Kanina ay ipinagdiwang namin ang aming ika labin tatlong buwan ng pagiging magkasintahan. Pinuntahan ko siya sa kanyang paaralan at inantay ko na matapos ang kanyang klase.
Nang matapos ang klase niya, sumakay kami ng Jeep papuntang SM north at pagkatapos naman ay bumili muna ng maiinom, at makakain sa bus papuntang Valenzuela.
Naisip naming bumili na lamang sa DECS (di ako sigurado kung ganyan nga ang spelling nung shop) Binilhan ko siya ng Soya Milk, habang ang akin naman ay ang Orange and Calmansi Juice . Sa Auntie Anne's naman ay binilhan naman niya ako ng Sour Cream and Onion Pretzel habang ang kanya naman ay ang Cinnamon, sinamahan pa niya ito ng Cream cheese dip.
Nang kami ay nasa bus na papuntang valenzuela, natuwa ako sa aming paraaan ng pagcecelbrate. Isang romantic dinner. Oo, romantic dinner sa bus, na ang pagkain ay auntie annes at ang inumin ay galing decs. oo totoong hindi pang karaniwan ang lugar nito at kahit ang aming kinain ngunit maipagmamalaki ko na ang masayang damdaming nararamdaman habang kami ay nagsalo sa loob ng bus na iyon ay kasing tindi o baka mas higit pa sa kung kumain man kami sa anumang fancy restaurant.
Marahil pinapakita lang nang pangyayari na nasa tao naman talaga ang pagiging sweet o romantic ng isang pangyayari. Hindi kinakailangang umalinsunod sa mga kung ano man ang takda ng kung sinuman ukol sa kung ano ang nararapat upang maging maligaya ang magkasintahan. Basta nandun ang pakiramdam na mahal namin ang isa't isa, magiging masaya ang kahit ano pang gawin namin.
Muli, Happy "monthsary" ΓΌ
Currently Listening to:
Depeche Mode - Somebody
Wednesday, January 25, 2006
Sunday, January 22, 2006
Sa ilalim ng langit...
Noong biyernes, pinuntahan ko siya sa kanyang paaralan, pinapapunta ako ng CAL kaso dahil hindi ako sanay sa pasikut-sikot ng kanyang unibersidad ay medyo naligaw ako hehe. Kaya pinuntahan niya ako at magkasama kaming nagbible study kasama nang ilang mga kaklase niya sa english. Napagusapan namin ang family, at isa sa mga kaugnay dito ay ang love...
Nasabi ko na ahh Love, oo, ang love ay acceptance, dahil handa kang tanggapin ang lahat lahat ng mga kabutihan at kasamaan ng taong iyong minamahal. Hindi ka mandidiri, mahihirapan o masasaktan sa kahit ano mang gawin niya dahil mahal mo siya, at dahil mahal mo siya ay tanggap mo ang lahat ng mga bagay tungkol sa kanya. Sabi ko nga, kahit na iniiwan ka na, hinahawi man o ipinagtutulakan ay hindi mo iindahin, dahil nga mahal mo siya... (simply put: Yes, my readers, I believe in the idea that Love is acceptance)
Kumain kami ng sabay sa CASAA, nilibre niya ako ng sisig (with egg pa yun ah) , masarap yung sisig, pero mas masarap yung pakiramdam na kasama ko siyang kumakain :)
Nagtingin tingin din kami ng mga libro doon sa may isang walkway (uhm palasensya na muli yatang lumilitaw ang di ko pagkasanay sa pasikot sikot ng unibersidad), kaunting tingin na mapapadpad sa kaunting basa at kaunting tampo na mapapalitan ng ngiti :)
Pagkatapos noon ay nagpunta kami sa tambayan ng KAPPP, kulitan (gamit ang shock pen), lambingan at mga masasayang usapan... tapos nagring ang bell at kailangan na niyang pumunta sa kanyang klase. Ngunit bago yun, dumaan muna kami sa xerox machine (na hindi ko talaga alam kung xerox), at nagpakopya ng kanyang mga readings para sa epistemology.
Nang siya ay nasa klase na naiwan ako sa labas habang nakikinig sa mga kanta at nagsusulat ng blog entry (yung naunang post kaysa dito), bumangon na lang ako para maghilamos. Pagbalik ko sa harap ng classroom may narinig akong aray, at sabay malakas na tawanan... tila alam ko na na ang mahiwagang shock pen ang may kagagawan nang kasiyahang iyon hehe
Pagkatapos ng kanyang klase ay napagpasyahan namin na humiga muna sa sunken garden bago kami umuwi. Masarap ang pakiramdam na nasa ilalim ka ng langit na pakiramdam mo ay abot kamay na.. Masarap din na magusap at mas lalong maintindihan ang mga saloobin ng bawat isa... masarap magkulitan at magpagulong gulong sa damo... masarap maglambingan sa dilim ng gabi na tila kayong dalawa lamang ang importanteng nilalang sa mundong ito... masarap bumangon mula sa damo at mas maramdaman ang pagmamahal ng babaeng iyo ring minamahal...
Dumaan kami sa SM North Edsa. Bibili kami ng inumin ngunit naisip namin na tignan muna ang mga hayop duon sa pet shops ng SM. Sa bioresearch ang cute nung dalawang pusang nagrarambulan sa loob ng kulungan ehehe sobrang nakakaaliw sila. Cute din yung mga teddy bear hamsters na nagiikot dun sa kanilang salaming kulungan. Sa under the sea naman cute yung mga teddy bear hamster lalo na yung nakadikit dun sa may salamain, cute din yung kunehong sumusubok tumayo... ngunit pinakacute pa rin yung ngiti niya habang nakatitig siya sa mga cute na hayop...
Sa loob ng bus, ay nakatulog siya, ang sarap ng pakiramdam ng ulo niyang nakasampay sa aking balikat, ng buhok niyang dumadampi sa aking bisig, ng brasong nakasalampay sa aking dibdib, ng paghinga niyang dumadaplis sa aking leeg, mas lalo pang napapaigting ang damdaming naramdaman kanina sa damuhan sa ilalim ng langit...
Currently Listening to:
The Corrs - Runaway

Ang pagbabalik...
Isinusulat ko ito ngayon habang nasa UP, nasa Palma hall, nasa ikalawang palapag, nasa hallway sa harap ng room 222. Nakaupo ako ngayon sa lapag habang sumusulat sa pad paper, first time ko atang gawin to, ang blog entry na may hard copy. Nandito ako sa tapat ng kwartong ito, dahil nasa loob ang aking minamahal na babae, nagaaral siya ng epistemology.
Marami rami ring bagay na ang nangyari sa mga nakalipas na buwan. Di ko na ngalang isinusulat sa blog na ito dahil mas ninais ko na ibahagi na lamang sa kanya ang mga pangyayari sa bawa't araw na lumipas kaysa magsulat pa dito sa blog. Marahil ito ay dahil kung tutuusin ang buhay ko ay umiikot lamang sa kanya, sa paaralan at sa bahay kaya konektado kung sa kanya ko na lang sasabihin.
Ngunit... nasabi niya sa akin na medyo namimiss na daw niya ang pagbabasa ng aking blog, so sige go sulat tayo ulit, tutal naisip ko na kahit papano napapabuti ko ang aking literary skills sa pamamagitan ng pagsilat ko dito.
Nung huling check ko, ang huling blog post ko ay January 13, 2006 pa, kahit na hindi ganon katagal ang lumipas na panahon mapapansin pa rin na maraming mga bagay at petsa ang nalaktawan na. So sige magsulat tayo muli...
Currently Listening to:
Orange and Lemons - Blue Moon

Friday, January 13, 2006
dreaming of love and star-showers
I want to be a star, a star that would shine for you when the nyt sky seems dull and lonely. I want to be a star, a star in the sky that you could look up to when you want to hold back the tears that wants to rush down your cheeks. I want to be a star, a star you could whisper your dreams and fancies. I want to be a star, a star that could fall and go down the earth if you need to make a wish, a shooting star. I may lose my shine and flame battling till i reach the ground but atleast the moment i hit the ground, i know i carried something far greater than the streak of luster... a spark of hope the moment my friend wished. This December 14 (wat tym man sya dumating) although i can't be one of those sparkling beauties falling down tonight, i can be a friend.
: )
: )
Subscribe to:
Posts (Atom)