Cast:
Mico
Kobe (the persian cat)
isang ipis...
Siguro mga alas tres na ng umaga noon, gising pa ako dahil sa proyekto sa aking CS 176 Electronic Publishing na klase. Sumasakit na ang mata ko sa pagharap sa monitor ng Computer kaya napagdesisyonan ko munang tumayo at maghilamos.
Habang naglalakad ako papunta sa banyo, ay may nadatnan akong ipis na naglalakad lakad sa sahig sa may pintuan ng banyo. Dahil nakatuon ang pansin ng ipis sa kung ano man, hindi na niya napansin na may tao sa likod niya. Siguro ay "instinctual" na, agad agad akong nagangat ng paa at kinuha ang aking tsinelas. Sinipat ko ang ipis at umamba na ako upang hatawin ang walang kamalay malay na ipis. Ang ipis ay salot period, no return no erase. At dahil salot ito ay kailangan nang puksain.
Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakataong yaon, biglang sumagi sa isipan ko ang theology 151... "God's creatures" nga raw... Iniisip ko, hindi naman siguro demonyo ang lumikha sa ipis at marahil ay may nakalaang plano para sa kanya at sa mga tulad pa niyang peste sa buhay ng tao. Sumagi na rin ang Pilosopiya sa utak ko, kasalanan ba ng ipis ang kanyang pagkilos ng ganon. Ang pagkilos niya na itinuturing nating peste ay ang siyang pagkaipis ng ipis na ito. Naisip ko tuloy nasa kabuuan ba ng pagkatao ang pagpatay sa ipis? kung papatayin ko ang ipis na ito, mas nagiging tao ba ako?
Dahil sa pagiisip ko ay nagpasya akong hayaan na lang ang ipis... at dumiretso na ako sapag pagpasok sa banyo at paghilamos.
At paglabas ko eto ang eksenang tumambad sa aking paningin...
Mula sa isang sulok ay nandun si kobe, ang persian cat. Marahil ay nagising dahil sa pagbukas at sara ko ng pinto ng banyo. Nandun sya, nagmamasid, sinisipat-sipat ang ipis na hanggang ngayon ay nakatambay pa rin sa sahig. Pagkilos ng ipis ay dali-daling nilundag at inapakan ng pusa ang ipis. Durog... at tila hindi pa nakunteto rito ay pinagpasapasahan sa kanyang apat na paa ang unti-unting nawawatak watak na insekto. At ng masiyahan na sya ay bumalik sa kanyang sulok at natulog...
Ayun, natapos ang buhay ng ipis... Nadali siya ng isa pang Nilikha ng Panginoon, isang pusa na nagpapakapusa...
No comments:
Post a Comment