Sunday, October 12, 2008

The End Is the Beginning Is the End

Wednesday, July 16, 2008

Yan na ang huling araw na nag lagay ako ng kung ano mang post dito. Nakakaaliw dahil Marso pa lang ata matagal ko nang ginustong magsulat tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero wala masyadong gana dahil abala ako sa pagiging unemployed.

Maraming beses ko nang inisip na sige magsusulat ako. Kaso pumusta ako sa sarili ko, sabi ko magsusulat ako kapag nakahanap na ako ng trabaho. Eh ayun malay ko bang aabutin ako ng halos 7 buwan bago man lang ako makahanap ng trabaho. Kaya ngayon gusto kong balikan ang lahat ng kaya kong alalahanin mula sa mga lumipas na buwan.



Uunahin ko na dun sa bago kong laruan. Nung nakatapos ako ng college, binigyan ako ng tito ko ng isang bagay na matagal ko nang inaasam asam, isang DSLR. Sabi ko dati sa sarili ko,  wala man akong skill dito sa photography, pag meron ako nito, feeling ko gagaling ako. Ayun nabigyan nga, meron na akong Canon Rebel XT (350d sa mga ayaw sa north american branding, pwede ring Canon Kiss N kung japan ang trip mo)

Eto sya:


Canon 350D + 18-55mm Kit Lens and 50mm/f2.8 lens.

Gusto kong isiping tama ako. Naniniwala ako na gumaling nga ako. Pero sa palagay ko hindi ito dahil sa nabigyan ako ng magandang camera, pero dahil sa nagkaroon ako ng panibagong interes sa Photography. Ang pagresearch, pag hanap ng mga tutorials ay nagsimula dahil sa kagustuhang magamit ko ang regalo ng tito ko sa kanyang pinakaibuturang kakayahan (to its full potential).

Marami na rin akong mga kuha na talagang nagustuhan ko (click to enlarge)





Mula sa masayang laruan, e dun naman tayo sa medyo malungkot na parte ng buhay ko. Nung magtapos ako ng kolehiyo, kaagad akong naghanap ng trabaho. Hindi naman dahil sa workaholic ako, pero medyo di ko lang gusto ng nabuburo sa bahay. Wala na kasing allowance na pwedeng ipunin, kaya wala ng masyadong pang gimik. Kaso gaya nga ng nabanggit kanina medyo natagalan ang application ko. Madalas tuloy Iniisip ko kung malas lang ba ako, o talagang tanga sa pag apply.

Ang pinakauna kong application na naprocess ay sa company na itatago natin sa pangalang A. Ang A ay isang IT outsourcing company dito sa may cubao at meron din sa may pioneer. Kung di ako nagkakamali, nagaaral pa nga ako nung mga panahong nagtest ako dun. Nung interview-han/ hiring na, medyo napaatras ako. Hindi naman sa mukha akong pera o anu-man pero medyo hindi kasi malaki yung offer, tapos hindi pa ako dun ipwepwesto sa building sa tapat namin. So napatanggi ako. Ayos lang naman dahil ang travel ko lang naman ay mga 5 minutes mula opisina kung saan ako ininterview hanggang bahay ko.

Pagkatapos ay sa isang advertising company sa may Timog na itatago natin sa pangalang D.A.  Sa jobstreet ko ata napulot ang application dito at Production Coordinator ang position. First interview ko ata talaga to kung tutuusin, medyo di ko kasi tinuturing na matinong interview yung A haha (parang feel ko eh damay lang ako ng mass hiring needs nila). Sinamahan ako ng ninang ko hanggang opisina nila at ayun na. Okay pa naman daw ang credentials ko, Okay rin ang sagot ko, maliban sa isa! May tinanong sa akin na hindi ko nasagot ng tama, at medyo kinabahan ako at wala nag panic at ayun basura na ang application. Doon ko na rin unang narinig ang napakasayang We'll call you in a week. Siguro nasira ang kalendaryo nila dahil hindi pa sila tumatawag hanggang ngayon.

Sumunod naman dito ay ang company I. Isang BPO sa eastwood. Nagwalk in test ako kasama ang kaibigan ko, at awa ng diyos naipasa ko naman. Nainterview na rin ako nung HR ,at endorsed para interviehin ng bigwigs. At nainterview na nga ako ng mga bossing, tapos tapos tapos biglang nagiba ang ihip ng hangin. Ang inoffer na position eh something about E-learning kaso ang oras eh yung tipong gising ka pag tulog na ang lahat.Sa loob loob ko medyo maaga pa naman ang taon, medyo fresh na fresh graduate pa ako, kaya ko pa sigurong maghanap ng iba.

Sumunod dito ay ang company AP, isang "advertising firm" sa Makati. Ang AP ay isang company na inapplyan ko mula sa Jobsdb.com. Ang position daw marketing trainee, Aba yan na ang position na palagay ko bagay sa akin, lalo na't management graduate ako. Noong araw ng interview, ang mga kasama ko mga big shots din, may summa cum laude pa nga from UP, siyempre naging proud ako. Sabi ko sa sarili ko wow nashort list ako kasama niya! Tapos ayun na dumating ang interviewer. At ang masasabi ko lang ay WOW. Medyo hot sya, yung tipong iisipin mo na kahit anong ipagawa sayo nito gagawin mo, ng Yes Ma'm! opo ma'm, ngayon na po! Hindi lang ako ang nakapansin nito, kahit yung mga babae kong kasama (ako lang yung lalake na ininterview nung batch na yun, group interview kasi) sabi super ganda niya. So ayun natapos ang group interview at nagschedule na ng 2nd interview na individual + filed work na para makita kung gusto mo ang gawain. Nung maghihiwalay na kami sa grupo eh napagdesisyonan naming hingin ang numero ng isa't isa, para wala lang para friends kami. Eh nagkataon ang isa sa mga kagroup ko eh naschedule ng mas maaga. so tinanong ko kung kamusta, at yun nalaman ko kung ano ang advertising na gagawin. Ang advertising pala ay tinatawag na human commercial. Lalapit ka sa mga tao sa mall at magaadvertise! wow Marketing trainee nga! Good luck naman sa akin. Kaya nung oras ko na para sa second interview eh wala napa cancel na ako. Napagtanto ko na kahit anong hot pala nung boss ko eh may mga bagay pa rin akong tatangihan.

Ang sumunod naman ay isang bangko na itago natin sa pangalang B. Si bank B ay dun din sa makati at katabi nya ang building kung san nakalagay ang opisina ng AP Company. Ang position naman dito ay marketing assistant/trainee. Sa una may preliminary interview tapos second interview tapos ganon din may test, tapos kung naipasa mo eh dun ka na bibigyan ng application form. Eh ang kaso second interview pa lang, sabi na sa akin nung Cute na HR person na itatago natin sa pangalang Kisses, nako sarado na yung position na gusto mo, so magtest ka na lang kasi sayang din nandito ka na. So ayun nagtest ako kahit medyo sa isip ko walang patutunguhan. Pero hindi tumawag sila after a few days at ang sabi punta ka dito sa Quezon City business center, dito sa isang branch namin may magiinterview raw sa akin. At syempre pumunta ako, aba akalain mo yun ang naginterview sa akin eh yun atang branch manager or something (basta feel ko mataas ang position niya) tapos ang ending eh iba raw ang marketing qualifications na hinahanap nila. Hindi sila into graphics/ideas/multi-media advertising  ang gusto raw nila eh yung taga draft ng letters. Sabihin ko man na kaya ko rin yun (at sa palagay ko ay kaya ko rin) eh hindi na rin eepekto, dahil nung interview eh halos ipinagdikdikan ko na marunong ako gumawa ng ads :P At yun tama nga dahil narinig ko rin ang we'll call you in a week at tulad ng sa D.A. company dun sa timog (there's something about Q.C ah) eh nastuck din ang Kalendaryo nila. 

(itutuloy)

Ayan ang mga misadventures ko sa application so far. Meron pang iba, pero para makahinga naman ang aking mga mambabasa, eh sa next edition ko na ilalagay yun. Sa totoo lang naexcite ako na magblog ulit. Kahit title niyan pinagisipan ko talaga ng todo todo. Title yan ng kanta ng Smashing Pumpkins para dun sa soundtrack ng Batman and Robin ata yun. Naisip ko lang kasi lahat ng panimula, ay pagtatapos nga naman ng isang panimula. Siguro mas magiging malinaw to sa susunod na post.


No comments: