Kahit papano pahina na ang Manny Pacquaio fever na nagsimula nung matalo niya si Morales last week. Di ko pa rin makalimutan na nung araw ng makabalik si Maany sa Pilipinas tipong bayaning bayani ang pagsaalubong sa kanya, nakarinig pa nga ako ng balita na may balak daw magtayo ng monumento ni Manny. Nagkataon namang naguusap kami ni James nung madaling araw na yun at medyo sabog na kaya ganito ang lumabas na usapan:
mico ruiz: narinig ko pala kanina sa tv, magkakamonumento raw si pacman
james wyson: woeh?
mico ruiz : haha oo daw eh
mico ruiz : sana yun na yung bagong point 0
mico ruiz: outdated na si rizal eh
james wyson: bwisit..
mico ruiz: tsaka si rizal naman nagsulat lang
james wyson: ang sama nito
mico ruiz: anong panama niya sa right hook at left hook ni manny
Siyempre ang lahat nito katuwaan lang, pero ayun nga kahit papano sumagi sa isip ko na paano kung palitan ni pacman si rizal bilang pambansang bayani...
Sabi ko pareho lang sila ng kalaban, mga morales, legaspi, fernandez, velasquez at rodriguez mga ganon, mga tunog latino-spanish names. Nasabi ko rin na pareho rin silang lumaban para sa Pilipinas. pareho silang di katangkaran at parehong may bigote.
Tapos dito na nagumpisa ang tirada para kay Manny...
pangangatawan pa lang, si manny tipong tigasin, si rizal kung tutuusin sakitin pa nga raw.
isipin mo 0 crime rate daw tayo nung laban ni pacquiao, tapos sa dami ng Pinoy na pumusta kay manny tapos nanalo siya... aba sa dalawang yan pa lang makikita na naitaas na ni manny ang living conditions sa Pilipinas, (dagdag mo pa yung regalo niya sa baranggay niya kapag pasko)
anong sabi nila multi talented si rizal? fencing/writing/chicboy/smart? Si Manny may boxing/billiards/singing/chicks/at smart telecoms endorsements (with mcdonalds pa)
Eto na lang, sa loob ng 10 segundo magisip at magbigay ka nga ng 2 linya mula sa mga akda ni Rizal? Mahirap ba? Eh ganito kaya, magisip ka at magbigay ng 2 linya mula sa mga kanta ni Manny? (kantahin mo na rin para masaya, counted din dito kung ang sasabihin mo ay ikstrem, ikstrem magec seng)
pero eto seryoso na...
sabi ko nga katuwaan lang to pero sa paguusap namin kahit papano ay sinubukan kong gumawa ng kaso na si Rizal naman ang tatalo kay manny. Nakakahiya mang aminin pero ang bagal ng utak ko pagdating doon, oo nag aral ako ng mga bayani mula ata grade 1-6 at 1st year hs (hi ms. fay) nag history 165 pa ako, (sabi ko nga yayariin ako ng prof ko (si sir gealogo) kapag nabasa niya to) pero wala pa ring kwenta.
siguro ang knockout blow dito ay yung tanong sa akin ni james na...
bakit kapag pinag-aaralan si rizal di ka ganyan kasigasig?
oo, ako ang kabataan na inaasahan ni rizal...
No comments:
Post a Comment