Nakuha ko lang siya sa isang email na finorward...
Ang Tsinelas:
Tawagin mo na'kong corny, pero nung napanoodko yung pelikula nina Regine at Richard, eto langang nasabi ko: "WISH KO LANG."
Sabi sa pelikula, ang taong para talaga sa'yo (yung ryt one ika nga) ay para raw TSINELAS.
Di naman sinasabing mukhang goma o balat ang hanapin mo.
Ganito kasi yan...
Maraming uri ng sapatos ang nagkalat sapaligid - may school shoes, rubber shoes, boots, stilettos, sandals at kung anu-ano pa.
Iba't ibang style, iba-ibang dekorasyon. At syempre, iba-iba din ang presyo.
May mura, may mahal.
Ikaw, pag pumasok ka sa opisina, di ba isinusuot mo ang mamahalin mong black leather shoes (kung lalake ka) o yung high-heeled sandals mo (kung babae ka)?
Yun ang isinusuot mo dahil yun ang gusto mong ipambalandra at ipakita sa iba buong araw.
Pero at the end of the day, kapag pagod ka na sa maghapong trabaho, habang nasa biyahe ka na pauwi ng bahay ano ba'ng tatlong bagay ang ini-imagine mo'ng gawin?
1.) Magpahinga
2.)Kumain ng hapunan at
3.) Magbihisng damit-pambahay at magsuot ng tsinelas.
Tama, tsinelas!
Naisuot at naipagyabang mo na ang lahat ng magaganda at mamahalin mongsapatos.
At maaaring marami ka na ring napahanga dahil dito.
Pero sa bandang huli, kapag hindi mo na kailangang magbihis ng maganda, mag-pretend ng kahit na ano, nasa bahay na lang, walang make-up at ikaw ay ikaw na lang talaga, di ba't ang simpleng tsinelas parin ang hahanap-hanapin mo?
At wala ka nang pakialam kung may tatak man ito, mamahalin o may kung anu-anong burloloy. Basta ang alam mo,tsinelas ang gusto mo.
Sa buhay mo, marami kang makikilalang babae at lalake.
Maganda, Gwapo,Sexy (pang-FHM), Mayaman, Malakas ang dating,Hanep ang porma, lahat na. Pero sa bandang huli, pareho nating alam na hindi yun ang pinakamahalagang ingredient ng tunay na pagmamahal.
Kumportable ka ba sa taong 'to? Does he/she make you feel good about yourself?
May kakaiba bang 'warmth' na ibinibigay ang taong 'to, na parang nagsasabi sa'yong "you're home and safe at last?"
Does this person make you happy?
Tinatanggap ka ba niya kahit "pambahay" na lang ang hitsura mo?
Siya ba ang tipo ng taong alam mong makikinig kapag nire-report at ikinukwento mo na ang mganangyari sa'yo buong araw?
Think about it. I'd be a lying asshole kapag sinabi kong aesthetics do not count.
Pero ang puso, tumitibok yan sa mga di inaasahang pagkakataon.
And sometimes you wonder about it, and most of the time, you even deny it.
But deep down, you just know, and feel, that it's right.
Ito ay para sa mga taong nakahanap na, at naghahanap pa rin ng tsinelas nila.
Congratulations at Good Luck!
Nawa'y nakatulong ang obserbasyon kong ito,
salamat sa pagbabasa. Happy hunting!
(end of forwarded email...)
Right now hindi pa ako sigurado kung nahanap ko na yung tsinelas ko, pero uhm basta merong taong sa piling niya komportableng komportable ako... Siya yung tipong kapag sasagutin ko yung mga taong sa taas (Kumportable ka ba sa taong'to? Does he/she make you feel good about yourself? etc.) masasabi ko na oo. Yun bang alam ko na handa siyang makinig sa mga walang katuturang bagay na nangyari sa akin mula nang pagmulat ko nang mata at pagtanggal ng muta hanggang sa paghiga ko sa kama at paghanda sa pagtulog.
(Haha alam ko mababasa niya tong blog ko, pero wala na rin akong pakialam. Kung tutuusin masaya nga ako at mababasa niya. Siguro yung blog na to is a way para mas maipahayag ko yung mga emotions ko ahaha kaya ok lang, sabi nga niya sige carry lang naman...)
Salamat kay Ate Tin at naiforward niya sa akin ang email na yun. Kahit na medyo sabog sabog ang araw ko (napagtawanan ako sa english 12 kanina dahil nakatunganga ako, nakatingin sa labas, ha di lang nila alam na mas maganda yung mga ulap kaysa dun sa pinaguusapan nilang importance ng essays ahaha) nung nabasa ko ang email na iyon natuwa na ako. Masaya na ang araw...
By the way ang gandang basahin nung email habang tumutugtog yung first love na instrumental ahaha tadhana ata na masenti ako ngayong araw na to :)
Currently Listening to:
Utada Hikaru - First Love (Piano)
No comments:
Post a Comment