Thursday, November 23, 2006

Daily Delight 2

As with all things, meron pa talagang interest sa umpisa, ang problema lang talaga is maintaining that interest.

Tulad dito, makikita sa unang paragraphs ang maliit na font, kahit papanong maayos na pagkakasunod sunod ng linya sa mga paragraphs. Pero habang patagal ng patagal, lumalaki ang font at spaces, nabababoy ang mga sinulat ko, minsan iniisip kong baguhin pero malay ko ba kung ang putanginang inner artist ko ay sadyang ganito.

Malay ba natin kung ang inner artist ko ay laging ganito o natural na ang inner artist ko ay iritable, sabog magsulat, walang pasensya, magulo ang handwriting at hindi marunong kung klean dapat talaga pumutol ng isang paragraph. Palamura rin ang inner artist ko.

Habang sinusulat ko itoo, lumipad ang promo card ng starbucks. nakuha ko toh sa (duh) Starbucks (tangina alanganamang sa Figaro o Seattle's best di ba?) at naisip ko 21 stickers x 100 (more or less) = 2100 para sa isang planner at insomnia. Putangina naman, gusto ko nung planner kaso isang sticker palang ako.

Kanina bago ako mag 3 hours of accounting part 2 (finance) kumain kami care of hans cyrus sa shakey'. Nandito ang mga larawan gamit ang aking sony 5.1 mp na camera

*htttp://micogold.multiply.com

(Sa dami ng larawa diyan kung ipapaste ko ang ilan tapos na sana ang 3 pages dito) kaya lalaktaw ako ng malaki para hindi naman mainis ang inner artist ko)

Ayan spaat na yan, 3 pages naman na to. Isipin niyo tangina kumpara sa bond paper mas malaki ang sketchpad na 9 x 12.

No comments: