October 13,2008
I havent felt like this in a long time. The funny thing is, I'm not sure if I'm supposed to be feeling this way. To be more precise about it, I'm not sure if i have a right to be this hurt? or this diasspointed . Feeling this way actually makes me think about you and me. It makes me wonder about what you mean to me and what I mean to you.
I had always wondered how we would start acting when we see each other. Perhaps deep inside me, those childhood, well immaturities (your term not mine) still linger. Yes I understand that it had been awhile, that we had gone our separate ways, found new people to enthrall and amuse us, but given this time, and situation, a time where you and I are drifters again, where you and I talk again, that immaturity once again comes out from that depth...
Deep inside me there was this feeling that meeting you would be the spark that lights something. What that something is, I myself don't know. Romance, love, a deeper sense of friendship, again I have no idea. But I had always wanted to find out.
Find out what I felt for you, and you for me. As for now I think all that I can say is that I liked you, Yeah I really really liked you. At the very least, I liked you enough to hope.
To hope, yes but to hope for what? Is it simply meeting you? Is it simply wishing that those promises we made be fulfilled? Sitting here in front of the computer at this hour while thinking about it is quite amusing actually. It reminds me of those immature days (again your words) when we basically spent hours in the same set up, just talking to each other. Believing that these chats, messages and late night conversations are merely steps to something better.
Little did we know that even after 5 years these would still be the only steps we have. It is frustrating and amusing at the same time. Frustrating for obvious reasons, but amusing because even after all these years, I never let go, perhaps you never did too. After 5 years, both of us still believe in immature promises.
I wrote this last night actually. I was in that certain moment when you wanted to feel sad, bad or really emotional. Writing to to find that feeling of "catharsis" afterwhat happened. I'm not mad or sad anymore. Writing this really helped release all those pent up emotions inside. I don't know (and to a certain extent, care) if she reads this or not, Just laying it out in words was enough to make me realize some things as well as make me feel better.
Monday, October 13, 2008
Every New Beginning Comes from some other beginning's end
So continuation to ng aking misadventures...
Pagkatapos kay Bank B, ay sa isang new media arm ng isang sikat na kumpanya dyaan sa may Kamuning. Itago na lang natin siya sa pangalang Company G. Well eto naman ay dahil may dati akong blockmate na nagtratrabaho na sa kumpanyang eto at sinabi niya sa akin na may opening daw sa position na na Product Development officer. So ayun nagpunta ako, application, initial interview, at sa palagay ko eto na ang dream job ko... Lahat na halos ng hinahanap kong gawain, nandun na; ang trabaho tungkol sa websites, site design, site details and specifications, eh high school pa lang gawain ko na. Tapos magandang pangalan pa yung company, medyo big shot, and finaly malapit pa sa bahay! kontra sa takbo ng traffic na papuntang makati! So ayun sumunod ang interview with the VP. Sinagot ko ang tanong niya ng maayos, sa palagay ko lahat ng sinabi ko ay malinis at tugma sa mga hinihingi niya at at at ang ending eh we'll call you in a week after we finish all our interviews ang sinabi. (parang narinig ko na ata to dati). So dahil dito eh medyo pinause ko ang application ko sa lahat ng kumpanya. Dream Job eh tapos sa palagay ko pa ang ganda ng sagot ko at pasado naman ang credentials ko. Kaso ayun lumipas nanaman ang panahon, at tila nasira ang calendars sa office ng company G.
So nung medyo napaghahalata ko na na walang patutunguhan ang Company G, eh nag apply na muli ako. Isa sa mga una kong naapplyan sa Jobstreet ay ang positiong marketing assistant sa isang restauarnt chain na itatago natin sa pangalang C.G, Sa. C.G ang interview at testing ay dun sa isang branch nila sa may ortigas. So syempre pumunta ako, nag test, at nag interview, tapos tinawagan ako ng kinagibahan sabi mag final interview ka dyan sa may cubao. Aba wow jackpot! dito sa may cubao! Kaso ang ending eh napunta sa ibang tao ang posisyon. So wala pa rin... pero maganda rin ang pagkasabi nung GM nila. Sabi niya sa akin ayaw daw niya ng atenista, kasi naniniwala sya na may "yabang" (hindi mayabang, hindi negative to) sa atenista. Yun bang tipong syempre pag may nag offer na multi-national company sayo ng mas malaki sa kaya nilang ibigay, kahit papano maiisip mo yung education na natanggap mo sa isang prestihiyosong paaralan ay tama lang na bigyan ng magarang sweldo. Atenista rin daw kasi yung GM nila hehe.
So ayan medyo 5 months from graduation eh wala pa rin akong trabaho. Tapos surpise surprise tumawag ulit si Bank B. Isa nanaman daw test at interview, sabi ko actually po nakapag test na ako at nakapaginterview, nakagawa na nga po ako nung app form. Kaso nawala na raw nila yung files ko so take na lang ulit at interview na alng ulit. Ayun naipasa ko naman, kaso hindi na sila muling tumawag pa ahaha
Tapos eto na, tumawag na ang LWS media. Sobrang tagal na nito, jobfair pa lang ata sa ateneo, eh nagpasa na ako ng application form dito. Hindi dahil sa gusto ko sya, pero dahil trip ko lang gawing brochure sa restaurant ang resume ko. Nakakaaliw, dahil kung iisipin ang dahilan ng pagkapasok ko sa LWS media ay ang mismong blog na to. Sabi sa akin nung boses sa telepono (si Ms. Arlene ata yun) it says here that you rate yourself a 9 in blogging... Kaya ko lang naman nilagay yun dahil naniniwala ako sa kakayahan ko sa pagsulat ng blogs. Ang solitary cross na tipong high school pa lang ako eh nandun na, tapos ang multiply pang ito... Pero hindi kasi kaagad natapos ang job hunt ko sa tawag na yun. Pumunta pa ako sa opisina nila para magtest (dahil si Ms. Arlene hindi nagemail!! nung test na pwede naman palang gawin sa bahay) tapos may interview dapat kaso hindi ko nasipot. May nangyari kasi so nagtext na lang ako kay Ms. A at sinabing, sorry po, emergency lang.
Kinabukasan ng pangyayaring yun sa LWS ay pumunta naman ako sa Company SY, Isang telephony company dyan sa may makati. Ok naman ang interview, at sa palagay ko naman nasagot ko ng tama yung personality test (hindi pa ata ako baliw). Kaso ayun medyo hindi na rin umaandar ang calendars nila dahil yung sabing we'll call you in one or two weeks ay medyo hindi pa rin dumarating!
So pagkalipas ng ilang oras, tumawag naman ang company na gumagawa ng sabon at shampoo at pamahid sa kili-kili (medyo mahirap syang gawan ng pantagong pangalan dahil isang letter pa lang alam mo na). So ayun nag test ako sa opisina nila sa makati. Test tapos antay ng tawag as usual, pero bago pa man din sila makatawag ay...
Inunahan na sila ng kakulitan ni Ms. Arlene ng LWS Media. Tumawag syang muli at sinabing magtest ako. Eh nakapagtest na ako, so interview na alng daw ang kulang. So ayun nung lunes september 22, 2008 eh ininterview ako ni Ma'm Kristine, ang HR director nila, at kinabukasan din, isa na akong writer para sa LWS Media.
March 31,2008 hanggang September 23,2008 eh unemployed ako.
Mahabang panahon rin kung tutuusin. Maaring sabihing nasayang na panahon pero kapag tinitignan ko ang paligid ko, pag kinakausap ko ang mga kaopisina ko ngayon, at tinatanaw ang nakaraan, naiisip ko na marami akong natutunan dahil sa mahabang panahon na yun at naiisip ko rin na kung hindi ko tinahak ang mahabang daan na yun, ay hindi ako mapapadpad sa kung nasaan ako ngayon.
Sunday, October 12, 2008
The End Is the Beginning Is the End
Wednesday, July 16, 2008
Uunahin ko na dun sa bago kong laruan. Nung nakatapos ako ng college, binigyan ako ng tito ko ng isang bagay na matagal ko nang inaasam asam, isang DSLR. Sabi ko dati sa sarili ko, wala man akong skill dito sa photography, pag meron ako nito, feeling ko gagaling ako. Ayun nabigyan nga, meron na akong Canon Rebel XT (350d sa mga ayaw sa north american branding, pwede ring Canon Kiss N kung japan ang trip mo)
Yan na ang huling araw na nag lagay ako ng kung ano mang post dito. Nakakaaliw dahil Marso pa lang ata matagal ko nang ginustong magsulat tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero wala masyadong gana dahil abala ako sa pagiging unemployed.
Maraming beses ko nang inisip na sige magsusulat ako. Kaso pumusta ako sa sarili ko, sabi ko magsusulat ako kapag nakahanap na ako ng trabaho. Eh ayun malay ko bang aabutin ako ng halos 7 buwan bago man lang ako makahanap ng trabaho. Kaya ngayon gusto kong balikan ang lahat ng kaya kong alalahanin mula sa mga lumipas na buwan.
Uunahin ko na dun sa bago kong laruan. Nung nakatapos ako ng college, binigyan ako ng tito ko ng isang bagay na matagal ko nang inaasam asam, isang DSLR. Sabi ko dati sa sarili ko, wala man akong skill dito sa photography, pag meron ako nito, feeling ko gagaling ako. Ayun nabigyan nga, meron na akong Canon Rebel XT (350d sa mga ayaw sa north american branding, pwede ring Canon Kiss N kung japan ang trip mo)
Eto sya:
Canon 350D + 18-55mm Kit Lens and 50mm/f2.8 lens.
Gusto kong isiping tama ako. Naniniwala ako na gumaling nga ako. Pero sa palagay ko hindi ito dahil sa nabigyan ako ng magandang camera, pero dahil sa nagkaroon ako ng panibagong interes sa Photography. Ang pagresearch, pag hanap ng mga tutorials ay nagsimula dahil sa kagustuhang magamit ko ang regalo ng tito ko sa kanyang pinakaibuturang kakayahan (to its full potential).
Marami na rin akong mga kuha na talagang nagustuhan ko (click to enlarge)
Mula sa masayang laruan, e dun naman tayo sa medyo malungkot na parte ng buhay ko. Nung magtapos ako ng kolehiyo, kaagad akong naghanap ng trabaho. Hindi naman dahil sa workaholic ako, pero medyo di ko lang gusto ng nabuburo sa bahay. Wala na kasing allowance na pwedeng ipunin, kaya wala ng masyadong pang gimik. Kaso gaya nga ng nabanggit kanina medyo natagalan ang application ko. Madalas tuloy Iniisip ko kung malas lang ba ako, o talagang tanga sa pag apply.
Ang pinakauna kong application na naprocess ay sa company na itatago natin sa pangalang A. Ang A ay isang IT outsourcing company dito sa may cubao at meron din sa may pioneer. Kung di ako nagkakamali, nagaaral pa nga ako nung mga panahong nagtest ako dun. Nung interview-han/ hiring na, medyo napaatras ako. Hindi naman sa mukha akong pera o anu-man pero medyo hindi kasi malaki yung offer, tapos hindi pa ako dun ipwepwesto sa building sa tapat namin. So napatanggi ako. Ayos lang naman dahil ang travel ko lang naman ay mga 5 minutes mula opisina kung saan ako ininterview hanggang bahay ko.
Pagkatapos ay sa isang advertising company sa may Timog na itatago natin sa pangalang D.A. Sa jobstreet ko ata napulot ang application dito at Production Coordinator ang position. First interview ko ata talaga to kung tutuusin, medyo di ko kasi tinuturing na matinong interview yung A haha (parang feel ko eh damay lang ako ng mass hiring needs nila). Sinamahan ako ng ninang ko hanggang opisina nila at ayun na. Okay pa naman daw ang credentials ko, Okay rin ang sagot ko, maliban sa isa! May tinanong sa akin na hindi ko nasagot ng tama, at medyo kinabahan ako at wala nag panic at ayun basura na ang application. Doon ko na rin unang narinig ang napakasayang We'll call you in a week. Siguro nasira ang kalendaryo nila dahil hindi pa sila tumatawag hanggang ngayon.
Sumunod naman dito ay ang company I. Isang BPO sa eastwood. Nagwalk in test ako kasama ang kaibigan ko, at awa ng diyos naipasa ko naman. Nainterview na rin ako nung HR ,at endorsed para interviehin ng bigwigs. At nainterview na nga ako ng mga bossing, tapos tapos tapos biglang nagiba ang ihip ng hangin. Ang inoffer na position eh something about E-learning kaso ang oras eh yung tipong gising ka pag tulog na ang lahat.Sa loob loob ko medyo maaga pa naman ang taon, medyo fresh na fresh graduate pa ako, kaya ko pa sigurong maghanap ng iba.
Sumunod dito ay ang company AP, isang "advertising firm" sa Makati. Ang AP ay isang company na inapplyan ko mula sa Jobsdb.com. Ang position daw marketing trainee, Aba yan na ang position na palagay ko bagay sa akin, lalo na't management graduate ako. Noong araw ng interview, ang mga kasama ko mga big shots din, may summa cum laude pa nga from UP, siyempre naging proud ako. Sabi ko sa sarili ko wow nashort list ako kasama niya! Tapos ayun na dumating ang interviewer. At ang masasabi ko lang ay WOW. Medyo hot sya, yung tipong iisipin mo na kahit anong ipagawa sayo nito gagawin mo, ng Yes Ma'm! opo ma'm, ngayon na po! Hindi lang ako ang nakapansin nito, kahit yung mga babae kong kasama (ako lang yung lalake na ininterview nung batch na yun, group interview kasi) sabi super ganda niya. So ayun natapos ang group interview at nagschedule na ng 2nd interview na individual + filed work na para makita kung gusto mo ang gawain. Nung maghihiwalay na kami sa grupo eh napagdesisyonan naming hingin ang numero ng isa't isa, para wala lang para friends kami. Eh nagkataon ang isa sa mga kagroup ko eh naschedule ng mas maaga. so tinanong ko kung kamusta, at yun nalaman ko kung ano ang advertising na gagawin. Ang advertising pala ay tinatawag na human commercial. Lalapit ka sa mga tao sa mall at magaadvertise! wow Marketing trainee nga! Good luck naman sa akin. Kaya nung oras ko na para sa second interview eh wala napa cancel na ako. Napagtanto ko na kahit anong hot pala nung boss ko eh may mga bagay pa rin akong tatangihan.
Ang sumunod naman ay isang bangko na itago natin sa pangalang B. Si bank B ay dun din sa makati at katabi nya ang building kung san nakalagay ang opisina ng AP Company. Ang position naman dito ay marketing assistant/trainee. Sa una may preliminary interview tapos second interview tapos ganon din may test, tapos kung naipasa mo eh dun ka na bibigyan ng application form. Eh ang kaso second interview pa lang, sabi na sa akin nung Cute na HR person na itatago natin sa pangalang Kisses, nako sarado na yung position na gusto mo, so magtest ka na lang kasi sayang din nandito ka na. So ayun nagtest ako kahit medyo sa isip ko walang patutunguhan. Pero hindi tumawag sila after a few days at ang sabi punta ka dito sa Quezon City business center, dito sa isang branch namin may magiinterview raw sa akin. At syempre pumunta ako, aba akalain mo yun ang naginterview sa akin eh yun atang branch manager or something (basta feel ko mataas ang position niya) tapos ang ending eh iba raw ang marketing qualifications na hinahanap nila. Hindi sila into graphics/ideas/multi-media advertising ang gusto raw nila eh yung taga draft ng letters. Sabihin ko man na kaya ko rin yun (at sa palagay ko ay kaya ko rin) eh hindi na rin eepekto, dahil nung interview eh halos ipinagdikdikan ko na marunong ako gumawa ng ads :P At yun tama nga dahil narinig ko rin ang we'll call you in a week at tulad ng sa D.A. company dun sa timog (there's something about Q.C ah) eh nastuck din ang Kalendaryo nila.
(itutuloy)
Ayan ang mga misadventures ko sa application so far. Meron pang iba, pero para makahinga naman ang aking mga mambabasa, eh sa next edition ko na ilalagay yun. Sa totoo lang naexcite ako na magblog ulit. Kahit title niyan pinagisipan ko talaga ng todo todo. Title yan ng kanta ng Smashing Pumpkins para dun sa soundtrack ng Batman and Robin ata yun. Naisip ko lang kasi lahat ng panimula, ay pagtatapos nga naman ng isang panimula. Siguro mas magiging malinaw to sa susunod na post.
Subscribe to:
Posts (Atom)