Sarap matulog sa ganitong klase ng mga panahon. Wala lang pagkagising ko naisip ko ito bigla. Hindi siya tula, isa lang siyang sulat tungkol sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Ang sarap maramdaman ang lamig ng ihip ng hangin.
Tila sinasabing hala, magpahinga ka, ako ang bahala sa iyo.
Nakakawala ng mga problemang nagpatong patong.
Nakakaaliw ang pakiramdam na tila hinihimas ng lamig ang lahat ng sakit sa iyong katawan.
Pinapalamig, pinapagaan, pagkatapos pinapawala....
Ngunit hindi rin pala puro kagandahan ang madarama sa ganitong uri ng panahon.
Ngayon ko nahahalata ang aking pagiisa.
Sa mga panahong tulad nito, hindi maiiwasang sumagi sa aking isipan na ang sarap sigurong magkaroon ng kapareha na yayakap at tatabi sayo sa ganitong uri ng lamig.
Walang malisya.
Isang simpleng pagpapaalala na may kasama ka.
Isang yakap na magbibigay ng karampatang init na bumaabalanse sa lamig ng iyong paligid.
At ang lambot ng isa't isa na hindi makokopya ng kahit anong unan...
Glacial Love
Currently Listening to:
Yung patak nung ulan sa labas...
No comments:
Post a Comment