Ito ay dahil naisip ko na kung magsasabi rin lang ako ng kwento ay ididiretso ko na sa kanya. "no offense" sa ibang tao, pero para sa akin siya lang naman kasi yung talagang nagmamatter na makarinig.
Ngayon nandito nanaman akong muli sa harap ng monitor. muling tumitipa ng keyboard ng computer, nakikinig sa mga himgi ng mga kantang hindi ko naman naiintindihan...
naze boku wa koko ni irun'darou?
- from Hitomi no Juunin by L'arc~En~Ciel
Kung isasalin ang linya sa taas ito ay lalabas na, Why am I here?- Bakit ba ako nandito? Bakit muli akong nakikipagkaibigan sa mga letra sa itim na infinium keyboard. sa tono mula sa itim na altec lansing speakers, sa ilaw galing sa itim na lg monitor...? Bakit nga ba?
mabigat sa loob ang bumasag ng isang pangakong binitiwan...
mabigat sa loob saktan ang minamahal...
mabigat sa loob ang basagin ang pangakong hindi ko siya sasaktan...
Oo, nasaktan ko siya. Hindi na siguro mahalaga kung sasabihin ko pa na hindi ko siya gustong saktan. Basta ang alam ko nasaktan ko siya...
May isang bata na nabigyan ng isang alagang ibon. Mahal na mahal niya ang ibong ito at gusto niyang nilalaro palagi. Nilalabas niya ito mula sa kanyang hawla upang kanyang mahaplos. Ngunit dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa paghahawak niya ng ibon, unti unti niya palang nasasaktan ang kanyang mahal na mahal na alaga. Ang kanyang kagustuhang lumigaya at mapaligaya ang ibon ay totoo ngunit lingid sa kanyang kaalaman nasasaktan niya plaa ng matindi ang kanyang minamahal.
Nasabi ko ang akdang yan sa kanya. Pakiramdam ko gaya ako nung batang paslit. Pareho naming mahal ang aming mga kasama ngunit pareho din kaming tanga pagdating sa kung paano dapat kumilos. Hindi ko man sadyain nanatili ang katotohanang nabasag ko ang pangako ko at siya ay sinaktan...
Nakakailang pangyayari na rin na kami ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan, ngunit kahit papano naaayos namin, nagagawa naming maayos at maipagpatuloy ang aming relasyon. Nabanggit ko sa kanya na maari naming maayos ito, maari pa naming ipagpatuloy ang nabuo namin. ngunit binanggit niya ang isang katanungan ng hanggang ngayon ay nagbibigay bangungot sa wala kong tulog na isipan...
"Oo pwede pang ituloy, pero paano kung ayaw ko na?"
Masakit marinig ang salitang yan. Masakit din yung naiintindihan ko kung bakit ayaw na niyang ituloy pa. Lalo na kapag naisip mo yung mga pasakit na dinaananan niya dahil at para sa akin.
Ngunit tao lang ako, kahit alam kong may mga sakit na nangyar, hindi ko rin masisi yung sarili ko na gustuhing makasama pa rin siya. Na antayin ang araw na baka sakaling makita niya muli yung mga bagay na makakapagpasabi sa kanya ng
"Mico, tara ituloy natin ito..."
sana hindi pa masyadong bali ang pakpak ng ibon (ang pakpak na ako mismo ang nakabali) at naisin niya muling lumipad kami sa aming mga pangarap