Sunday, July 29, 2007

Driver's Low

I'm in the coolest drivers high...


1. July 14, 2007: Unang araw ng SS area napagisipan ko na pagkatapos ng SS area bibisitahin ko ang mga freshie na kasama ko nung nag Log ako nong orsem at pagkatapos ay gym sa moro. Dinala ko ang auto dahil hassle magbitbit ng sobrang daming gamit...

Ayos naman noong pauwi na pinasok ko ng paatras yung kotse pasok na at nung ipwinepwesto ko na lang yung pwit nung auto ay boom...





ayun good job...

2. July 20. 2007
Nagdala ako ng laptop sa school, at dahil mahirap magcommute ng may kargang laptop naisip ko na dalin yung auto... Ayos naman ang buhay umulan kaya nagpatila muna ako. Umuwi ako ng mga 6:00 at noong ipapasok ko na ang kotse, di ko natantay yung biglang bagsak nung auto at bang

[Wala nang larawan masyadong katangahan ang nangyari]

nasabit sa pader yung right rear door ko ayun pucha warak na warak...

Hayy sayang ang 4,000. Siguro mas sayang ay yung nawalang confidence sa paghawak ng manibela...

* July 28, 2007 ayos na ang auto, maayos naman ang trabaho at di na halata ang mga tama sa pintuan at sa bumper. Ang kumpiyansa ko na lang ang medyo tagilid ngayon, pero catch-22 yan eh, parang paano ka magkakakumpiyansa ng hindi mo dala yung auto, at pano ka magdadala ng auto kung wala kang kumpiyansa? Kailangan ko pa man din yung auto sa darating na linggo sana by that time ayos na ang utak ko...


Monday, July 02, 2007

Missed Shots...

Nakapaglaro akong muli ng soccer nung sabado. Matagal tagal na rin na panahon ang lumipas ng huling maglaro ako nito (ayan ay kung hindi kasama ang futsal). Siguro ang huling laro ko ay nung unang summer ko sa ateneo kung san nakisali ako sa isang laro doon sa field nung pauwi na ako, pero di ko maturing na ibilang ito dahil wala lang yun haha nakapantalon ako noon at ang sapatos ko pa ata yung mga tipong casual walking shoes lang.

Ayun nga naaya ako ni Luigi na maglaro, akala ko nung una mga tipong pick up game lang kung saan ang mga kasali ay mga kung sino sinong naimbitahan lang na maglaro mga tipong wala lang pilian lang ng kampi, kaso ang naging kalaro namin ay maituturing na isang buong team hehe ang mga manlalaro nila ay galing ng iba't ibang bansa tulad ng india/myanmar/korea hehe meron naman kaming 2 import na Japanese.

Masaya rin naman kaso marahil sa tagal ko na na hindi naglalaro sobrang bano na ng galaw ko. Wala na sa tyempo yung mga pasa, di na matantya yung distansya ng bola at kung ano ano pang kabanuan haha Pero masaya din naman dahil kahit papano laro yun, at ang bait at ang kasayang kalaro nung mga nakasama ko.

Missed shots.. mga sayang na pagkakataon, iniwan ko ang camera ko at sayang dahil sa palagay ko maraming possibleng magagandang larawan ang makukuha doon sa araw na yun. Kaya simula ngayon sa bawat labas ko siguro ay dapat ko na talagang bitbitin tong camera na to.