Nakapaglaro akong muli ng soccer nung sabado. Matagal tagal na rin na panahon ang lumipas ng huling maglaro ako nito (ayan ay kung hindi kasama ang futsal). Siguro ang huling laro ko ay nung unang summer ko sa ateneo kung san nakisali ako sa isang laro doon sa field nung pauwi na ako, pero di ko maturing na ibilang ito dahil wala lang yun haha nakapantalon ako noon at ang sapatos ko pa ata yung mga tipong casual walking shoes lang.
Ayun nga naaya ako ni Luigi na maglaro, akala ko nung una mga tipong pick up game lang kung saan ang mga kasali ay mga kung sino sinong naimbitahan lang na maglaro mga tipong wala lang pilian lang ng kampi, kaso ang naging kalaro namin ay maituturing na isang buong team hehe ang mga manlalaro nila ay galing ng iba't ibang bansa tulad ng india/myanmar/korea hehe meron naman kaming 2 import na Japanese.
Masaya rin naman kaso marahil sa tagal ko na na hindi naglalaro sobrang bano na ng galaw ko. Wala na sa tyempo yung mga pasa, di na matantya yung distansya ng bola at kung ano ano pang kabanuan haha Pero masaya din naman dahil kahit papano laro yun, at ang bait at ang kasayang kalaro nung mga nakasama ko.
Missed shots.. mga sayang na pagkakataon, iniwan ko ang camera ko at sayang dahil sa palagay ko maraming possibleng magagandang larawan ang makukuha doon sa araw na yun. Kaya simula ngayon sa bawat labas ko siguro ay dapat ko na talagang bitbitin tong camera na to.
No comments:
Post a Comment