3:48 ng madaling araw...
"anong bakit?!?! happy monthsary! i love you bie"
Nagsimula ang araw ko sa mga katagang iyan, di kinakaila na siguradong mapapangiti at kikiligin dahil sa mga sinabi niya. Kahit mayroon pang antok (dahil sa pagaaral para sa psych final exam) ay nakakagaan ng loob ang marinig ang boses niyang sinasabi ang mga bagay na iyon.
Nakatulog akong muli matapos nag aming paguusap, medyo kinailangan ko kasi ang pahinga dahil sa gen psych final exam...
9:30am
Anak ng torotot na gen pysch test yan! 100 item multiple choice. Nagaral naman ako kahit papano pero mayroong mga bagay na lumabas na sadyang di ko na talaga maalala. Haha Anak ng Hippocampus, Thalamus, Hypothalamus at lahat pa ng mga lecheng parts of the nervous system and their uses ehehe.
10:30am
Maaga kong natapos ang test kaya agad akong dumeretso sa SM north edsa. Napagisipisip ko na agahan na lang at doon magaantay dahil malamig doon kumpara sa mainit na campus ng Ateneo.
11:30am
Nalaman kong 12:30 pa daw kami dapat magkikita kaya nag PS2 muna ako hehe. Nakakaaliw pa lang maglaro ng smackdown vs. raw 2006. Nalaman ko rin na kapag nahulog pala si Undertaker mula sa taas ng hell in a cell cage, makakabangon pa rin siya kapag nagkaroon ng pin hehe.
12:30nn
Medyo nakatulog ang aking baby ahaha. Mahuhuli daw siya ng pagdating so naglaro ako sa arcade at pagkatpos muli akong naglaro ng smackdown vs. raw 2006 sa ps2 doon sa circuit city. Ngayon naman nalaman ko yung cheesy combo ni rey mysterio. Takbo tapos Up + X (spinning heel kick) tapos pag nagconnect biglang takbo sa ropes para sa isang corkscrew plancha (pag tumama magkakaroon ka na kaagad ng finisher). Nalaman ko rin na yung kalaban ni Rey mysterio mga 3 beses ang kailangang 619 bago tuluyang matalo. Nakakabangon pa kasi sa unang dalawa. Nalaman ko rin na kadalasan yung pangatlong 619 makakasugat sa muka nung kalaban hehe.
2:30pm
Ikot-ikot muna, wala pa ang baby ko :) Napagtripan kong uminom ng choco taro super special eklat sa Quickly. Masarap naman may pagkamahal nga lang sa presyong 60 pesos.
3:30pm
Nagkita na kami ng baby ko, Happy monthsary! Mahal na mahal kita. ΓΌ
4:30pm
Nagpunta kami sa Up, May philo classes at mga org thingies siya, ako naman ay nagliwaliw sa may AS walk tumitingin ng mga libro at comics ehehe.
5:30pm
Babalik kami ng SM North. Ang saya nang aming kulitan doon sa jeep, hehe. Mahal na mahal ko talaga siya...
6:00pm
Nakarating na kami sa Sm. Kakain sana kami ngunit sinabi niya nawalan siya ng gana... umuwi na lang daw kami...
Naisip ko na ito ay marahil dahil sa aking kakulangan, sa aking mga kahinaan...
7:00pm
Nakaabot kami sa valenzuela, sumakay siya ng pedicab at sabi niya wag na akong sumama. Kinurot ko ang ilong niya, ngumiti, at pabulong na nagsabi ng i love you... tumalikod at ng medyo umandar na ang sasakyan, sumunod...
Parang telenobela...
Naalala ko si Dao Ming Si at Shan Cai sa meteor garden. Nung hinahabol ni Dao Ming Si yung bus ni Shan Cai...
Kahit papano naabutan ko siya, papasok sa kanyang bahay, dumistansya na ako dahil baka hindi niya magustuhan na nandun ako... at least alam kong ligtas na siya sa kanyang bahay...
3:18am
maliban sa tipa ng mga kamay ko sa keyboard, sa tunog ng cooling fan ng computer, sa tunog ng electic fan sa kwarto, wala nang ibang tunog...
masakit...
"there are 6 billion people in the world... but sometimes, you need just ONE"
Mahal ko ang baby ko, siya ang natatanging kailangan ko...
Naalala ko noong minsang nagkaroon kami ng di pagkakaunwaan. Sa megamall pa yun... sabi niya wag kang umiyak, mag move on ka, get over this...
"I don't want to get over this, because getting over isn't my point. I had something in my life that is beautiful and true. and that my baby isn't something that you get over..." It is something that you continue fighting for until the very last breath dies from you... (yung hindi nakapasok sa quotation ay sariling dagdag na lamang)
No comments:
Post a Comment