Isa sa mga pinapanood ko (hindi ko maituring na sinusubaybayan dahil hindi naman ako regular na manonood ng programa) ay yung Pinoy Dream Academy. Isa sa mga nagustuhan kong contestant (o scholar) ay yung si Yvan.
Siya yung pinakagusto ko, ngunit hindi ko naman masabing siya yung pinakamagaling (siguro ang pinakamagaling yung Panky o yung Yeng). Tapos natanggal siya kasama ni Rosita nung Sabado. Si Rosita para sa akin ayos lang, parang tila panggulo siya eh hehe pero si Yvan magaling eh.
So ayun natanggal, at saktong sakto ang ganda ng birit niya ng Iris nung matanggal siya.
Kaso naisip ko oo contest ito at talagang may matatanggal pero parang naisip ko, ano nga ba talaga ang PDA, isa ba itong talent search o popularity search lang. Kasi kung ibabase sa performance grades
Scholars: | Ave. |
Yvan | 8.48 |
Panky | 8.47 |
Yeng | 8.14 |
Irish | 8.03 |
Ronnie | 8.01 |
| 7.90 |
Jay-R | 7.83 |
Rosita | 7.35 |
(galing sa webstie ng pda)
Kaso yun nga, iisipin din siguro ng management ang marketability ng isang talent, malas lang siguro ni Yvan na hindi siya ganon kataas sa standard ng market pagdating sa kung ano ang gwapo...
hindi ako nagrarant dahil sa injustice or whatever, naalala ko nung panahon nung unang Star Circle Quest, alam ko na medyo wala talagang maipagmalaking talent si Sandara at hirap na hirap siya, pero hehe siya pa rin ang gusto kong maiwan o manalo pa nga.
Pero yun nga minsan siguro kailangan ding tanungin kung ano pa ang silbi ng mga jurors kung ipapaubaya rin lang sa tao ang botohan :)
No comments:
Post a Comment