Pagkatapos kay Bank B, ay sa isang new media arm ng isang sikat na kumpanya dyaan sa may Kamuning. Itago na lang natin siya sa pangalang Company G. Well eto naman ay dahil may dati akong blockmate na nagtratrabaho na sa kumpanyang eto at sinabi niya sa akin na may opening daw sa position na na Product Development officer. So ayun nagpunta ako, application, initial interview, at sa palagay ko eto na ang dream job ko... Lahat na halos ng hinahanap kong gawain, nandun na; ang trabaho tungkol sa websites, site design, site details and specifications, eh high school pa lang gawain ko na. Tapos magandang pangalan pa yung company, medyo big shot, and finaly malapit pa sa bahay! kontra sa takbo ng traffic na papuntang makati! So ayun sumunod ang interview with the VP. Sinagot ko ang tanong niya ng maayos, sa palagay ko lahat ng sinabi ko ay malinis at tugma sa mga hinihingi niya at at at ang ending eh we'll call you in a week after we finish all our interviews ang sinabi. (parang narinig ko na ata to dati). So dahil dito eh medyo pinause ko ang application ko sa lahat ng kumpanya. Dream Job eh tapos sa palagay ko pa ang ganda ng sagot ko at pasado naman ang credentials ko. Kaso ayun lumipas nanaman ang panahon, at tila nasira ang calendars sa office ng company G.
So nung medyo napaghahalata ko na na walang patutunguhan ang Company G, eh nag apply na muli ako. Isa sa mga una kong naapplyan sa Jobstreet ay ang positiong marketing assistant sa isang restauarnt chain na itatago natin sa pangalang C.G, Sa. C.G ang interview at testing ay dun sa isang branch nila sa may ortigas. So syempre pumunta ako, nag test, at nag interview, tapos tinawagan ako ng kinagibahan sabi mag final interview ka dyan sa may cubao. Aba wow jackpot! dito sa may cubao! Kaso ang ending eh napunta sa ibang tao ang posisyon. So wala pa rin... pero maganda rin ang pagkasabi nung GM nila. Sabi niya sa akin ayaw daw niya ng atenista, kasi naniniwala sya na may "yabang" (hindi mayabang, hindi negative to) sa atenista. Yun bang tipong syempre pag may nag offer na multi-national company sayo ng mas malaki sa kaya nilang ibigay, kahit papano maiisip mo yung education na natanggap mo sa isang prestihiyosong paaralan ay tama lang na bigyan ng magarang sweldo. Atenista rin daw kasi yung GM nila hehe.
So ayan medyo 5 months from graduation eh wala pa rin akong trabaho. Tapos surpise surprise tumawag ulit si Bank B. Isa nanaman daw test at interview, sabi ko actually po nakapag test na ako at nakapaginterview, nakagawa na nga po ako nung app form. Kaso nawala na raw nila yung files ko so take na lang ulit at interview na alng ulit. Ayun naipasa ko naman, kaso hindi na sila muling tumawag pa ahaha
Tapos eto na, tumawag na ang LWS media. Sobrang tagal na nito, jobfair pa lang ata sa ateneo, eh nagpasa na ako ng application form dito. Hindi dahil sa gusto ko sya, pero dahil trip ko lang gawing brochure sa restaurant ang resume ko. Nakakaaliw, dahil kung iisipin ang dahilan ng pagkapasok ko sa LWS media ay ang mismong blog na to. Sabi sa akin nung boses sa telepono (si Ms. Arlene ata yun) it says here that you rate yourself a 9 in blogging... Kaya ko lang naman nilagay yun dahil naniniwala ako sa kakayahan ko sa pagsulat ng blogs. Ang solitary cross na tipong high school pa lang ako eh nandun na, tapos ang multiply pang ito... Pero hindi kasi kaagad natapos ang job hunt ko sa tawag na yun. Pumunta pa ako sa opisina nila para magtest (dahil si Ms. Arlene hindi nagemail!! nung test na pwede naman palang gawin sa bahay) tapos may interview dapat kaso hindi ko nasipot. May nangyari kasi so nagtext na lang ako kay Ms. A at sinabing, sorry po, emergency lang.
Kinabukasan ng pangyayaring yun sa LWS ay pumunta naman ako sa Company SY, Isang telephony company dyan sa may makati. Ok naman ang interview, at sa palagay ko naman nasagot ko ng tama yung personality test (hindi pa ata ako baliw). Kaso ayun medyo hindi na rin umaandar ang calendars nila dahil yung sabing we'll call you in one or two weeks ay medyo hindi pa rin dumarating!
So pagkalipas ng ilang oras, tumawag naman ang company na gumagawa ng sabon at shampoo at pamahid sa kili-kili (medyo mahirap syang gawan ng pantagong pangalan dahil isang letter pa lang alam mo na). So ayun nag test ako sa opisina nila sa makati. Test tapos antay ng tawag as usual, pero bago pa man din sila makatawag ay...
Inunahan na sila ng kakulitan ni Ms. Arlene ng LWS Media. Tumawag syang muli at sinabing magtest ako. Eh nakapagtest na ako, so interview na alng daw ang kulang. So ayun nung lunes september 22, 2008 eh ininterview ako ni Ma'm Kristine, ang HR director nila, at kinabukasan din, isa na akong writer para sa LWS Media.
March 31,2008 hanggang September 23,2008 eh unemployed ako.
Mahabang panahon rin kung tutuusin. Maaring sabihing nasayang na panahon pero kapag tinitignan ko ang paligid ko, pag kinakausap ko ang mga kaopisina ko ngayon, at tinatanaw ang nakaraan, naiisip ko na marami akong natutunan dahil sa mahabang panahon na yun at naiisip ko rin na kung hindi ko tinahak ang mahabang daan na yun, ay hindi ako mapapadpad sa kung nasaan ako ngayon.
No comments:
Post a Comment