Thursday, December 30, 2004

Early Morning Thoughts

Maaga ako nagising wala kasi yung partner ko sa puyatan kaya ayun maaga rin akong nakatulog :P

So dahil maaga at wala akong magawa nagbasa na lang ako ng blog ni Sir Yol. Hehe medyo aliw kasi basahin eh, parang pirated na Bob Ong (haha joke lang sir) hehe. Tapos may part dun na may mga quiz. At yun ginawa ko yung isa...

Eto yung Little Prince Quiz
fox.
You are the fox.
(Aliw fox ako hehehe)

Tapos may nabasa ako dun sa blog ni Sir na sinabi ni Christopher De Leon sa isa niyang pelikula kasama si Vilma Santos (hindi siya Mano Po 3) eto yun (saktong copy paste)...

"Sa pelikulang Tag-ulan sa Tag-araw, naglalakad si Christopher de Leon sa tabing dagat, habang iniisip: “Bakit ba yumayakap ang alon sa dalampasigan kahit alam nitong mababasag siya? Katulad niya ba akong naghahanap ng katalik na dalampasigan kahit mababasag rin?”. Saka niya makakasalubong ang dalagitang si Vilma Santos, at hihinto ang lahat sa paligid. Commercial." (Jamendang,2004) (<- lagyan natin para safe) Wala lang... hindi ko alam pero parang nakakarelate ako sa kanya hehehe oh well...
Ayos sa pagblog kong to nakaubos ako ng 8 minuto ng buhay ko hahaha

Currently Listening to:
Frente - Bizaare Love Triangle

Wednesday, December 29, 2004

Bizarre Love Triangle

Usually nakakarelate ako sa isang kanta kaya ko siya nilalagay sa blog ko but this time wala lang di pa naman ako nakakarelate. Gusto ko lang ata talaga yung tunog niya. (^.^=)

Every time i think of you
I feel shot right through with a bolt of blue
It's no problem of mine but it's a problem I find
Living a life that I can't leave behind

There's no sense in telling me
The wisdom of a fool won't set you free
But that's the way that it goes
And it's what nobody knows
While every day my confusion grows

Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I'm waiting for that final moment
You'll say the words that I can't say

I feel fine and I feel good
I'm feeling like I never should
Whenever I get this way, I just don't know what to say
Why can't we be ourselves like we were yesterday

I'm not sure what this could mean
I don't think you're what you seem
I do admit to myself
That if I hurt someone else
Then I'll never see just what we're meant to be

Every time I see you falling
I get down on my knees and pray
I'm waiting for that final moment
You'll say the words that I can't say


Currently Listening to:
New Order - Bizarre Love Triangle (Dance)

Tuesday, December 28, 2004

By the River Piedra I Sat Down and Wept...

Just finished reading Paulo Coehlo's book...

Nice book, filled with neat messages about love and moments and stuff like that. Ewan siguro timing lang yung pagbasa ko sa kanya. Binasa ko kasi ngayong medyo naiisip ko (at nararamdaman?) yung mga love, magical moments at emotions thingies.

yun lang, boring araw ko ngayon eh, binasa ko lang talaga yung libro...

Thank You, Lord, because I was a lost sheep, and you borught me back. Because my life was dead, and you revived it. Because love wasn't alive in my heart, and you gave me back that gift...

Currently Listening to:
Blink 182 - Adam's Song

Monday, December 27, 2004

The Scientist...


Come up to meet ya, tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you, tell you I need ya

And tell you I set you apart
Tell me your secrets, and nurse me your questions
Oh let's go back to the start

Running in circles, coming in tails
Heads on a science apart


Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the start


I was just guessing at numbers and figures
Pulling the puzzles apart.
Questions of science, science and progress
Don't speak as loud as my heart.
Tell me you love me, and come back and haunt me,
Oh, when I rush to the start
Running in circles, chasing tails
coming back as we are.

Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy.
No one ever said it would be so hard
I'm going back to the start.


Currently Listening to:
Coldplay - The Scientist

Printer

Finally bought a printer..

My dad and I shared the costs hehe cool.

Epson Stylus CX1500

printer
scanner
copier

Kinda hassle that when I print, the whole computer table shakes hehe oh well...

Currently Listening to:
Tenchi Muyo OST - Opening Theme (English Version)

Sunday, December 26, 2004

Christmas...

Merry Christmas to all! (=^.^=)

Christmas Eve was like a normal day. Just played some computer games, chated on the phone with someone, downloaded songs. Basically I just did stuff that I normally did. Halos walang pagbabago... Except siguro yung mass. Hehe pero ok na rin minutes before Christmas wala lang naaliw ako ahaha

grabe, alam mo bang kanina pa kita hinihintay.
nkikipag-chikahan na nga lang ako sa iba
la lang
gusto ko lang mag greet bago ako matulog

hehe siyempre flattened ako :P

Noche Buena namin ang handa macaroni salad, spaghetti, barbeque at ham. Haha hassle lang yung macaroni salad namin chicken at pineapple lang ang sahog ahaha hindi siya special :P

Kung titignan sa isang materialistic point of view, ang sagwa ng mga regalo ko, hindi ko naman sinsasabing hindi ko sila inenjoy pero hindi ko lang siguro natanggap yung mga material things na gusto ko tulad ng celphone na bago ahaha COunted as Xmas gift na kasi yung bago kung computer so ayun. Pero ewan siguro kahit papano nagmature ang pagiisip ko. Naliligayahan na ako sa pagkakataong naibigay sa akin upang makilala ang mga taong maituturing kong ispesyal (yung may ham, chicken, bacon bits, carrots hehe). Talagang napakagandang regalo para sa pasko nung pagkakataong yun (pero syempre gusto ko pa rin ng bagong celfone :P)

Christmas day puro reunion ang dinaluhan ko. Noong una dun sa tito ng tatay ko (so kapatid ng lolo ko na ama ng tatay ko). Aba ang saya ang handa nila macaroni salad na may pickles at carrots haha onti na lang special na! wahahaha. Tapos nakakaaliw din, kasi yung napangasawa ng tito ng tatay ko (dahil kapatid ng lolo ko na ama ng tatay ko) ay isang chinese na babae. wala lang nakakaaliw haha kasi wala lang basta aahahaha (alam na ng mga kaibigan ko kung bakit so kung di niyo alam di ko kayo kaibigan! hehe joke tanong niyo na lang ako para malaman niyo)

Tapos punta sa bahay ng lolo ko para kumain wala lang ahaha tapos tambay dun, tapos uwi para maligo para sa isa pang reunion (this time sa mother side ng tatay ko). Hmm wala lang ang ganda ang saya rin. Ayun nalaman na ng nanay ko na umiinom ako ng beer ahaha. Pero wala lang naalala ko bigla yung friend ko kasi habang umiinom ako ng San Mig Light (eto ata yung may kasalanan kung bakit hindi kami nagkita noon :p) biglang tumunog sa background yung Sugar Sugar na kanta yung (sugar oh honey honey, you are my...) tapos ayun wala lang parang napagusapan ata namin yun before hehe :P saya

Tapos umuwi at natapos na ang araw ng pasko na nakapasok ang La Lakers na nilalaro ko sa 2nd round ng playoffs (hehe saya mag nba live 2005).

Currently Listening to:
F4 - Ask For More (yeah boi! go F4ever yehey!)

Thursday, December 23, 2004

enjoy

I forgot to blog yesterday :P

Was talkin to someone on the phone then I suddenly realized that it was too late to blog hehehe... GUess I enjoyed the conversation :P

As I said on a previous post I lost my keys. Of course I lost the keychain too. So I went to megamall to buy an anime looking keychain hehe. But I guess I got distracted by the arcade games on the way hehe. I played Initial D Version 3 and Dance Maniax ahaha Miss ko na yung mga games na yun.

Then went to powerbooks and bought By the River Piedra I sat Down and Wept by Paulo Coehlo. Gift ko siya for my mom pero dahil nabasa na niya ako muna ang babasa hehehe. I also bought World's Greatest Blunders ahaha sayang walang World's Greatest Royal Scandals bibigay ko sana sa friend ko :P

Then went home ahaha.. Tapos yun nga yung mahabang conversation :)

Today, nothing really happened, woke up a bit too early for my liking, Been stuck on the computer chatting, downloading songs and playing NBA Liv 2005 oh well I really need a new game.

Currently Listening to:
Kylie Minogue - I Believe in You

Wednesday, December 22, 2004

Torete


Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay?
Sana ay maabot ng langit
ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip


'Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit nalilipad
ang isip ko'y torete sa'yo


Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak nanlalamig nanginginig na ako


Akala ko nung una
May bukas ang ganito[?]
Mabuti pang umiwas[?]
Pero salamat na rin at nagtagpo


Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete, sa iyo


Wala lang, medyo feel ko lang yung song na yan, lalo na yung mga nakabold ang font medyo ramdam ko lang talaga siya :)

yung mga [?] yun yung mga hindi ko alam pero sana wag naman...

Currently Listening to:
Moonstar 88 - Torete

Tuesday, December 21, 2004

Keys...

I misplaced my keys to the house, to the gate and to my megamall skating locker damn...

Was planning to go out, so I prepared my stuff. That's when I realized that I cannot find my keys. So in my effort to search for them I ended up tidying my room. Oh well I wasn't able to find them but at least my room's tidy na, (sabi nung isa diyan ayusin ko daw eh :P)

I went out to have some duplicates made. They work fine, but I want a new key chain ehehe...

Boring ng araw ko no?

Currently Listening to:
6 Cycle Mind - Biglaan (Acoustic)

Monday, December 20, 2004

Waking up on the Senti Side of the Bed

Actually the title is not applicable to me since you can't wake up someone who is not sleeping.

Ayun medyo senti mode. Ewan ahaha, meron lang ata talagang moments na biglang may gagalaw sa utak mo at sasabihing oi ngayong araw senti ka. Oh well...

Wala lang kanina tinitignan ko yung mga nagmessage sa tag-board ko. Tapos ayun may nakita akong nakasulat, "You were at the Lantern Parade? Small world talaga..." or something to that effect, wala lang dahil senti ako ngayon naisip ko, oo nga ang liit ng mundo at lalo pa siyang pinapaliit ng friendster, text at telephone lines. Ngunit bakit kahit na tila ang liit liit na ng mundo hindi ko pa rin siya nakikita?

Kagabi habang kausap ko si Jovy sa telepono naisip ko yung kantang Bakit Ka Iiyak... wala lang naaddict lang ako sa kanya. Ayos din namana ang tono at lyrics. Hindi ko rin alam kung bakit yun yung nasa isip ko. Baka nakakarelate ako ng hindi ko alam.

Tapos kanina ewan minsan lang talaga sabog ako magisip. Habang nakahiga sa kama at nakatunganga sa kisame, biglang tumugtog sa isip ko yung song na luma ni Gary V. Yung Di Bale na Lang. Siyempre dahil wala akong magawa dinownload ko na rin yung kanta with matching lyrics pa. Wala lang aliw, hindi ko alam kung nakakarelate ako, pero ewan bigla siyang soundtrack ng buhay ko ngayon eh hehe...

Sabi ni Sir Yol, lahat daw ng tumatakbo sa isipan natin may dahilan. Siguro mamaya kapag naisip ko na kung ano yung mga dahilan na yun (kung bakit nagiging soundtrack ng buhay ko yung mga kanta), blog ko na. Minsan kasi hindi yung whole song eh, may mga specific lines eklat lang ahaha. Ahh basta as of now di ko pa alam kaya kinig na lang ako sa mga tugtuging iyon...

Natapos ko na rin yung King Arthur, hmm so bale spiderman 2, hero, naked weapon, at the notebook na lang ahahaha mahaba pa naman yung break kaya sige kaya pa.

Currently Listening to:
Gary V. - Di Bale Na Lang

Sunday, December 19, 2004

morning thought

Wala lang, Wala na ako magawa kahapon so natulog ako... Dahil dun maaga ako nagising ngayon

NagFriendster ako tapos may nakita akong pinost na sagot sa isang survey sa isang tanong about favorite lines. Nung nabasa ko yung line medyo naintindihan ko yung isang side nung nararamdaman ko ngayon...

Anyway, The line goes like this:

"It's not that I can't live without you, it's just that I don't want to"

Wala lang yun lang...

Currently Listening to:
Patti Austin - Say You Love Me

Saturday, December 18, 2004

Amazing Party...

Went to Ateneo for the Celadon IDG which was an Amazing Race type thingie. Although I didn't know anything about it until the last minute, I was a faci for one of the groups. Cool since we were able to finish 2nd out of 4 teams. Hehe nanalo tuloy kami ng internet cards!

After that party naman sa house ni Mhe. Happy 18th Birthday Mary Rose!

I was part of the 18 roses thingie ahaha (kala ko talaga 18 slaps:P). Tapos dance lang ahaha. Medyo nagtagal pa kasi nawawala si Ringo. Kinabahan tuloy ako ahaha mas matagal kasi mas madaling magkamali ahaha baka maapakan ko siya ahaha kakahiya naman. Buti na lang walang nangyaring nakakahiya ahaha. I wasn't able to stay again sa party niya, pero ayun I enjoyed it naman...

Currently Listening to:
Michael Buble - The Way You Look Tonight

Friday, December 17, 2004

The Last class for the year

Free cut sa lit, kaasar since optional lang yung math ko kanina, pwede na sana ako hindi pumasok...

Went to north edsa after school to meet up with james. Didn't know he was with some friends so ayun I have new acquaintances na ahahaah. Nilibre niya ako sa pizza hut kaya thanks ahaha.

Tapos punta sa house ko, laro ng nba live ahaha at least marunong na ako nung mga ibang slam dunks na 50. Tapos gateway mall ahaha lupet nung mall na yun nakita ko rin pala si bea at si apes.

Tapos talk lang sa fone ahaha yun lang araw ko...


Currently Listening to:
Dragon Ball Z OST - Angel

Songs

Im also typing my lit paper while blogging.

Actually I was already finished with it, but then I left the diskette in the house so I had to do another one oh well...

While I was in the "optional" math class I found myself singing perfect christmas by Jose Mari Chan. I don't know it just suddenly popped in my head...

My idea of a perfect Christmas
Is to spend it with you
In a party
Or dinner for two
Anywhere would do
Celebrating the yuletide season
Always lights up our lives
Simple pleasures are made special too
When their shared with you


Wala lang, nice lines....

While walking to this computer lab, I found myself singing As long as You Love me by the BackstreetBoys ahaha sayang wala si James or si Chris walang sumasabay di tuloy kumpleto ang boy band. PEro it really is weird since I don't have any idea where the song came from hehe...

Oh well Back to my paper...

Thursday, December 16, 2004

lanten parade...

Shoot sablay ako sa simbang gabi oh well. Just two classes for today. The long test in math and the filipino class.

Hard test, I think I will be lucky if I even get half of them correct. Darn. I wasn't really able to study yesterday since I got too tired ahaha...

Went home after the test. Richmond went to my house and played Nba Live 2005 while I took a bath and prepared for the lantern parade.

On the train for Katipunan Station, I was secretly thinking that we would be late. But suddenly I saw sir Yol on the train ahaha. Yes, kasabay namin ang prof sa train, pano naman kami malalate? hehe

During Filipino class we had a quiz. I guess my answer was pretty messed up. Pagkatapos nung quiz, pinagusapan namin kung bakit kas susulat kahit walang babasa, ayun I got some good answers pero sa another post ko na lang ilalagay.

After filipino, went to the library to sleep. Then went with James to Up to watch the lantern parade...

It was ok, just toured around Up, ok din at least alam ko na kung san yung mga ibang buildings at paano pumunta doon. After touring nanuod na lang kami ng lantern parade. It was ok, sa fine arts yung mga astigidig na floats.

Hmm wala siya pero ok lang... sayang lang talaga oh well. Meron pa naman next time (dapat lang no). Ok lang isipin ko na lang na time yun para maimprove ko pa sarili ko or sumthin hayy sayang lang kasi talaga oh welpz

People I met today:
William Imperial
Gerry Sarino
James Wyson
Gijo Mantaring
Wyson Sisters
Miguel Guillermo
Pao Tanquintic
Jeff (Nakalimutan ko last name)
Dex Guevarra
Joaqs Zavalla

Currently Listening to:
Cranberries - Miss You (kanina nga pala dun sa may shopping center hindi ko alam kung bakit kanta ako ng kanta niyan wahaha pati yung don't want to be your friend ni nina)

Wednesday, December 15, 2004

Fly High...

Free...

Wala lang, after talking medyo mas nalinawan ako. Hehe Siguro kailangan ko lang ng affirmation about somethin. Luckily nahanap ko rin naman...

Nakakaaliw talagang isipin ang nangyayari sa akin ngayon. Parang baliw ako na kung ano ano ang nararamdaman ahaha kasalanan niya to... pero ok lang kahit papano napapangiti ako kaya kahit na ano panmg kabaliwan ang tila ginagawa ko ayos lang carry pa rin.

I had this 4 hour break kanina, Sana sa library lang ako kaso bila kaming pinagsaraduhan so nagliwaliw na lang kami ni Richmond. Nakasalubong namin yung ibang blockmates na magpapatutor. So nakisali kami, at least kahit papano nadagdagan yung kaalaman ko para sa long test tomorrow.

Nood ng play, Maganda na rin naman yung lam-ang lupit ng comedic stuff ahaha nice songs pa.

Ewan gusto ko manuod ng lantern parade bukas, haha baka manuod ako bahala na si batman sa akin.

Currently Listening to:
Siam Shade - Tears I Cried

Tuesday, December 14, 2004

Starless (part 2)

Wala na rin akong balak matulog bahala na lang siguro si batman kung dadalawin pa ko ng antok...

Tumingala ako muli sa langit pero ang nakita ko lang na lumilipad ay mga insekto. Mga langaw at lamok (nakagat pa nga ako) na lang. Kahit man lang isang meteor ayos na sana. Kaso wala. Siguro maliwanag lang ang mga building dito, siguro malabo lang ang mata ko,siguro maulap lang, siguro... siguro hindi lang talaga nararapat na makita ko.

Kaya sa iba ko na lang binaling ang paniningin ko. Kung ano ano ang nakita ko. Mga litrato, mga sulat, mga patunay, mga jokes, mga ngiti. Siguro dito ko rin narealize na mas malamang na hindi gumana to. Mas malamang na walang patutunguhan yun. May mga bagay, tao ang tila humahadlang para maisakatuparan yung mga gusto ko...

Madaling magkamali sa interpretasyon ng isang bagay, gawa. Halimbawa na lang ang isang macaroni salad. Maaring sa palagay mo ay special na ang macaroni salad kapag meron na itong pinya at manok at ham. Ngunit sa iba normal lang yun, sa iba meron pa palang carrots, cheese, bacon bits at pickles. Nagkataon lang kasi na ang macaroni salad na may pinya, manok at ham ang natapat sa yo kaya yun na kaagad ang inakalang special.

Pasensya na sa mga bumabasa, medyo hindi na rin gumagana nang matino ang utak ko. Kaya tuloy macaroni salad ang nagagamit ko. Hindi ko lang kasi magawang ipahayag yung tunay kong damdamin kaya idadaan ko na lang sa macaroni salad.

Hindi ka nagiisa...
- madalas nating sabihin yan sa mga taong nalulungkot.
Pero pano na lang yung gustong nagiisa sila?
Nagiisang manlilligaw, nagiisang kampiyon, yung mga ganon ba?
Ewan basta ang masasabi ko minsan gusto kong mapagisa.

Dati may nagsabi sa akin Umalis ka, Gusto kong mapagisa... (In english) so bale sinabi niya leave me, I want to be alone... Nagkataon namang narinig ko na yung mga salitang ganon dati (sa isang palabas sa tv na hindi ko matandaan). Kaya nagamit ko ang isang matinong sagot (minsan maayos ang takbo ng utak ko) ang sabi ko "Then I'll be alone with you" ayun napangiti siya at naayos ang problema. Sana meron ding tao na magsasabi niyan sa kin ngayon...

May klase ako ng 7:30 bukas pero wala na talaga akong pakialam. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung nalulungkot ako, nasusuya, tinatamad ewan. Wala naman ata akong karapatang malungkot ngayon sa lahat ng mga kasiyahang natamo these past few weeks, sino ako para sumimangot? pero ewan nalulungkot pa rin ako...

2:14 mga 1 second ago 214... wala lang

Patay na daw si FPJ, for some reason naapektuhan ako ng onti sa pagkamatay niya (kung tama ang balitang patay na siya). Siguro kasi hindi ko pa napapanood sa pelikula na natalo o namatay si fpj. Madadaplisan lang siyaa pero hindi mapupuruhan. Ngayon patay na siya. Natalo siya. Tapos ang kwento ni Panday. Marami daw ang malulungkot dahil isa siyang sobrang bait na tao. Ewan naisip kom kung mamatay kaya ako ngayon, bukas o sa sususnod na linggo marami din kaya ang malulungkot?

Ano kaya ang maalala nila sa akin? Sana naman pagpumanaw ako, kahit papano may isang makakamiss sa akin na hindi ko kamaganak. Sana kahit papano habang may buhay ako may mga taong naapektuhan dahil ako ay nagexist. Naisip ko rin. Sa dinami dami ng mga naging textmate, chatmate, friendster-mate ko, ano kayang mangyayari pag namatay ako? Malalaman kaya nila na ako ay namatay na?

Btw, hindi ako suicidal, hindi pa ako umaabot sa puntong naniniwala ako na makakatulong ang pagpapatiwakal. Naiisip ko lang talaga sila ngayon.

Nabanggit ko ang friendster. Napansin ko na ang dami kong "friends" dito. Pero ilan nga lang ba ang kilala ko at kilala ako? Ewan. May mga taong importante sa akin na nandito sa friendster list ko, ang tanong importante din kaya ako sa kanila. May mga tao naman na naging friend ko lang dahil inadd nila ako, kung tutuusin wala akong pakialam talaga sa kanila, ang tanong may pakialam naman kaya sila sa akin?

Kalungkutan
Baka eto nga ang nararamdaman ko ngayon. Masyado lang akong mapride para amining nalulungkot ako dahil sa isang mababaw na dahilan. Isang dahilan na hindi naman ako sigurado kung totoo. Hindi ko na alam. Sabi nga ni Shamir dun sa isa niyang status message "Im Confuzzled"

Naiingit ako sa mga taong...
...nakatira sa mga lugar kung saan makikita nila ang meteor shower nang malinaw ngayong gabi. ...maaaring makapanood ng shower bukas.
...kayang maging mabait
...talagang taos-pusong matulongin
...matatalino
...may sariling kotse
...mga taong kayang pumunta sa kanilang mga gustong puntahan
...manunuod ng lantern parade sa 16
...mala palaka ang kakayahang tumalon
...nagiging crush ng iba
...nakaranas na ng love
...nakaranas na ng first kiss
...tulog na sa ganitong oras

pero sa lahat ng iyan hindi ko pa rin nasasabi yung talagang pinakakinaiingitan ko ngayon...

sinabing ayaw ko nang nalulungkot. pero bakit ganito ako ngayon?

Currently Listening to:
Gin Blossoms - As Long As It Matters (acoustic)

Starless...

Kung anong tuwa ko kanina ganon naman ang pagkalungkot ko ngayon...

Di ko na ata makikita yung meteor shower na nakaschedule dumaan ngayon at bukas...
Kanina ko pa sila inaantay kaso ewan wala na atang pagasang makasulyap kahit isa
Akala ko nakakita ako ng isa kanina pero akala lang talaga siya
sometimes the eye sees what your hearts want you to see.
siguro ganon na nga yun.

Pwede ko pa siyang makita bukas(mamaya)...
Kaso may rason kaya hindi pwede.
Hindi ko masabi, baka pagtawanan lang ako. wag na lang

Di ko alam magaantay ako ng 20 minutes pa.
Baka sakali...

Currently Listening to:
Rurouni Kenshin OST - Starless

Monday, December 13, 2004

Tsinelas...

Nakuha ko lang siya sa isang email na finorward...

Ang Tsinelas:

Tawagin mo na'kong corny, pero nung napanoodko yung pelikula nina Regine at Richard, eto langang nasabi ko: "WISH KO LANG."
Sabi sa pelikula, ang taong para talaga sa'yo (yung ryt one ika nga) ay para raw TSINELAS.
Di naman sinasabing mukhang goma o balat ang hanapin mo.
Ganito kasi yan...

Maraming uri ng sapatos ang nagkalat sapaligid - may school shoes, rubber shoes, boots, stilettos, sandals at kung anu-ano pa.
Iba't ibang style, iba-ibang dekorasyon. At syempre, iba-iba din ang presyo.
May mura, may mahal.
Ikaw, pag pumasok ka sa opisina, di ba isinusuot mo ang mamahalin mong black leather shoes (kung lalake ka) o yung high-heeled sandals mo (kung babae ka)?
Yun ang isinusuot mo dahil yun ang gusto mong ipambalandra at ipakita sa iba buong araw.
Pero at the end of the day, kapag pagod ka na sa maghapong trabaho, habang nasa biyahe ka na pauwi ng bahay ano ba'ng tatlong bagay ang ini-imagine mo'ng gawin?
1.) Magpahinga
2.)Kumain ng hapunan at
3.) Magbihisng damit-pambahay at magsuot ng tsinelas.
Tama, tsinelas!

Naisuot at naipagyabang mo na ang lahat ng magaganda at mamahalin mongsapatos.
At maaaring marami ka na ring napahanga dahil dito.
Pero sa bandang huli, kapag hindi mo na kailangang magbihis ng maganda, mag-pretend ng kahit na ano, nasa bahay na lang, walang make-up at ikaw ay ikaw na lang talaga, di ba't ang simpleng tsinelas parin ang hahanap-hanapin mo?
At wala ka nang pakialam kung may tatak man ito, mamahalin o may kung anu-anong burloloy. Basta ang alam mo,tsinelas ang gusto mo.

Sa buhay mo, marami kang makikilalang babae at lalake.
Maganda, Gwapo,Sexy (pang-FHM), Mayaman, Malakas ang dating,Hanep ang porma, lahat na. Pero sa bandang huli, pareho nating alam na hindi yun ang pinakamahalagang ingredient ng tunay na pagmamahal.
Kumportable ka ba sa taong 'to? Does he/she make you feel good about yourself?
May kakaiba bang 'warmth' na ibinibigay ang taong 'to, na parang nagsasabi sa'yong "you're home and safe at last?"
Does this person make you happy?
Tinatanggap ka ba niya kahit "pambahay" na lang ang hitsura mo?
Siya ba ang tipo ng taong alam mong makikinig kapag nire-report at ikinukwento mo na ang mganangyari sa'yo buong araw?

Think about it. I'd be a lying asshole kapag sinabi kong aesthetics do not count.
Pero ang puso, tumitibok yan sa mga di inaasahang pagkakataon.
And sometimes you wonder about it, and most of the time, you even deny it.
But deep down, you just know, and feel, that it's right.

Ito ay para sa mga taong nakahanap na, at naghahanap pa rin ng tsinelas nila.
Congratulations at Good Luck!
Nawa'y nakatulong ang obserbasyon kong ito,
salamat sa pagbabasa. Happy hunting!
(end of forwarded email...)

Right now hindi pa ako sigurado kung nahanap ko na yung tsinelas ko, pero uhm basta merong taong sa piling niya komportableng komportable ako... Siya yung tipong kapag sasagutin ko yung mga taong sa taas (Kumportable ka ba sa taong'to? Does he/she make you feel good about yourself? etc.) masasabi ko na oo. Yun bang alam ko na handa siyang makinig sa mga walang katuturang bagay na nangyari sa akin mula nang pagmulat ko nang mata at pagtanggal ng muta hanggang sa paghiga ko sa kama at paghanda sa pagtulog.

(Haha alam ko mababasa niya tong blog ko, pero wala na rin akong pakialam. Kung tutuusin masaya nga ako at mababasa niya. Siguro yung blog na to is a way para mas maipahayag ko yung mga emotions ko ahaha kaya ok lang, sabi nga niya sige carry lang naman...)

Salamat kay Ate Tin at naiforward niya sa akin ang email na yun. Kahit na medyo sabog sabog ang araw ko (napagtawanan ako sa english 12 kanina dahil nakatunganga ako, nakatingin sa labas, ha di lang nila alam na mas maganda yung mga ulap kaysa dun sa pinaguusapan nilang importance ng essays ahaha) nung nabasa ko ang email na iyon natuwa na ako. Masaya na ang araw...

By the way ang gandang basahin nung email habang tumutugtog yung first love na instrumental ahaha tadhana ata na masenti ako ngayong araw na to :)

Currently Listening to:
Utada Hikaru - First Love (Piano)

Saturday, December 11, 2004

House Building

First NSTP thingie today...

It was supposed to be just an orientation but then we worked. Just stood in a line and passed a bucket of cement. It was ok at first but it suddenly got heavy during the latter parts. Maybe I just got tired.

My hand is so dry. Maybe the cement has got to do something with it. A small amount also entered my fingernails, it's kinda lodged in there and I can't remove it since I just cut my nails earlier. Oh well

It's ok to build houses. At least it's not something that would benefit the families for a long term. It's not just a one shot deal thingie. But then Im not so sure about it also. I guess wala kasi yung parang hope for continuity or sumthin parang after this tapos na, nakagawa kami ng bahay, nakapasa kami ng nstp, tapos ano na? I dont know pero right now Im really searchin for ways para mas maging involved sa mga ganitong bagay. Para at least kahit lang sa sarili ko may silbi ang Nstp.

Knockout. In four rounds Manny Pacquiao showed how good he is.

ay onga pala salamat, I really appreciate everything na ginagawa mo for me. Mga puyatan sessioons, pagiging open sa isa't isa and everythin. Ahaha di ko lang napapakita sa iyo pero talagang inaapreciate ko yun

Currently Listening to:
Hyde - Careless Whisper

Friday, December 10, 2004

8 minutes...

Sa sobrang boredom habang inaantay ang bell sa ES naisulat ko ito... originally title niya 10 minutes kaso biglang naiba kasi mabagal pala ako magsulat...

8 minutes
Kung 8 minuto na lang ang natitira sa buhay mo ano ang iyong gagawin?
Iuupo mo na lang ba ito habang nakikinig sa iyong guro na nagsasalita ukol sa population
1 minuto na ang nakalipas at 7 minuto na lang
Bawat pagiisip na iyong ginagawa
umaandar ang orasan, hindi ka niya inaantay
6
onti na lang, ano na?
kilos na baka mahuli, tatagal ka pa ba sa pagupo?
5 minuto, finding nemo na ang usapan
Ang saya naman, mga malalansang isda ang huling usapan bago ka lumisan
4 na lang
Ngayon napadpad sa tae ang usapan,
ang saya ang baho nang huling sandali mo sa mundong ito...
3 minuto na lang
ngayon away at masisikip na lugar na ang binabanggit...
tapos sabay kabig ng mga terminong hindi mo maintindihan
takbo utak, gumana ka! Initindihin mo ang leksyon kahit na hindi ka nakikinig
Hindi nakikinig dahil sa pagsulat nito
Last 2 minutes ika nga sa basketball
Tinatanong na ang iyong mga katabi, ikaw na kaya ang susunod?
1 minuto na lang
malapit na, punasan ang iyong uhog at humanda sa pagtatapos...
sampung segundo
siyam, walo, pito, anim, lima, apat, tatlo, dalawa, isa...
Bell na.



Glacial Love
Currently Listening to:

D'Sound - People Are People

1/4 Day

Haha Went to school for 1 Subject only. If there is a half day then is this one-fourth day?

Used the new contacts I bought turns out one of them had a small tear. But I was too lazy to search for my glasses so I still put them on. Rarr hassle!!!

Only one class today, math after that free cut for fil. Good thing that I went to the library At least I was able to do an outline for my english paper.

Nba live 2005 again. I had this winning streak in the dynasty mode when suddenly Kobe Bryant gets injured damn! Oh well haha that's nba life.

Just chatting right now, just viewing the person's cam, just being happy...

Glacial Love
Currently Listening to:

Seiko Matsuda - Eternal Flame

Wednesday, December 08, 2004

Immaculate Concepcion

Woke up at around 11:00 already, hehe slept kinda late so I guess that's why...

Was up till 3 I guess, talking with someone on the fone. Haha Kulitan lang, Im really enjoying these kinds of conversations. The kind where you really don't have anything important to talk about, nothing to say really but you end up staying on the phone for hours... I dunno. Don't want to assume things or anything...

I guess I didn't really have that much self control. I went ahead and bought another Copy of Nba Live 2005. I haven't won a game yet damn! They practically removed the effectiveness of the pro hop so I had to change my playing style hehe.

Damn Nba live 2005, I wasn't able to do my english paper today aahaha...

Glacial Love
Currently Listening to:
Dance Dance Revolution - Dub I Dub

Tuesday, December 07, 2004

B+

Yeah! Astigidig I was able to get a 91/100 in my math test ahaha masaya na ako dun kahit 1 point na lang ang kulang at A na siya grr!!!
hehe

Thanks...

Glacial Love
Currently Listening to:

Tuesday Vargas - Babae Po Ako

Monday, December 06, 2004

Specs

The New Computer:

Processor: Intel Pentium 4 2.4 Prescott 533Mhz
Motherboard: Asus P4P800S-X 848PE 800MHZ/DDR400/AGP-8X/LAN?SATA
Hard Drive: Seagate 80GB SATA
Video Card: Sparkle GeForce FX5600(8X) 128MB, 128Bit TV-Out/DVI
Monitor: LG Collins 15" 500GK Black
Memory: Apacer 512 Mb PC 400 DDRAM
CD Drive: LG Collins 52/32/52/16 Combo (Black)
Floppy Drive: Mitsumi 1.44 (Black)
Modem: DLink Rockwell Conexant 56K
Casing : X-Blade 2755D Casing w/ Keyboard, Mouse

Glacial Love
Currently Listening to:
Final Fantasy X - Suteki Dane (Orchestra Version)

Sunday, December 05, 2004

New

Bought the new computer yesterday, sa sobrang tagal ng setup useless din kasi navirus kakahanap ng mga cracks nung mga programs hassle!!!

Buti na lang nandiyan si James para tulungan ako wahahah damn!

May namimiss akong tao kahit na kausap ko siya kanina hayy ewan

Glacial Love
Currently Listening to:

Ruff Endz - If I Was the One

Saturday, December 04, 2004

As Long As It Matters

Emotions...

Sa isang hindi ko talaga maipaliwanang na dahilan, nalungkot ako ng todo todo kaninang madaling araw. Siguro dahil sa posibilidad na iyun na ang aming huling paguusap. Na baka wala ng ibang pagkakataon upang maihayag ko yung mga damdamin ko, kaya ayun. Siguro nga nakahanap na rin ako ng katapat.

Dati hindi ako naniniwala sa mga "serendipity" stuff, kung tutuusin nacocornyhan ako sa mga ganon. Kaso ngayon ko lang talaga nahalata na hindi pala malayong mangyari yun. Na minsan talagang pagkakataon na ang nagpapalapit sa inyong mga kalooban. Mga pangyayari na sa una eh parang normal lang, mga bagay na hindi na dapat pansinin yun pala sila yung mga maliliit na bagay para magkalapit kayo... Ika nga ni David Pomeranz, "It's as if the powers of the universe conspired...." para magkakilala kami.

Lungkot. Na hindi kinakailangan nang romantic love upang malungkot sa pagalis ng isang kaibigan. Na minsan yung closeness ng dalawang tao kahit wala pang love ay sapat na rason upang ikaw ay malungkot.

Panahon. Na kahit pala sa loob ng isang linggo, maaring mabuo ang isang magandang relasyon sa isang tao. Na hindi kinakailangan ng pagkahabang habang panahon upang magkakilala kayo. Na ang kakulangan ng panahon, ay pwedeng maging "drive" upang mas maipahayag mo ang iyong damdamin.

Mata. Ang kakayahan ng mga mata upang magpahayag ng kanilang mga emosyon ay napakalaki. Kahit na hindi na magsalita, nakikita sa mata ang kalungkutan, kasiyahan at mga iba pang pakiramdam.Sabi nila nakikita sa mga mata kung gaano katotoo ang mga pinapahayag ng isang tao. Sabi nga "The eyes are the windows of the soul".

Ngiti. Hindi lahat ng ngiti masaya. Na merong mga ngiti na kapag tinignan mo ay lalo kang malulungkot.

Luha, Na hindi masama ang lumuha. Nakakatulong din pala ito para mas maintindihan mo ang iyong sarili. Tulad din naman ng ngiti, hindi lahat ng luha malungkot. Naintindihan ko rin na parang bawat patak ng luha ay lumilinis sa iyong damdamin. Parang hinuhugasan nila ang kalungkutan na naipon sa iyong puso...

Hindi ko inaasahang maintindihan ng lahat ng bumabasa nito ang aking mga sinulat. Kung tutuusin baka dalawa lang ang makakaintindi nito. Ako at Siya...

Salamat sa emosyon, ngayon alam kong buhay ako...

Currently Listening to:
Gin Blossoms - As Long as It matters (acoustic)

Friday, December 03, 2004

Senti...

Brownout yesterday, I wasn't able to blog before it happened so there hehe...

For some reason Im in a very sentimental mood today. I guess listening to "senti" mp3's all night affected me. Hehe All night since brownout and even if there was a storm it still felt very very hot ahaha.

Some lines from the songs I was listenin to...

Jennifer - If You Were Here
If you were here with me
you could feel the way I do now.
If you were here with me
you could see what I am looking for now.


Siam Shade - Tears I Cried
You take the tears I cried and lift me up to the bluer skies
Yes, you gave me hope and meaning to my life, I love you so
You never asked me why, just smiled and took all the tears I cried
Baby, now I know what love is and what I am living for...


Gin Blossoms - As Long as It Matters
I'll be all right
As long as it matters
As long as you're here with me now


Ntwine - I Hope It's You
Someone who feels for me
Who's constantly inlove with me
Someone who won't sat goodbye
Someone Who can change my life
I hope its you


Gundam X OST - Human Touch
When you find love in your heart
You can believe from the start
Dreams they come true
It all comes to you, oh all at once
if you believe in human touch


Goo Goo Dolls - Name
But you could hide beside me
Maybe for a while
And I won't tell no one your name


Bellefire - Can't Cry Hard Enough
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough for you to hear me now


X Japan - Tears
Loneliness Your Silent Whisper Fills A River of tears throught he night
Memory you never let me cry and you, you never said goodbye
Sometimes our tears blinded the love
we lost our dreams along the way
but I never thought you'd trade your soul to the fates
never thought you'd leave me alone

Time through the rain has set me free
Sands of time will keep your memory
Love everlasting fades away
alive within your beatless hear
dry your tears with love


Matagal tagal na rin akong hindi nakaramdam ng ganito...