Ilang oras na lang, simula na ng panibagong sem. 2nd sem na, pero bago ko lagyan ng bagong leksyon ang utak ko, naisip ko na tignan kung ano nga ba talaga ang natutunan ko sa mga klase ko noong sem na nagdaan.
Nakahiga ako sa kama ng biglang tumalon sa utak ko yung isang tanong ni Bob Ong sa isa sa mga libro niya (kung di ako nagkakamali dun sa ABNKKBSNPLKo) sabi dito: Ano ang natutunan mo?
Philosophy 101 (Card Grade: C+)
Sa totoo lang hindi ko nagamay ni katiting ng mga itinurong teorya o pamamaraan ng mga kilalang pilosopo (tinginingining na marcel at parmenides yan). Siguro ang natutunan ko ay ang kahalagahan ng teamwork (hindi naman pandaraya sa test na uri ng teamwork yung discussions lang naman tungkol sa thesis statements).
History 166 (Card Grade: C+)
Eto yung parang sci 10 ko nung 2nd year ako. Hindi naman sa ipinagmamalaki ko pero lagi nanaman akong tulog sa klase dito. Pero dahil sa lagi akong tulog sa discussions, natutunan ko ang kahalagahan ng pagkuha sa mga readings, hindi na sapat yung manghihiram ka ng reading ng kakalese tapos cram 10 minutes before the test dahil lahat ng kakilala mo ay nagaaral din. Nakuha ko rin ang kahalagahan ng pagiging gising sa tamang oras (i.e. kapag may importanteng slide na pinapakita o kapag katabi na yung prof)
Marketing 101 (Card Grade: B)
Kung tatanungin ako ng tungkol sa kahit ano mang tinuro sa marketing ngayon wala ata akong maisasagot maliban sa kung ano ang 4p's. Pero kung tutuusin kahit papano pwede naman talagang daanin na sa common sense at pagiintindi sa sitwasyon na iprinisinta yung mga sagot. sabi nga ni Sir, when it comes to the real world, no one would really ask you what the 4p's are or the different terms and stuff, it's the application of those that come into play. Siguro ang natutunan ko dito ay kung saan makakahanap ng murang long sleeves para sa pang defense namin... (sa may gilid ng 2nd floor ng ali mall). Natuto rin akong tumambay sa starbucks dahil sa marketing. Unang rason dahil maingay sa bahay kapag gumagawa na ng case papers at pangalawa para makisaksak ng laptop at celphone sa starbucks nung minalas at nawalan ng kuryente ang buong metro manila.
Theology 131 (Card Grade: B+)
Masaya tong klase na to. Si Fr. Rexay maraming nasabing maituturing na noteworthy pero basta ang pinakanatutunan ko dito, hindi lahat ng mukhang kasalanan ay kasalanan. meron ka pang "it depends" na pwedeng gamitin kapag nagiisip ka na kung pupunta ka ba sa langit o impiyerno at nagbibilang ka na ng mga nagawa mo sa mundo.
CS 30 (Card Grade: B+)
I learned that Confidence can really go a long way... Knowing that you are "in your element" enables you to go and speak your heart out and not fear mucking up. That feeling of finally knowing what you are saying (as compared to previous subjects) gives you the power to go full blast as you fire words after words of explanation. I still remember that nearly effortless tirade I had in discussing the prototype website for our group's panel defense which leads us to the next thing I learned... that letters are not numbers :P
Ok ayan, show time na ulit. 2nd sem na...
No comments:
Post a Comment