Tuesday, December 14, 2004

Starless (part 2)

Wala na rin akong balak matulog bahala na lang siguro si batman kung dadalawin pa ko ng antok...

Tumingala ako muli sa langit pero ang nakita ko lang na lumilipad ay mga insekto. Mga langaw at lamok (nakagat pa nga ako) na lang. Kahit man lang isang meteor ayos na sana. Kaso wala. Siguro maliwanag lang ang mga building dito, siguro malabo lang ang mata ko,siguro maulap lang, siguro... siguro hindi lang talaga nararapat na makita ko.

Kaya sa iba ko na lang binaling ang paniningin ko. Kung ano ano ang nakita ko. Mga litrato, mga sulat, mga patunay, mga jokes, mga ngiti. Siguro dito ko rin narealize na mas malamang na hindi gumana to. Mas malamang na walang patutunguhan yun. May mga bagay, tao ang tila humahadlang para maisakatuparan yung mga gusto ko...

Madaling magkamali sa interpretasyon ng isang bagay, gawa. Halimbawa na lang ang isang macaroni salad. Maaring sa palagay mo ay special na ang macaroni salad kapag meron na itong pinya at manok at ham. Ngunit sa iba normal lang yun, sa iba meron pa palang carrots, cheese, bacon bits at pickles. Nagkataon lang kasi na ang macaroni salad na may pinya, manok at ham ang natapat sa yo kaya yun na kaagad ang inakalang special.

Pasensya na sa mga bumabasa, medyo hindi na rin gumagana nang matino ang utak ko. Kaya tuloy macaroni salad ang nagagamit ko. Hindi ko lang kasi magawang ipahayag yung tunay kong damdamin kaya idadaan ko na lang sa macaroni salad.

Hindi ka nagiisa...
- madalas nating sabihin yan sa mga taong nalulungkot.
Pero pano na lang yung gustong nagiisa sila?
Nagiisang manlilligaw, nagiisang kampiyon, yung mga ganon ba?
Ewan basta ang masasabi ko minsan gusto kong mapagisa.

Dati may nagsabi sa akin Umalis ka, Gusto kong mapagisa... (In english) so bale sinabi niya leave me, I want to be alone... Nagkataon namang narinig ko na yung mga salitang ganon dati (sa isang palabas sa tv na hindi ko matandaan). Kaya nagamit ko ang isang matinong sagot (minsan maayos ang takbo ng utak ko) ang sabi ko "Then I'll be alone with you" ayun napangiti siya at naayos ang problema. Sana meron ding tao na magsasabi niyan sa kin ngayon...

May klase ako ng 7:30 bukas pero wala na talaga akong pakialam. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung nalulungkot ako, nasusuya, tinatamad ewan. Wala naman ata akong karapatang malungkot ngayon sa lahat ng mga kasiyahang natamo these past few weeks, sino ako para sumimangot? pero ewan nalulungkot pa rin ako...

2:14 mga 1 second ago 214... wala lang

Patay na daw si FPJ, for some reason naapektuhan ako ng onti sa pagkamatay niya (kung tama ang balitang patay na siya). Siguro kasi hindi ko pa napapanood sa pelikula na natalo o namatay si fpj. Madadaplisan lang siyaa pero hindi mapupuruhan. Ngayon patay na siya. Natalo siya. Tapos ang kwento ni Panday. Marami daw ang malulungkot dahil isa siyang sobrang bait na tao. Ewan naisip kom kung mamatay kaya ako ngayon, bukas o sa sususnod na linggo marami din kaya ang malulungkot?

Ano kaya ang maalala nila sa akin? Sana naman pagpumanaw ako, kahit papano may isang makakamiss sa akin na hindi ko kamaganak. Sana kahit papano habang may buhay ako may mga taong naapektuhan dahil ako ay nagexist. Naisip ko rin. Sa dinami dami ng mga naging textmate, chatmate, friendster-mate ko, ano kayang mangyayari pag namatay ako? Malalaman kaya nila na ako ay namatay na?

Btw, hindi ako suicidal, hindi pa ako umaabot sa puntong naniniwala ako na makakatulong ang pagpapatiwakal. Naiisip ko lang talaga sila ngayon.

Nabanggit ko ang friendster. Napansin ko na ang dami kong "friends" dito. Pero ilan nga lang ba ang kilala ko at kilala ako? Ewan. May mga taong importante sa akin na nandito sa friendster list ko, ang tanong importante din kaya ako sa kanila. May mga tao naman na naging friend ko lang dahil inadd nila ako, kung tutuusin wala akong pakialam talaga sa kanila, ang tanong may pakialam naman kaya sila sa akin?

Kalungkutan
Baka eto nga ang nararamdaman ko ngayon. Masyado lang akong mapride para amining nalulungkot ako dahil sa isang mababaw na dahilan. Isang dahilan na hindi naman ako sigurado kung totoo. Hindi ko na alam. Sabi nga ni Shamir dun sa isa niyang status message "Im Confuzzled"

Naiingit ako sa mga taong...
...nakatira sa mga lugar kung saan makikita nila ang meteor shower nang malinaw ngayong gabi. ...maaaring makapanood ng shower bukas.
...kayang maging mabait
...talagang taos-pusong matulongin
...matatalino
...may sariling kotse
...mga taong kayang pumunta sa kanilang mga gustong puntahan
...manunuod ng lantern parade sa 16
...mala palaka ang kakayahang tumalon
...nagiging crush ng iba
...nakaranas na ng love
...nakaranas na ng first kiss
...tulog na sa ganitong oras

pero sa lahat ng iyan hindi ko pa rin nasasabi yung talagang pinakakinaiingitan ko ngayon...

sinabing ayaw ko nang nalulungkot. pero bakit ganito ako ngayon?

Currently Listening to:
Gin Blossoms - As Long As It Matters (acoustic)

No comments: