Saturday, December 04, 2004

As Long As It Matters

Emotions...

Sa isang hindi ko talaga maipaliwanang na dahilan, nalungkot ako ng todo todo kaninang madaling araw. Siguro dahil sa posibilidad na iyun na ang aming huling paguusap. Na baka wala ng ibang pagkakataon upang maihayag ko yung mga damdamin ko, kaya ayun. Siguro nga nakahanap na rin ako ng katapat.

Dati hindi ako naniniwala sa mga "serendipity" stuff, kung tutuusin nacocornyhan ako sa mga ganon. Kaso ngayon ko lang talaga nahalata na hindi pala malayong mangyari yun. Na minsan talagang pagkakataon na ang nagpapalapit sa inyong mga kalooban. Mga pangyayari na sa una eh parang normal lang, mga bagay na hindi na dapat pansinin yun pala sila yung mga maliliit na bagay para magkalapit kayo... Ika nga ni David Pomeranz, "It's as if the powers of the universe conspired...." para magkakilala kami.

Lungkot. Na hindi kinakailangan nang romantic love upang malungkot sa pagalis ng isang kaibigan. Na minsan yung closeness ng dalawang tao kahit wala pang love ay sapat na rason upang ikaw ay malungkot.

Panahon. Na kahit pala sa loob ng isang linggo, maaring mabuo ang isang magandang relasyon sa isang tao. Na hindi kinakailangan ng pagkahabang habang panahon upang magkakilala kayo. Na ang kakulangan ng panahon, ay pwedeng maging "drive" upang mas maipahayag mo ang iyong damdamin.

Mata. Ang kakayahan ng mga mata upang magpahayag ng kanilang mga emosyon ay napakalaki. Kahit na hindi na magsalita, nakikita sa mata ang kalungkutan, kasiyahan at mga iba pang pakiramdam.Sabi nila nakikita sa mga mata kung gaano katotoo ang mga pinapahayag ng isang tao. Sabi nga "The eyes are the windows of the soul".

Ngiti. Hindi lahat ng ngiti masaya. Na merong mga ngiti na kapag tinignan mo ay lalo kang malulungkot.

Luha, Na hindi masama ang lumuha. Nakakatulong din pala ito para mas maintindihan mo ang iyong sarili. Tulad din naman ng ngiti, hindi lahat ng luha malungkot. Naintindihan ko rin na parang bawat patak ng luha ay lumilinis sa iyong damdamin. Parang hinuhugasan nila ang kalungkutan na naipon sa iyong puso...

Hindi ko inaasahang maintindihan ng lahat ng bumabasa nito ang aking mga sinulat. Kung tutuusin baka dalawa lang ang makakaintindi nito. Ako at Siya...

Salamat sa emosyon, ngayon alam kong buhay ako...

Currently Listening to:
Gin Blossoms - As Long as It matters (acoustic)

No comments: