Sabi nung nabasa ko kanina sa libro ko sa filipino 14 (ewan di ko na alam kung anong subject ang kinukuha ko) wag daw magsulat kapag walang gana. Hindi ko alam kung kasama sa tinutukoy niya ang mga blogs na tulad nito. Ngayon kasi ay wala akong ganang magsulat pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na ipagpatuloy ang aking pagtipa ng letra dito sa aking keyboard.
Wala akong maisip na isulat ngayon. Wala namang nangyaring kabanggit bangit ngayong araw. Maliban na lang siguro sa nangyari kaninang ES. Nasulat ko yung sagot na trophic levels dun sa quiz. Hehe ang galing dahil hindi ko naman siya nabasa dun sa handouts na pinakopya ko. Basta bigla na lang may kung anong hangin ang bumulong sa akin at nagpaandar sa kamay ko na nagsasabing isulat ko ay Trophic Level. Naalala ko ang isa pang bagay tungkol kanina. Kumuha na ako ng locker. Kinuha ko yung B 2118. Kabanggit-banggit siya dahil yun din yung locker ko nung nakaraang sem. Ewan ngayon ko lang naisip na hindi siya ganon kabanggit-banggit dahil pinapakita lang nito na simula pa lang nung unang sem., sobrang tamad ko nang nilalang kaya hindi ko man lang naikuha ang sarili ko ng locker sa 1st floor ng Berchman's.
Naasar ako sa sarili ko. Kung ibabase sa taas ang mga nagawa kong kabanggit banggit (pasensya na word for the day eh) wala man lang akong nagawang makabuluhang bagay. Naisip ko, may buhay bang umunlad dahil nasagot ko yung katanungang trophic levels? o kaya naman, aayos ba ang ekonomiya ng bansang Pilipinas dahil pareho ang locker ko ngayon at nung 1st sem? hayy nakakabobo talaga.
Kaninang Lit 14 (siyempre hindi nanaman ako sigurado kung 14 nga iyon) napagusapan namin ang salitang Satori o Sudden Enlightenment. Wala lang gusto ko lang siyang isulat kasi nung naalala ko yung satori naalala ko yung usapan namin nung isang araw tungkol sa Seize the Day at Enjoy the moment. Naisip ko, nagagawa ko nga ba ang pagseize (sabi ni sir yol mali daw ang pagsulat na paganyan) the day. Sapat na ba ang pagsagot, paglaro at pagtulog upang masabi ko na today, I seized the day?
Hindi ko alam kung anong patutunguhan nang sinusulat kong ito. Hanggang ngayon tumatakbo ang isip ko at tila ayaw niyang itigil ko ang pagpindot dito sa keyboard kong nanlilimahid sa dumi. Wala na talagang sense tong ginagawa ko, maraming "the quick brown fox jumped over the lazy dog" na ang aking tinype at binura. Hayy ewan ang sabog ko talaga.
Nakakalasing ba ang Zesto na Mango Flavored? Sa kagustuhan ko kasing maibigay ang foil pack na nandito sa bahay (para sa ES project) halos gawin ko ng tubig ko ang Zesto Mango Flavor. Kaya siguro weird ang takbo ng isipan ko ngayon.
Sabi nung the Company sa kantang "Muntik na kitang minahal":
Ngayon ay aaminin ko na.
Na sana nga ay tayong dalawa,
Bawa't tanong mo'y iniwasan ko, Akala ko'y pagibig mo'y hindi totoo.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, damdamin ko sayo'y hindi ko nasabi
hanggang sa puso mo'y napagod sa paghihintay kay tagal.
Saka ko lang naisip
Muntik na kitang minahal.
Wala lang sana lang wag munang mapagod ang puso niya (pero siyempre pinagpalagay ko na rin na inaantay niya ako ng matagal na panahon na :P) Masyado lang akong torpe kaya hindi kita malapitan at masabihan na mahal kita. At siyempre nandyan nanaman yung pagiisip kung mahal na nga ba talaga kita kasi baka naman isa lang talaga akong taong malibog at napagkakamalan ko nang pagmamahal ito. Ika nga sa librong nabasa ko "My love is just a sentimentalized expression of my lust". Nagiingat kasi ako na baka ganito lang yun.
Pagdating ko sa bahay, latang lata ako. Kaya pagkabihis, hilamos, at pagtanggal ng contact lens (not necessarily in that order) ay natulog ako. Ngayon matutulog na ako pagkatapos kong magbihis, magayos ng bag, magburn ng cd, maghilamos, magdasal (not necessarily in that order).
Glacial Love
Currently Listening to:
Sugarfree - Hari ng Sablay
No comments:
Post a Comment