Kanina ay ipinagdiwang namin ang aming ika labin tatlong buwan ng pagiging magkasintahan. Pinuntahan ko siya sa kanyang paaralan at inantay ko na matapos ang kanyang klase.
Nang matapos ang klase niya, sumakay kami ng Jeep papuntang SM north at pagkatapos naman ay bumili muna ng maiinom, at makakain sa bus papuntang Valenzuela.
Naisip naming bumili na lamang sa DECS (di ako sigurado kung ganyan nga ang spelling nung shop) Binilhan ko siya ng Soya Milk, habang ang akin naman ay ang Orange and Calmansi Juice . Sa Auntie Anne's naman ay binilhan naman niya ako ng Sour Cream and Onion Pretzel habang ang kanya naman ay ang Cinnamon, sinamahan pa niya ito ng Cream cheese dip.
Nang kami ay nasa bus na papuntang valenzuela, natuwa ako sa aming paraaan ng pagcecelbrate. Isang romantic dinner. Oo, romantic dinner sa bus, na ang pagkain ay auntie annes at ang inumin ay galing decs. oo totoong hindi pang karaniwan ang lugar nito at kahit ang aming kinain ngunit maipagmamalaki ko na ang masayang damdaming nararamdaman habang kami ay nagsalo sa loob ng bus na iyon ay kasing tindi o baka mas higit pa sa kung kumain man kami sa anumang fancy restaurant.
Marahil pinapakita lang nang pangyayari na nasa tao naman talaga ang pagiging sweet o romantic ng isang pangyayari. Hindi kinakailangang umalinsunod sa mga kung ano man ang takda ng kung sinuman ukol sa kung ano ang nararapat upang maging maligaya ang magkasintahan. Basta nandun ang pakiramdam na mahal namin ang isa't isa, magiging masaya ang kahit ano pang gawin namin.
Muli, Happy "monthsary" ΓΌ
Currently Listening to:
Depeche Mode - Somebody
No comments:
Post a Comment