Sunday, February 06, 2005

Roller Coaster

Pasikot-sikot, may mga puntong tila maabot mo na ang mga ulap, may mga puntong halos sadsad na sa lupa ang iyong talampakan. Pero sa dulo masaya ka...(o nasusuka :P) Ganito ang rollercoaster. Tila ganito din ang buhay.

Tulad na lang ng linggong ito. May mga emotional ups and downs. Maraming tawanan at mayroon ding iyakan. Tulad na lang nung Martes ng gabi, sobrang lungkot ko noong araw na iyon, Isang kalungkutang umabot hanggang Miyerkules ng gabi. Hanngang Miyerkules ng gabi lang dahil nabawi ito ng mga sinabi sa akin. Tuloy ang saya hanggang Huwebes at Biyernes, at pagdating ng Sabado ng gabi (at Linggo ng madaling araw) ayun wasak nanaman.

(Pasensya na, ayaw ko na lang kasing idetalye kaya malabo)

Nakakaaliw, ang cute isipin na iisa lang ang dahilan nito. Sabi nga dun sa kanta
"My power, my pleasure, my pain..."

2 months, kaya ko yan... Kung iisipin walang dapat ikalungkot sa mga sinabi niya sa akin, Siguro ayaw ko lang kasing pakawalan pa yung anumang namamagitan sa amin. Maging FB/pagkakaibigan/pagmamahalan yun ayaw ko lang pakawalan siguro...Kahit na sinabi niya na nandun pa rin naman ang mga iyon pagkatapos ng 2 buwan...

Ang hina ko lang siguro. Pero hindi kaya to. Kakayanin...para sa akin, para kay Faye.

Nasa roller coaster ako... hindi ako nasusuka, masaya ako... Siguro hindi ako masisisi kung ayaw ko pang bumaba., kung hihiling akong ipagpatuloy ang mataas, mababa at pasikot sikot na daloy ng ganito...

Currently Listening to:
Daniel Bedingfield - If You're Not the One

No comments: