaya parang mas nagustuhan ko yung Windstruck kaysa sa My Sassy Girl. Although mas believable yung mga eksena sa My Sassy Girl, medyo mas naantig ako dun sa mga scenes sa Windstruck (although no match pa rin sila dun sa rose and piano scene ng my sassy girl).

I guess pwedeng ma-attribute yung pagkagusto ko sa Windstruck sa fact na may theme ng parting at missing/longing for someone yung story. Ewan ahaha I guess since Fecember 3, 2004 (hehe ayun sa blog) mas nakakarelate na ako sa mga ganyang klase ng emotions. So ayun wala lang, haha.

Nakakaaliw din na narinig ko yung isang kanta ng isa sa mga paborito kong Jrock bands dun. Yun yung X-Japan - Tears. Wala lang ang lupit pala nung mga instrumental nun, tapos kung iuugnay pa dun sa pelikula hmm ewan sabihin na lang natin na naantig ako.

Hindi naman ako naiyak dun sa pelikula, pero naantig ako ahaha. Hehe aliw siya, hindi ko muna isosoli to kay Barbie kasi may gusto akong subukan ahaha. Wish ko lang makatagpo ako ng babaeng ganon wahaha at hindi lang yun, wish ko rin na pwedeng matularan ko yung mga ginagawa nung guy dun :)

Ayun lang, hehe pagod na ako tulog na nga :)

Currently Listening to:
X Japan - Tears

Wednesday, January 12, 2005

Hitomi no Juunin

Translation of the japanese song Hitomi no Juunin by L'arc~en~ciel...

L'Arc~En~Ciel - Living in Your Eyes

I don't know how long... but it's been some time,
how much of you do I really know? I wonder...
It didn't go along as smoothly as us tracing our fingers down the map, did it?
I see how it distresses you in your face,
I do notice, you know.
You trying to cover the anxiety over your face.
That much, I notice, if nothing else.

Tomorrow arrives at far too blistering a pace,
and to stand up against it, to resist it, I work myself up into a hustle.
And even then, it's amazing, really...
Just how much I think about you,
Just how much you're in my heart.


When I looked up, the radiance had filled the sky
without losing any of its lustre.
If only I had been like that sun then,
shining down upon you always...


For just a little, just a little more,
I'd like to stay like this, embraced by your scent.

The outside air forms into a clasp around my neck,
and I am pulled away, my back turned away from you.

My sigh blooms forth in clouds of white,telling me that winter has arrived.
And whilst these seasons cycle onwards,
I suddenly begin to think:
"Why is it that I'm here, exactly?"

I want to stay here watching you smile forever
I want to live each changing moment in your eyes,
in that one scene forever colored in gentle hues
to bring us close together, I want to stop time forever.


I want to stay here watching you smile forever
I want to live each changing moment in your eyes,
If one day I could bring you to a serene season
to the flowers blooming in the sky like snowflakes
to the flowers...


Currently Listening to:
L'Arc~en~Ciel - Hitomi no Juunin

Tuesday, January 11, 2005

Journal Entry...

Wala lang, nasulat ko to nung November 11,2004 for my Filipino Class hehe Nakakuha ako ng B+ kaya masaya ako dito :P (although mas masaya kung A hehe)

Gusto ko mapraktis ang typing skills ko kaya itatype ko siya ehehe...

So here goes:
Bulong
Umpisang tono pa lang ng kanta alam na kaagad ng karamihan kung ano iyon. Ang unang birit pa lang ng (tenenen ten tenenen) masasabing tunog "nughtclub" na. kapag narinig ang kantang iyon, halos sigurado na ang pagpasok ng mga imahe ng mga boe ng beer, mga lasenggo at mga babeng feeling seksi na gumigiling sa poste. Ang awiting tinutukoy ko ay ang kantang Careless Whisper na orihinal ata ni George Michael. At sa isang hindi ko talagang maipaliwanag na dahilan, ang kantang ito ay tila nakaukit na sa aking isipan.

Nagsimulang maging kantang "LSS" sa akin ang Careless Whisper noong mga Marso, mga huling araw bago ako "grumadweyt" sa LSGH. Nakahiligan ko na kasi ang mga kantang hapon at koreano. Nagkataon na "nagdodownload" ako ng mga kanta ng aking makuha ang Careless Whisper na kinanta ng isang sikat na mangaawit na hapon. Pinakinggan ko ito, naaliw sa sabog na boes ng hapon na "trying hard" mag-ingles at pagkatpos ay kinalimutan. hindi ko naman siya kinahiligan kaya paminsa-minsan ko na lang ito naririnig, kapag natapat sa kanya ang "random plau" ng aking Winamp. Hindi ko tuloy maisip kung bakit eto ngayon ang naging "soundtrack" ng buhay ko.

Biglaan kung tumugtog ang awiting ito sa aking isip. Minsan sa umpisa (sa "tenenen ten tenenen") minsan sa first line ("I feel so unsure...") at malimit sa "chorus" (Isang todo hiyaw ng "I'm never gonna dance again..."). Walang pinipiling lugar o oras. Pwedeng sa panahong naglalakad ako papuntang eskwela, nakahiga bago matulog, o kahit habang nagaantay ng klase. Minsan sa utak ko lang siya tumutugtog pero madalas ay napapakanta na rin ako. Ang aking pagkanta nito ay paiba-iba rin, minsan isang mahinang pabulong na paraan at minsan naman todo hiyaw, kasama na ang pagtanggal ng belt (kung may suot nang panahong iyon), pag angat ng t-shirt at ang todo-bigay na paggiling. Saksi ang ibang "blockmates" sa aking palabas. Ang palabas na walang pinipiling audience; babae, lalake, matanda, bata, basta andun ka, show na!

Ngayon ko lang naisip ang isang posibleng dahilan ng pagka"LSS" ko sa kantang ito. Maaring ito ay dahil sa ang bahay ko ay nakatabi ng isang nightclub. Isang nightclub na nagngangalang kulasisi. Habang sinusulat ko ito ay ang linaw ng pag-alala ko sa gusaling iyon, Puting "building" na may malaking pares ng labi at may "cursive" na kulasisi. Kapag gabi ito ay naiilawan ng pulang neon lights. Ngayon ko rin lang naisip na una kong narinig ang tonong "Careless Whisper" sa labas ng gusaling iyon. Naalala ko rin na sobrang curious akong makapasok doon. Kaso hindi pa nga ako umaabot sa legal age na 18 (17 pa lang ako) ay matagal nang wasak yung gusali at pinalitan na ng Cubao station ng MRT3, ng isang lotto stnad at isang karitela na bentahan ng tokneneng at gulaman.

Siguro kaya laging tumutugtog ang awiting iyon ay dahil sa kagustuhan kong makapasok sa mga bars at nightclubs. Hindi ko sinasabing gusto ko ng mga kahalayan ngunit talagang "curious" ako sa mga nangyayari sa lugar na iyon. At habang dumarami ang nagkwekwento tungkol sa mga clubs, bars at nightspots, parang mas lumalakas ang kanta sa aking isipan at habang inaantay ko ang isa pang taon, wala na kong ibang magagawa kundi ituloy ang "I'm never gonna dance again, guilty feet have got no rhythm..."

Ayun tapos ang journal entry. May mga sinulat si Sir Yol tungkol dun sa kapalpakan nito pero next time na yun ehehe. Basta B+ siya hehe next time na gagawa ako ng journal entry susubukan ko na siyang gawing A.

Currently Listening to:
Hyde - Careless Whisper

Monday, January 10, 2005

Sky

Poetry class made me think about some useless stuff...

While the class was discussing the poem Mt. Mayon by Simeon Dumdum Jr., my mind was slowly flying away from the room...

It was when the poem talked about clouds, sheeps, and lambs suckin on the blue nipple (which was Mt. Mayon) when I looked out of the window and noticed the sky above us. I remember I saw some formations that I thought were cats, ostriches, thrones hehe varied stuff really.

Then I remembered something that Mr. Remoto said about how we should be like the sky when it pertains to relationships. Something like we should see how the clouds interact with the sky. Everything is fleeting,yes even love is transcient. No permanent place, no permanent shape, no permanent position for the cloud.

(Time out may gagawin lang ako sandali)

Ewan, naisip ko tuloy. ang sagwa siguro kung ang magiging relasyon ko ay parang ulap at isang bahagi ng langit. Yung tipong kahit anong gusto kong gawin upang manatiling kasama ang bahagi ng langit na yun hindi ko magagawa. Talagang kakailanganing umandar, kakailanganing iwan ang aking bahagi ng langit...

Naisip ko, siguro kaya merong mga ulap na sobrang nipis.... Siguro sila yung mga may karelasyon sa mga bahagi ng langit. Sila yung sumubok humawak. Sumubok na manatili kapiling yung kanilang kasintahang langit. Kaya siguro numipis ng ganon kasi binanat niya ng sobra hanggang ayun numipis at tila nasira na ang pagkaulap niya...

Ewan kung ako man, mas gusto ko ata yung ganon, yung kahit na mapunit ako at numipis ng todo pero makakasama ko naman yung kasintahan ko... wala lang siyempre ang idealistic nanaman ahaha, ganon naman ata talaga kapag di pa nararanasan yung tunay na emosyon...

Yun lang, sabi ko sa inyo useless eh :P

Currently Listening to:
SIAM SHADE - Love

Sunday, January 09, 2005

Reblogging...

Hehe tinamad ako magblog so eto yung aking blog backlog hehe...

Thursday:
Wala naman masyadong gawain so ayun nagrelax ako. After math nagpunta ako ng library at nagbasa ng mga libro (something by Tony Perez), doon ko napansin na may punit yung t-shirt ko. Pagtingin ko sa orasan mga 9:30 pa lang so Umuwi muna ako para magpalit ng shirt. Hehe pagdating sa bahay nagpalit ako ng shirt, nagprint ng bagong filipino homework tapos ayun bumalik na ako sa school hehe buti naman at hindi ako late :)

After class I was supposed to have a meeting at 4:30 for the ACTM devalentine project. Kaso dinismiss kami 1:00 hassle aantay ako ng 3 hours and 30 minutes buti na lang nagyaya si Chris na mageastwood ahahah. Patay nanaman ba ang allowance ko at savings?

Well hindi naman todo todo pero bawas pa rin, pagdating sa eastwood ps2 lang at isang laro ng initial d hehe...

Tapos nakabalik ako sa ateneo before 3 rarr hassle to... So buti na lang nakita ko si Anj and we chatted for an hour and 30 minutes hehe (dumating din si Pj kaso anak nmg pusa nung dumating siya halos 4:30 na so ayun useless kasi may meeting ako dratz...)

Meeting ayos lang steady lang ahaha, kung ano anong devalentine stuff ang pinagusapan at para akong isang malaking decoration na walang naitulong wahahah nu ba yun ahahaha oh welpz...

Pagdating sa bahay ayun chat/laro/ tapos kinausap si fone ahaha. Pero productive ang fone chat ko dahil nagawa ko yung Literature thingie ko with the help of my FB. (Fone Buddy tsk tsk wag masama isip).

Friday:
Hmm continued to kasi inumaga ako sa pagtype nung literature na yun hehe alas tres na ata ako nakatulog kaya ayun ngarag ako...

Math ko halos makatulog na ako, buti na lang medyo ayos pa yung will to learn ko ahahaha kaya hindi ako nakatulog...

English ayun bumagsak ang will ko. Knockout pagdating nung Second Round(reporter) pero nakabawi nung dulo nagising tapos nung 3rd round (reporter nga) knockout muli ahahaa...

Literature - Ayos at least maisasubmit ko na yung pinagpuyatan namin nung FB ko (Fone Buddy rarr) ayun wala rin lang yang free cut ahaha kaasar. Wasted ang puyat effort ko wahaha.

May free time ako kaya pumunta ako ng library para matulog pero useless dahil nagbasa na lang ako ng bob ong writings (Ang paboritong libro ni hudas) so di rin ako nakatulog hehe.

ES- patay. Napagusapan kasi ang pollution. tapos napadpad sa silent springs, anong malay ko na yung spring pala yung season na spring yung (winter,spring,summer,fall) akala ko yung Spring na body of water leche hehe kaya nung nagtanong si Ma'm sa klase kung may spring ba sa Pilipinas, proud pa ako sa pagsagot ng Ma'm meron sa Laguna! hot springs pa nga di ba? wahaha leche! Sabing ngarag ako eh.

Tapos ayun pagdating sa bahay natulog ako! ahaha Tapos pagkagising nag IRC ako ayos lang may nakachat ako tapos masayang usapan hehe.

Saturday:
Hmm wala naman masyadong nangyayari sa mga weekend ng buhay ko ahaha

Celadon Amazing Race nanaman. Wow nung Una grabe ang pagkaOp ko ahahaha pero ayos lang masaya yung race 3rd kami out of 5 ahaha leche pagawin ba naman kami ng puzzle na kulang ang pieces wahaha kaya naman pala (actually mabagal lang kami kasi yung nagfirst place 3:00 natapos eh halos 3:45-3:50 ata kami nakarating sa finish hehe).

Tapos ayun hehe, sa house wala usap ulit kami nung FB ko ahaha kakaaliw lang iisa lang pala yung kachat ko sa Irc at si Fb wahaha (btw update lang willpower: 0)

Sunday:
Hmm nagpunta ako sa megamall para bumili ng beerkada t-shirt hehe kaso walang shirt

Astig yung G2 Show (games and gadget show) nakita ko si Lyndon Gregorio (ang creator ng beerkada) at ginawan niya ako ng Southpark style caricature (to be uploaded soon) tapos ayun hehe. Nakakita ako ng mga nagcocosplay at aliw may nakilalang bagong tao ahaha. Astig nakita ko rin yung mtv ng blurry eyes ng L'Arc~en~ciel, siguro mas mapapadalas na ang pagattend ko sa mga ANime Stuff hehe...

Shoot ang ganda nung isang cosplayer hehe astigidig na rin kasi nakausap ko siya) kaso sira yung Skyblade cd na nabigay sa kin lecheness hehehe ay nakalimutan ko nagkita pala kami ni Jonats sa pila nung show.

Tapos ayun nag mass na ako sa megamall astigidig ang lamig nung aircon ahaha at nakaupo na rin ako after a long while. Hehe si Ralph Mendoza nga pala ang nagturo sa aking kung saan yung Mass hehe.

Tapos bumalik ako sa cosplay convention para tumingin ng tao ayun may magaganda pa ring tao na nagcosplay ahaha.

Bumaba ako sa Timezone para maginitial D, leche di ko pa rin matalo yung isang guy dun ahaha pero ok lang kasi naimprove din naman kahit papano yung car ko (nalagyan na ng spoiler).

Tapos ayun bahay na ahaha. Usap ulit sa fone hehe oh my gulai ang willpower ko ay negative na ata waahahaha... Mahirap ata talaga mag let go kapag ineenjoy mo ang isang bagay.

Currently Listening to:
Rejoice theme - Walang Sabit

Wednesday, January 05, 2005

Initial D ver. 3

Before the classes started again, I decided to save my allowance...

Well I realized that It was not easy ahah. After math class I bought some food and drinks oh well... I Was thinking that I wouldn't spend on food but damn...

English presentation was ok. I was able to do my report/presentation in 10 minutes ahaha. Damn I had to rush it so it went that way. Hassle lang, yung pinakaiingatan kong slides hindi ko nagamit, nasira kasi yung Over Head Projector (OHP) so there, I had to write my outline on the board. grr... hehe as I said, SHIT HAPPENS!

After Lit, I decided to just stay in the library. I bought a cookie (potakte gastos nanaman) and went to the steps to eat. Ayun nakita ko si Ate Dean (kapatid ni James), so hindi na natuloy ang library session ko ehehe usap na lang kami tungkol sa homosexuals and stuff :P

Tapos ayun ES, ok lang masaya naman ang es so tapos Pe, ahaha eh free cut ang Pe so Chris and I headed to Eastwood to play Initial D.

Ayos lang natalo ako sa 2 races laban kay Chris, pero astig yung second race (yung pinakahuling race namin) natalo ako by 11.3 m pero astigidig kasi down the wire siya ahaha. Hassle lang hehe kasi kahit saan tignan talo ako, pero nice na rin kasi kahit underpowered at undertuned (tama ba yun?) yung car ko close fight pa rin...

But well, I wasted 250 pesos in Eastwood's Power Station. 150 for the game credits and 100 for the VIP card. Oh well I hate my face ahaha ang pangit ko kakagago :p oh welpz hehe kailangan ko lang ng onting beauty tips ahaha tulong naman diyan wahaha...

Currently Listening to:
Tamia - Officialy Missing You

Tuesday, January 04, 2005

Last Day of Christmas Break...

Cram...

Shit happens, hehe my printer cannot print on transparency film, so I had to use a pentel pen on it, darn oh well...

Hehe fixed my bag and my stuff. All Systems Go for tomorrow hehehe....

Actually I'm looking forward to school hehe. Wala na akong pera eh, kailangan ko na yung allowance. Not to mention (pero minention ko rin) may class na yung mga kaibigan ko so wala na rin akong kasama ahahha.

Oh well, eto na ata ang pinakamasaya ko na Christmas Break :)

Currently Listening to:
X Japan - Goodbye (piano)

Saturday, January 01, 2005

Happy New Year!

Happy New Year to All!!!

Kagabi (actually kaninang madaling araw) may nagpaputok tapos tinamaan nila yung isang transformer so ayun brownout! Wattalayp! Candle Light Media Noche! Astigidig!!! hehehe Pero carry lang, at least unique experience. (napagalaman na ang may kasalanan ay yung chinese doon sa tapat namin na nagpaputok ng kanyon hehe Happy New Year na lang sa kanya) ehehe nagkaroon ng ilaw siguro mga 1:00 am ahaha... Buti na lang maagap ang meralco!

Wala kaming gaanong paputok dito, puro sparklers lang, pero siyempre tanga yung spark nung sparkler nung kapatid ko. Tumalon ba naman sa kaliwang kamay ko, so ayun mahapdi yung bahagi ng pinky ko ahaha, walang visible sign ng paso pero mahapdi siya wahaha oh well...

Serious part:

I have to thank a lot of people for a very wonderful 2004. There were a lot of events that happened during the year that passed. Most of them happy and fun, while some of them are quite uhm sad. But just the same A big thank you to all that became part of Mico's life 2004.

Uhm here are a few that I guess I should mention (based siya sa blog ko kaya sorry dun sa mga nangyari sa january na hindi ko maalala ahaha):

Salamat:

Sa aking mga 4th year teachers lalo na si Sir Jun at si Sir Cheto.
Sa lahat ng aking mga naging teachers sa lsgh
Sa aking mga classmates! http://pbase.com/lsgh4a2004
Sa MCHS glee club
Kay Jen Pangilinan at Naomi Quimpo
Kay Pau Supanco (ang aking ball date)
Kay Bea Santos at April Kareena Irlanda (mga kaibigan ng ball date ko)
Kay Catey Castillo (ang AC friend ko)
Kay Pinggoy at iba pang naglalaro ng basketball sa Gym ng LSGH (hehe kung hindi ko siya/sila nakalaban sa basketball hindi ako magkakaroon ng confidence)
Kay Ate Reg na nagbigay ng discount sa pagbili ko ng Anime VCDs
Sa mga naging driving instructors ko dun sa A1
Sa mga tao sa adidas Ali Mall Branch na naging kakilala ko na pero di ko pa rin alam mga pangalan
Sa saleperson sa GenEx na hindi ko rin alam ang pangalan ngunit kakilala ko.
Sa nagimbento ng Dance Maniax
Kay Dr. Pontejos na nilapitan ko tungkol dun sa aking ear ache thingie
Kay Ate Patchoi
Kay Derek Fisher na tumira ng turnaround fade away jumpshot sa loob ng 0.4 seconds
Kay Patricia Evangelista para dun sa Borderless World Speech niya
Doon sa bata na kinalaban ko ng one on one
Sa mga batang 6a year 2000!
Kay Vea Alvaro na nagsabing akala niya babae si astroBOY hehe
Sa nagimbento ng linyang May I please Fall in Love with You?
Kay Ate Yda
Sa mga nagorganize ng Orsem 2004
Sa mga course blockmates ko!
uhm special mention na siguro sina (Chris (as si Lalaine at ang Honda Civic) Khristian,Richmond,Hans,Euric,Luigi,Micci,Lace, Kathy,Barbie,Nikki, Micho,Mich,Miah,Vanjo,Chino,Pao (at si Kam),Alex,Jelena,Aby,Aidz,Michelle C. Crissy,Rhea,James,Deneb,Jace (at ang kanyang GSR),Ralph at Anje useless to alam niyo kasi sinabi ko na lahat...)
Sa English Block ko (lalo na kanila Arvi,Gino, Rupert, Fel, Ton,Val at Kristel (kahit umalis na))
Sa math 11 block ko hehe lalo na kay Sir Robert Briones!
Doon sa babae na tinutukoy ko sa Glacial Love
Kanila Butch,Rey at Ben-Hur at iba pang physics classmates
Sa mga ES classmates ko
Sa iba pang atenean friends ko na hindi ko blockmate (Nikko,Victor,Simon,Kim...)
Kay Ate Yda (ulit) at Ate Loren (ang aming mga intact faci)
Kay Sir Lui Morano (lalo na dun sa play na yun hehe ibang klase yun)
Sa mga kasama ko sa Volleyball na PE
Sa Celadon
Sa Actm (lalo na kanila Ate Yda, Ate Chochay, Ate Bianca, Ate Denise, Ate K-wei, Patrick, at lalong lalo na kay Fraggy!)
Sa mga tao sa ARPT hewhe lalo na dun kay Coach na ibang klaseng magturo hehe nakakawindang
Sa mga naglaro para sa comtech basketball (at iba pang sports) na freshman
Sa mga basketball players sa college covered courts na pinapasali ako ahahaha
Sa lahat ng naging prof ko sa Admu
Sa mga lsgh boys na atenista na ngayon tulad nila Rich,Ben at Paulo (Jack) Olayres
Sa mga naging kakulitan ko nung bday ni Ishi (si Anjeli at Jp)
Sa Celadon Tryouts ng basketball (kahit di ako nakapasok)
Sa mga chatmates ko sa #lasallians, #boo, #ateneo, #mice, +lsgh at iba pang irc channels
Sa Siam Shade at L'Arc~en~ciel
Sa Driver ni PJ
Sa mga tao sa ym
Sa mga nakasama ko sa Celadon Amazing Race
Sa Kuya and Mom ni James na hinahatid pa rin ako ahahaha
Sa mga ate ni James (hehe lalo na nung lantern parade)
Kay Mary Rose Sunga na sumampal sa akin ahahaha
Sa mga bombshells (especially Da,Mica,Cat,Anj,Anjeli,Mela and Ishi)
Kay Ms. Indrie (haha kaya natatag ang scope boys)
Kay Faye Ibasco sa aming mga nakakawindang, nakakaloko ngunit masasayang usapan
Sa mga Scopeboys and Pj (Aaron, James,Pat,Alden,Iking,Powee,Robin and PJ)
- Powee - ahaha salamat sa pagsagot ng mga riddles, at sa paghahatid sa kin sa mga kung saan saan at kung ano ano pa hehe grade 1 pa lang kaklase na kita woohoo...
- Pat - hehe sa mga anime at basketball stuff hahaa
- Alden - hmm bakit kapag ikaw ang naiisip ko puro mga kagaguhan lang wahahaha
- Aaron - salamat sa notebook mo feel ko di ako papasa ng high school kung wala yun
- Iking - sa mga hatid hatid at kung ano anong usapan
- Robin - haha sa mga usapang Inchick at Chiqnitas hehe at ayan wala na rin pala si VC sa toronto
- Pj - isa pang grade 1 classmate! ahaha salamat sa paghatid sa kin sa bahay almost everytime may gimik tayo!
- James - hehe salamat sa lahat (computer, school, pano umikot ng UP mga ganon ehehe)

At salamat na rin sa mga di ko nabanggit pasensya na medyo low tech utak ko ehehe hina memory

Muli Salamat sa lahat. salamat sa isang magandang 2004. hehe sa uulitin!