Tuesday, November 30, 2004

Himaton

Himaton
Ang salitang yan ang filipino para sa salitang ingles na clue...
Andami ko talaga natututunan sa Filipino no? (hehe)

Bakit Himaton? Bakit Clue? sa totoo lang hindi ko rin alam, basta bigla na lang pumasok sa isip ko na ito ang magiging pamagat ng blog ko.

Kahapon meron akong kaibigan (sa palagay ko magkaibigan naman kami kung may kokontra naman pakisabi na lang sa aking tagboard) na nakausap sa telepono. Sa paguusap namin kay raming bagay ang lumabas, mula national issues, sex (siyempre nandun ako sa usapan mawawala ba yun?) at siyempre ang walang kamatayan at laspag na laspag na pagmamahal at pagibig.

Kahit papano sa usapang iyon nagkaroon ako ng himaton (kaya naman pala naging pamagat ng blog ko ngayon) tungkol sa aking sariling (akin na nga, sarili pa) pagiisip. May mga bagay bagay akong natutunan tungkol sa paraan ng aking pagiisip. Mga bagay na sa palagay ko na hindi ko mailalalabas at maiintindihan kung hindi matino ang aking kaututang dila (sana lang tama ang paggamit ko ng salitang ito). Kaya salamat sa kanya.

Natutunan ko
...na minsan pala may mga bagay din akong nababanggit na may kabuluhan, na minsan hindi lang pala puro kabalastugan, kamanyakan at kung ano ano pang mga kaisipang walang katuturan ang nasa aking isipan (mas madalas lang talagang lumabas yung mga kaengotan ko).
...ang isang bahagi ng tingin ko sa pagibig. Kahit papano ay may kapirasong bagay akong natuklasan tungkol sa pananaw ko ng pagibig. Yung tipong wala ng ligawan, basta yun na yun, yung pagnakita mo siya at nakita ka niya alam niyo nang kayo ang para sa isa't isa...(oo, corny at tipong pangsine lang mangyayari pero malay mo?)
...na minsan ang inaakala mong pagtulong ay hindi pa pala sapat. Na minsan hindi pa pa sapat ang "Spirit of Volunteerism", ika nga nila, kung tutulong ko lahat lahatin mo na. At sana kung tutulong ka wag yong tipong band aid na pantapal lang sa sugat sana tahiin mo na ang sugat nang tuluyan nang maghilom ito.
...na bagamat ang kagandahan ang una kong napapansin sa isang babae, mas nakakainlove pala kapag yung babaeng chinta (siyempre di mawawala yan, blog ni Mico to eh) na may mga nasasabing may katuturan.
...na napakalakas ng impluwensiya ng friendster, mirc, sun cellular, landline at yahoo messenger sa buhay ko.
...na minsan nginignitian din ako ng Langit, na hindi lang pala puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Onting tingin lang pala sa kapaligiran ko at makikita ko na swerte pala ako.
...na hindi lahat ng tao makikitid ang utak.
...na kahit kikay minsan ok na din. (matagal ko nang alam to pero gusto ko lang ulitin).
...na kung papipiliin ako baka mas makasundo ko ata yung hindi kikay.
...na ang kagandahan ng babae (o tao for that matter) ay hindi nababase sa litrato sa display pic ng ym, sa boses sa voice chat o telepono, ngunit sa kanyang mga kaisipan.
...na ispesyal akong tao, na kahit papano may mga taong naglalaan ng oras para ako ay pansinin at kausapin.

Salamat.

Kasalukuyang Nakikinig Sa:
Stacie Orico - I Could Be The One

Kung inyong mapapansin wala na ang Glacial Love na link na karaniwang nasa taas ng kanta...
Napagisip isip ko kasi na siguro hindi ko na talaga makikita ang babaeng yun...
Siguro panahon na upang magpalit ng pahina, magsulat ng panibagong yugto ng aking buhay.
Maghanap ng bagong bagay na papansinin.
Isa na lang taos pusong pasasalamat sa babaeng yun
Na nagpakita sa akin kahit papano na may mga taong may kabaitan pa sa kanilang puso...

No comments: