Noong biyernes, pinuntahan ko siya sa kanyang paaralan, pinapapunta ako ng CAL kaso dahil hindi ako sanay sa pasikut-sikot ng kanyang unibersidad ay medyo naligaw ako hehe. Kaya pinuntahan niya ako at magkasama kaming nagbible study kasama nang ilang mga kaklase niya sa english. Napagusapan namin ang family, at isa sa mga kaugnay dito ay ang love...
Nasabi ko na ahh Love, oo, ang love ay acceptance, dahil handa kang tanggapin ang lahat lahat ng mga kabutihan at kasamaan ng taong iyong minamahal. Hindi ka mandidiri, mahihirapan o masasaktan sa kahit ano mang gawin niya dahil mahal mo siya, at dahil mahal mo siya ay tanggap mo ang lahat ng mga bagay tungkol sa kanya. Sabi ko nga, kahit na iniiwan ka na, hinahawi man o ipinagtutulakan ay hindi mo iindahin, dahil nga mahal mo siya... (simply put: Yes, my readers, I believe in the idea that Love is acceptance)
Kumain kami ng sabay sa CASAA, nilibre niya ako ng sisig (with egg pa yun ah) , masarap yung sisig, pero mas masarap yung pakiramdam na kasama ko siyang kumakain :)
Nagtingin tingin din kami ng mga libro doon sa may isang walkway (uhm palasensya na muli yatang lumilitaw ang di ko pagkasanay sa pasikot sikot ng unibersidad), kaunting tingin na mapapadpad sa kaunting basa at kaunting tampo na mapapalitan ng ngiti :)
Pagkatapos noon ay nagpunta kami sa tambayan ng KAPPP, kulitan (gamit ang shock pen), lambingan at mga masasayang usapan... tapos nagring ang bell at kailangan na niyang pumunta sa kanyang klase. Ngunit bago yun, dumaan muna kami sa xerox machine (na hindi ko talaga alam kung xerox), at nagpakopya ng kanyang mga readings para sa epistemology.
Nang siya ay nasa klase na naiwan ako sa labas habang nakikinig sa mga kanta at nagsusulat ng blog entry (yung naunang post kaysa dito), bumangon na lang ako para maghilamos. Pagbalik ko sa harap ng classroom may narinig akong aray, at sabay malakas na tawanan... tila alam ko na na ang mahiwagang shock pen ang may kagagawan nang kasiyahang iyon hehe
Pagkatapos ng kanyang klase ay napagpasyahan namin na humiga muna sa sunken garden bago kami umuwi. Masarap ang pakiramdam na nasa ilalim ka ng langit na pakiramdam mo ay abot kamay na.. Masarap din na magusap at mas lalong maintindihan ang mga saloobin ng bawat isa... masarap magkulitan at magpagulong gulong sa damo... masarap maglambingan sa dilim ng gabi na tila kayong dalawa lamang ang importanteng nilalang sa mundong ito... masarap bumangon mula sa damo at mas maramdaman ang pagmamahal ng babaeng iyo ring minamahal...
Dumaan kami sa SM North Edsa. Bibili kami ng inumin ngunit naisip namin na tignan muna ang mga hayop duon sa pet shops ng SM. Sa bioresearch ang cute nung dalawang pusang nagrarambulan sa loob ng kulungan ehehe sobrang nakakaaliw sila. Cute din yung mga teddy bear hamsters na nagiikot dun sa kanilang salaming kulungan. Sa under the sea naman cute yung mga teddy bear hamster lalo na yung nakadikit dun sa may salamain, cute din yung kunehong sumusubok tumayo... ngunit pinakacute pa rin yung ngiti niya habang nakatitig siya sa mga cute na hayop...
Sa loob ng bus, ay nakatulog siya, ang sarap ng pakiramdam ng ulo niyang nakasampay sa aking balikat, ng buhok niyang dumadampi sa aking bisig, ng brasong nakasalampay sa aking dibdib, ng paghinga niyang dumadaplis sa aking leeg, mas lalo pang napapaigting ang damdaming naramdaman kanina sa damuhan sa ilalim ng langit...
Currently Listening to:
The Corrs - Runaway
No comments:
Post a Comment