Tuesday, June 26, 2007

Knockout...

Alam mo yung sa boxing? yung tipong babanatan ka ng jab tapos biglang kombinasyong ng kanan at kaliwa tapos tatapusin ka ng isang matinding hook at yun knockout...

Nagising ako ng mga bandang 8 ng umaga (tumunog ang bell) sakto lang para sa 9:30 class ko CS 176: Electronic Publishing with David Tran as Prof. Ayos naman sana to eh, kaso hindi pa kami umaabot sa hand's on part so isang oras ng lecture na hindi ko rin masyadong maintindihan. Pero dahil maaga aga pa ayun kinakaya pa naman (parang jab lang).

Sunod naman yung Theo 151 with Mr. Dy-Liacco. Bible talk + lecture (bumanat ng straight) mukhang nayanig ako at nakaramdam ng antok hehe buti na lang kinaya pa, di naman ako natumba:

(Class room)
Prof: Discussion tungkol sa Amos sa bibliya chapter 3 ata yun
Ako: (inaantok antok at halos tulog na yung tipong nakapikit na at nahuhulog hulog na yung ulo)
Prof: Mr. Ruiz, do you go to prostitute houses after sunday mass?
Ako: huh? NO sir no,
Prof: Good Afternoon.

buti na lang kahit papano may malay pa ako nun kung di matinding kahihiyanan na

Tapos Philo 103 boom nagsasalita si sir strebel nalunod na ako boom para akong na straight ulit hindi man lang ako nakabawi sa tama kanina sa theo hehe pero di namanako natodo sa durog dahil may break pa ako.

Knockout punch yung tatlong oras na LS 100, hahay 6-9 pa talaga badtrip talaga yang ls department mag assign ng oras para sa amin. Di man lang kami binagyan ng matinong pagpipilian, kung hindi 6-9 na lunes, 6-9 na biyernes o kaya 9-12 na sabado, badtrip

paguwi ko pa di ko trip yung ulam haha kaya ayun knockout na

No comments: