Kahapon nilista ko yung lyrics ng kantang as lovers go. Kasi sobrang nadadama ko yung lyrics nung kanta. Siguro masama rin kaing nabrand ako ulang isang "lirt" o "naglalaro" lang sa panigin niya kaya ayun, rejected. Sabi nga ng kanta "You've got to be crazy, what do you take me for, some kind of easy mark?
Pero ako... seryoso ko, hindi ako tanga para sabihing mahal ko siya o anumang ganong kalokohan. Basta kaya kong sabihin na gusto ko siya, gusto ko siyang kilalanin at subukan pang mas mapalapit sa kanya. kaso yun nga flirting/infatuation lang ang labas nito sa paningin niya.
Magulo ang buhay ko pagdating sa mga ganitong bagay. hindi ko magamit dito yung karaniuwang confidence ko na kaya yan. Siguro kasi sa mga ganitong sitwasyon hindi lang sa akin nakasalalay ang mga bagay na nais kong mangyari.
Sabi dun sa kanta ni Sitti;
"Di kita pipilitin, sundin mo ang iyong damamin hayaan na lang tumibok ang puso mo para sa akin..."
Kaso paano kung hindi titibok ang puso niya para sa akin? Hahayaan ko na lang ba na lumipas yun?
Sabi nga ng Parokya ni Edgar
"At paano kung may contest na sinetup ang tadhana at ang unagn papremyo ay ang makasama ka
Di kaya sayang naman kung di ko man lang susubukan manalo sa paraffle ng tadhana..."
Sinabi rin nila na...
"ang pangarap ay mananatiling panaginip, kung wala akong gagawin upang makamtan ka..."
Of course by choosing one course of action over the other could lead to trouble. IF i force myself to stop, I think im short changing myself, sabi nga nila, " in the same way that you can't force people to like you, you can't force yourself to stop liking others as well.
However imposing my will, my desires on her (that didn't sound too nice) might end up destroying the friendship that we had/have.
Sabi nga sa kanta nung dating spice girl
"i thought that we would just be friends, things would never be the same again"
No comments:
Post a Comment