Nakaramdam na ako ng antok bago ko pa man simulan ang blog na ito, subalit hindi ko pa talaga gustong matulog, gusto ko pa kasing makinig ng mga kanta at naisip ko na ayos din namang magblog habang pinapakinggan ko ang mga awiting nasa playlist ko ngayon.
Sa hindi ko malamang dahilan karamihan ng kantang kinahihiligan ko ngayon ay galing sa Sponge Cola, Nasa playlist ko ang Tuliro, Pasubali, Dragonfly (yung version na galing sa cd na pinamigay ata sa isang gig nila noong ang hit pa lang nila ay yung Crazy for you), Una, Lunes at Gemini (piano remastered version galing sa repackaged album). Kasama sa playlist ang Love You Only na kanta ng TOKIO at ang Your Love ng Alamid.
Dahil wala naman talaga akong ideya sa kung ano ang magandang itala ngayon sa blog ko, Ikwekwento ko na lang ang aking araw.
Uumpisahan ko sa pagpatak ng 12:00 ng madaling araw dahil medyo naalala ko pa ang nangyari. Naglalaro ako ng NBA Live 2007 sa PC habang nakikipagtext sa isang kaibigan, nang dumating ang text niya nakita ko na 11:58pm na pala (Linggo), Naalala ko na ang October 30, ay kaarawan ng kaibigan ko kaya ayun nagtext ako sa kanya ng Happy Birthday (muli Happy Birthday Jeerah!) tapos noon tinuloy tuloy ko lang ang aking paglalaro hanggang sa may isa naman akong kaibigan na tila hindi makatulog kaya text text muna (Iyah matulog ka na :P).
Umabot din siguro kami ng mga alas 3 ng madaling araw ng napagpasyahan ko na tama na kailangan ko na ng pahinga dahil gusto ko pang mag-gym mamaya, kaya ayun nagpaalam na ako at natulog. Makalaipas ang mga 4 o 5 oras na tulog, naligo na ako at nagpunta na sa MLSC fitness center o mas kilala bilang Moro gym hehe.
Kaso sadyang malas ata ang umaga kanina at medyo pinagtripan ako ng panahaon. Biglang bumuhos ang ulan habang naglalakad ako papunta doon sa gym, kaya ayun naging two tone yung pantalon ko napilitan na rin akong magtricycle dahil medyo malakas na rin talaga yung ulan. Nakaabot naman ako ng gym ng hindi mukhang bagong laba ang suot kong damit pero ayun lang basa pa rin.
Marahil siguro dahil sa puyat at lamig, medyo tinatamad ang katawan ko magworkout, pagkatapos lang ng onting buhat at takbo wala na suko na hehe parang masarap magpahinga pero yun nga hindi pa tapos ang araw, may basketball pa pagkatapos ng workout na to.
Mga 12:00 ng hapon kami pumunta ng covered courts para maglaro ng basketball. Ayos lang nakakapagod matagal tagal na rin ata akong hindi naglalaro ng 5 on 5 , idagdag pa diyan yung lamig nung hangin at yung pagod dahil sa pagwoworkout kanina at yun sabog na talaga yung paglalaro ko hehe. Pero kahit papano naman may mga maganda akong nagawa sa court, at sa istilo ko ng paglalaro basta may maganda akong nagawa wala na akong pakialam sa score hehehe.
Mga 3 oras siguro kaming naglalaro ng Basketball at ng mapagod na ay napagisipin naming kumain. Kaya punta na kami sa CR para maghugas at magbihis. Eh dahil hindi namin tinignan kung bukas yung shower area, nagpakanda hirap kaming maligo sa sink (oo tama maligo, kumpleto shampoo at sabon, nagawa na rin kasi namin ito dati). Nung medyo nabwisit na ako sabi ko baka naman bukas tong shower area, kaya tinignan ko at ayun nga, anak ng torotot bukas palaa yung bwiset na shower room.
Ang plano sana sa KFC katipunan kami kakain, kaso dahil walang parking ayun pumunta kami ng Eastwood. Eastwood lunes na lunes at alas 3 pa ng hapon, nakakapanibago at mukhang ghost town ang eastwood hehe. Ayun ang ending imbis na KFC naging Fazzolis ang kinainan. Masarap yung libreng tinapay, hindi ko lang alam kung masarap siya dahil masarap siya or dahil libre.
Tapos napagisipan na manood ng sine, yung pinagbibidahan ni Batman at ni Wolverine, yung The Prestige. pero dahil 4:30 pa lang noon at 5:20 pa yung next screening nagpunta muna kami sa Powerstation. Ganda rin ng timing dahil malapit na ang birthday ko, at dahil malapit na ang birthday ko meron akong free P200 load sa Powerstation so ayos. Nagamit ko yung 30 pesos doon sa 200 na libre sa Dream Catcher at well successful naman haha nakabingwit ako ng:
Tapos ayun na showtime na, ng paakyat kami sa escalator nakakita ako ng celebrity, nasa likod ko si Joey De Leon, papapicture sana ako kaso naisip ko na siguro gusto niyo ng private time kaya di ko na inistorbo, baka batukan pa ko o lumabas ako bigla sa wow mali mahirap na madiscover pa ako hahahaha
Pagkatpos ng kalahating oras ng trailers, sa wakas palabas na, sa totoo lang medyo inaantok ako nung una, malamang dahil sobrang antok na ako dahil sa kakulangan ng tulog, pagod sa workout at basketball at dami ng kinain (iba na ang libre). Pero unti-unti akong nahatak nung pelikula, maganda siya pero mas gusto ko si Wolverine kaysa sa magician. Aaminin ko na may katangahan ako ng isipin ko na medyo action packed yung pelikula (yung tipong magic na tinuturing eh yung mga tipong fireball at kung anuman) pano ba naman si Bale nakita ko sa Batman Begins, si Jackman sa X-Men tapos si Scarlet naman sa FHM at sa The Island so siyempre kala ko talaga medyo may mga amazing fight scenes pero yun nga wala. Pero maliban sa disappointment ko na yon masasabi kong naenjoy ko yung pelikula.
Pagkatapos nun uwian na, sabay ako kay alden hanggang katipunan tapos LRT na pauwi. Pagdating sa bahay, ayun ligo, online, laro, chat, at laro ulit tapos eto na, nakikinig na sa patapos na playlist at naghahanda ng matulog...
(sana may makagets kung bakit yan yung title ko)
No comments:
Post a Comment