Finance... Anak ng Torotot namang finacne yan, parang accounting, the remix. Pucha naman, kahit papano gets ko pa kaso barely, just barely. Onting dagdag na lang wala na malalaglag na ako.
Minsan iniisip ko kung magagamit ko nga ba itong finance na to sa buhay ko. I'm in Comtech, Communications Technology Management, pero wala sa tatlong yan ang gusto ko talagang gawin sa buhay.
Ang gusto ko talaga (eto no joke) maging professional video game player. Balita ko sa ibang bansa (Korea ata yun) mala-michael jordan daw ang kasikatan, at may pera din Naisip ko parang napalapit din ako sa pangarap ko ng maging athlete kaso hindi sports, medyo videogames naman. ISipin mo parang basketball player lang. Practice drills laro ng bola araw araw. Ganon din siguro ang professional videogame player, practiceng laro, drills at maghapong laro ng video game.
Ika nga:
"Binabayaran ka para gawin ang ang bagay na ikaw mismo ay magbabayad para lamang magawa mo ito"
Kung matutupad to, siguro ang game na pipiliin ko yung NBA LIve, siguro sobrang maaliw ako na lumaban sa maraming klase ng manlalaro, Nba Live kasi hindi ako nagsasawa dito, Nba live kasi gusto kong magkaroon ng pagkakataon na lumaban sa mga taong manlalaro at hindi Cpu Lang.
Kung di naman NBA live, game din ako sa Counterstrike, naalala ko na dati maituturing kong magaling sa larong ito. May mga panahaon din dati na sa sobrang adik ko sa larong ito, kulang na lang ako yung magbukas ng Ali Mall at Net venture para makalaro... (hmm side note: san na kaya si sir fred, melanie and friends)
Siguro masaya ding maging professional player ng initial d, kaso yun nga lang di ako magaling dun, di ko pa rin kaya yung mga hair pin curves at mga drifts . Mahal din kasi ang larong to sa arcade.
pwede rin siguri yung dance maniax, kaso parang naging dancer lang ako, at alam kong maraming sobrang galing sumaway sa mundo at wala na rin akong balak na lumahok pa at sumingit sa kanila.
Kung may paraan lang sana na magkaroon ng course na "video game playing" dito sa ateneo eh di shift na ako. Alam ko sa ibang bansa meron eh, kaso kung magkaroon man dito sa 'pinas nun, di ko alam kung paano ko pmapapayag ang nanay ko na yun ang kunin kong kurso...
No comments:
Post a Comment